Ang lettuce ay itinuturing na nutritional powerhouse.
Kargado ito ng vitamins K, A, C, at folate.
Sagana rin ito sa mga minerals and antioxidants na nagpapalakas ng immunity, sinusuportahan ang kalusugan ng mga buto, at pinangangalagaan ang cells para hindi ma-damage.

Mataas ang water and fiber content ng lettuce na nakatutulong sa weight management, at hydration.
Marami rin itong variety. Bukod sa basic na iceberg, naririyan din ang romaine, butterhead, green leaf, at red leaf.
Read: Tips: How to cook omelet using a microwave oven
LETTUCE AND ITS MANY BENEFITS
Dahil sagana ang lettuce sa Vitamin K, bukod sa nagpapatibay ito ng mga buto, nakatutulong din ito para maiwasan ang blood clotting, ayon sa artikulong nalathala sa website na Health.com last August 21, 2025.
Pero ang isang cup ng green o red leaf lettuce ay kayang mag-provide ng six to 20 times na dami ng vitamin K kesa sa iceberg leaves.

May taglay ring Vitamin A ang lettuce na nasa porma ng beta carotene.
Bukod sa nakatutulong mapangalagaan ang kalusugan ng inyong mga mata, nagpapaganda rin ito ng skin.
Ang romaine at ang iba pang deep-green lettuce ay mayaman sa Vitamin A.
Solid source din ang leafy vegetable ng folate o Vitamin B9 kaya mainam ito para sa mga buntis o sa mga nangangailangan ng cell renewal and energy lift.
Nakatutulong ang folate para makalikha ang katawan ng bagong red blood cells at maiwasan ang pakiramdam na laging pagod.
Nasusuporthan din nito ang kalusugan ng baby habang nasa tiyan pa ng ina.
Read: Is food cooked in air fryer healthy?
LETTUCE IS A GOOD ALTERNATIVE TO ORANGE, MILK, AND BANANA
Hindi nakikipagkumpitensya ang lettuce sa orange fruits, pero bawat piraso ng dahon nito ay may taglay na Vitamin C.
Mainam ito para mapalakas ang immunity at mabilis ang paggaling ng mga sugat at skin health issues.
May taglay rin itong calcium at potassium, ang mga minerals na nagpapanatiling maganda ang tibok ng puso, aktibo ang mga ugat, at matitibay ang mga buto.
Kaya kung hindi kayo palainom ng gatas o palakain ng saging, ang lettuce ay mainam na alternative.
Present din ang skin-friendly na Vitamin E.
Read: CHECK THIS OUT: Kaffeost, coffee that uses cheese as creamer
LETTUCE IS RICH IN ANTIOXIDANTS AND PLANT COMPOUNDS
Ang lettuce ay loaded din ng mahahalagang antioxidants gaya ng carotenoids and polyphenols.
Ang mga plant chemicals na ito ay nakatutulong sa inyong katawan laban sa cell damage na dulot ng stress, pollution, at pagtanda.
Mas dark ang dahon ng lettuce, mas marami ang taglay nitong antioxidant.
Nakatutulong din ang lettuce para mapababa ang panganib na magkaroon ng heart disease at cancer.
Napapanatili rin nitong matalas ang isipan habang nagkakaedad.
Read: Meet Macey Nemer: Creator of cupcake bouquets
LETTUCE HELPS IN WEIGHT LOSS, HYDRATION, AND GUT SUPPORT
Basically, ang lettuce ay calorie-free.
Sa komposisyon nitong halos 95 percent water, madali kang mabubusog.
Mayaman din ito sa fiber, ayon sa artikulong inilathala ng website na Taylor Farms last Sep 27, 2024.
Bukod sa mananatiling hydrated, hindi rin agad makakaramdam ng gutom kaya maiiwasan ang snack cravings.
May magandang epekto rin sa digestion—na malaking factor sa weight management.
Read: Soda can tab hole: What is its real purpose?
MAKE LETTUCE PART OF YOUR EVERYDAY DIET
Gawing bahagi ng healthy lifestyle ang palagiang pagkain ng lettuce.
Kapag kakain ng sandwich, wrap, o taco, lagyan ng ilang piraso ng dark leafy green lettuce.
Gumamit din ng ibang variety gaya ng red leaf, romaine, or butter lettuce upang maiwasang magkaroon ng taste fatigue, at para sa karagdagang vitamin boost.
Kung mahilig sa smoothies, lagyan ng lettuce.
Para sa burger lovers, ang ilang piraso ng sariwang lettuce ay nakakabawas umay lalo na kung oily ang burger patty.
Bagaman at may nagsasabing boring ang lettuce, maituturing itong super food sa dami ng taglay na vitamins, minerals, and antioxidants.
Accessible pa ito at affordable, saan ka pa?
