Kilala ang Graham crackers bilang sangkap sa paggawa ng masasarap na desserts tulad ng mango Graham float, Graham balls, cakes, S’mores, cookies, and the list goes on.
Interestingly, inimbento pala ito para gumawa ng pagkaing walang lasa.
Bakit? Dahil sa paniniwalang ang pagkain ng masasarap ay sanhi para magkasala ang mga tao.

Read: Couple, both PWDs, cry discrimination at coffee shop
DELICIOUS FOOD and DRINK STIR SINFUL DESIRES
Lingid sa kaalaman ng marami, may madilim na kuwento kung paano naimbento ang Graham crackers.
Inilahad ito sa video na pinamagatang “The dark history of Graham crackers,” na in-upload sa TED-Ed YouTube channel noong June 12, 2025.
In early 1800s sa Amerika, kilala si Sylvester Graham, isang Presbyterian minister, dahil sa kanyang pananaw ukol sa moralidad.
Isa rin siyang advocate ng healthy lifestyle.
Sa kanyang mga sermon, idinidiin ni Graham ang malaking problema ng mga Amerikano pagdating sa kanilang katawang lupa at kaluluwa.
Walang raw silang kontrol sa pag-i-indulge sa pagkain at mga inuming masasarap, dahilan para makaramdam nang mas malalim na immoral desires tulad ng sex.
Naging kakampi ni Graham ang Christian Temperance movement, na tutol sa alak dahil sanhi umano ito ng problema sa social order at civic virtue.
Ang kanilang pag-iingay ay nauwi sa federal prohibition ang alak.
Pero hindi lang ito ang kanilang tinutulan.
Naging mainit din ang mata nila pagdating sa paksang sex, kahit sa pagitan ng mga married couples.
Sang-ayon sila kay Graham na nagsabing kasalanan ang pagtatalik, kahit sa mag-asawa, kung ginagawa ito nang higit isa sa isang buwan.
Sinabi rin ni Graham noon na masama ang epekto ng masturbation lalo na kapag naging bisyo ito.
May epekto raw ito sa utak at nakakaubos ng energy.
Nagreresulta rin diumano ito sa nervous disorder.

Read: Graduate cries discrimination during commencement exercises
THE INVENTION OF GRAHAM BREAD
Ang solusyon dito ni Graham, sampu ng kanyang mga tagasunod, naglabas siya ng mga payo para masupil ang mga desires.
Inirekomenda ni Graham ang pagtulog sa matigas na higaan, regular na pagligo, at paglanghap ng hangin kahit pa sa pagsapit ng taglamig o niyebe.
Subalit ang naging major focus ni Graham ay ang diet.
Para sa kanya, ang American diet noong mga panahong iyon na nag-i-indulge sa mga pagkain at inumin ang dahilan ng imbalance.
Ito raw ay nauuwi sa kawalan ng self-control pagdating sa mga desires.
Isinulong ni Graham ang vegetarian diet, whole grains, fruits, at vegetables.
At ang reminder niya lagi: dapat walang lasa ang pagkain.
Pero ang pangunahing contribution niya ay ang Graham bread, na kalaunan ay naging Graham crackers.
Ibinahagi ni Graham sa publiko ang recipe niya ng Graham bread, na ang simpleng ingredients ay tubig, gatas, yeast, at kapiranggot na asin.
Wala raw itong sangkap para ma-overstimulate ang senses ng tao.
INFLUENCE ON SIGNIFICANT PEOPLE
Kinarir ni Graham ang pagiging public health advocate.
Sumulat siya ng mga libro at nagsagawa ng mga lectures na sinabi niyang solusyon din para masupil ang cholera outbreak noong mga panahong iyon.
May mga sumasalungat sa kanya, tulad ng mga bakers, na nagpoprotesta sa labas ng venues ng kanyang mga lectures.
Maging ang tanyag na American philosopher na si Ralph Waldo Emerson ay pinagdudahan si Graham at ang kanyang adbokasiya.
May mga kritiko ring tinawag na basura ang mga itinuturo ni Graham.
Sa kabila nito, maraming naging supporter si Graham.
Halimbawa, ang pagsusulong niya ng digestive health ay nag-appeal sa mga kilalang tao noon tulad ng nutritionist na si James Jackson, na kilala rin sa kanyang health spa sa upstate New York.
Noong 1863, gumawa si Jackson ng granulated Graham flour cakes na tinawag niyang Granula.
Ang Granula ay binansagang “world’s first cold breakfast cereal.”
Tila na-inspire naman dito si John Harvey Kellogg, na may health spa rin noon.
Gumawa naman siya ng corn flakes sa pamamagitan ng pag-steam, pag-roll, at pag-bake ng mais.
Tulad ng Graham bread, wala rin silang lasa.
Ang isinusulong noon ni Jackson ay iwasan ang mga sakit sa pamamagitan ng diet, habang si Kellogg naman ay advocate ng anti-masturbation.
Ang masturbation ang sinisisi ni Kellogg bilang dahilan ng mga sakit kaya pino-promote ang pagsupil ng libido sa pamamagitan ng dull diet.
Pero sa paglipas ng panahon, nag-evolve ang original purpose mga pagkaing ito—ang corn flakes, Granula, at Graham bread.
THE BIRTH OF GRAHAM CRACKERS
Nung mamatay si Graham noong 1851, nagsimulang mag-mass produce ang National Biscuit Company ng Graham crackers.
Ang naging pangunahing sangkap: lighter flours at sweeteners.

Noong 1927, naisip ng mga tao na ipalaman sa Graham crackers ang toasted marshmallows at chocolate.
Ang sandwich na ito ay binansagang “some mores” ng mga girl scouts.
Iyon ang kuwento kung paano naimbento ang “S’mores.”
In the present times, ang Graham crackers ay naging popular na sangkap sa paggawa ng matatamis, malinamnam, at masasarap na dessert.

