Hindi basta-basta kinakain ng mga tao ang mga uod o caterpillars. Ang isipin lang ang prosesong iyon ay sapat na para bumaligtad ang sikmura ng ibang mahihina ang naturalesa.
Pero para sa mga residente ng Central Highlands sa Vietnam, ang caterpillars ay main ingredient ng kanilang sikat na regional stir-fried dish.
Ayon sa ulat ng news website na Vietnamnet Global last April 19, 2025 taun-taon, tuwing buwan ng Marso hanggang Abril, ang mga cassia trees, o golden trees, na matatagpuan sa central highlands ng Vietnam ay sinasalakay ng army of yellowish caterpillars.

Tinatawag ang mga uod na ito na cassia caterpillars—for obvious reason.
Kinakain ng cassia caterpillars ang mga dahon ng cassia trees na nasa pinakaituktok, at doon na sila namamalagi.
Kapag malalaki na ang mga uod, gumagapang sila sa mga sanga sa bandang ibaba ng mga puno.
Doon naman sila nagpoporma ng kanilang cocoons, hanggang maging mga butterflies at saka lilipad papalayo.
Read: Man lives by eating 2 slices of toasted bread with butter daily
CASSIA CATERPILLARS ARE CLEANED AND PRE-COOKED
Bago maganap ang final transformation na ito sa cassia caterpillars, may mga residenteng nangunguha ng mga uod at pupae.
Isinasahog nila ang mga ito sa isang simpleng stir-fried dish—na para sa mga hindi sanay kumain nito ay mahirap lunukin.
Kapag nakolekta na ang cassia caterpillars, hinahayaang buhay ang mga ito sa loob ng apat hanggang anim na oras.

Ang dahilan, para natural na mapurga ang mga ito ng kanilang digestive tracts.
Pagkatapos ay huhugasang mabuti ang mga ito.
Kapag malinis na, pakukuluan naman sa tubig na may timplang asin at paminta bago tuluyang iluto.
Read: Why Filipino hot dogs are so unique
CASSIA CATERPILLARS ARE BEST WHEN STIR-FRIED
May mga residenteng iniihaw ang cassia caterpillars o kaya ay ipiniprito sa animal fats.
Ang pinakasikat na paraan ng pagluluto rito matapos mapakuluan sa tubig na may asin at paminta ay stir-fried.

Sa kawali ay maggigisa ng bawang, sibuyas at iba pang pampalasa.
Kapag mabango na, ilalagay rito ang pinakuluang cassia caterpillars.
Hinahayaan iyon sa loob ng ilang minuto.
Bago hanguin, nilalagyan ng hiniwang lime leaves para sa extra flavor.
Ang resulta ay golden, crispy exterior—na para sa mga residente ay napakasarap.

Malutong ang texture sa labas, at makatas naman ang loob.
Ramdam pa rin sa dila na ang kinakain ay cassia caterpillars at pupae—pero mas malinamnam dahil sa mga sangkap na ginamit sa pagluluto.
Isinasabay rin ito sa kanin.
Read: REPORT: Pork is world’s most consumed meat
CASSIA CATERPILLARS ARE EXPENSIVE, CAUSE SKIN ALLERGIES
Dahil dalawang buwan lang kada taon lumalabas ang cassia caterpillars sa Vietnam, mataas ang presyo nito.
Ang isang kilo nito sa Central Highland ay ibinibenta ng VND 250,000 o PHP536.07.
Pero sa ibang probinsiya ay umaabot sa VND 400,000 o PHP857.15 kada kilo—na mataas pa sa presyo ng ibang seafood.
Bagaman at masarap na may rich, nutty flavor and crisp texture, ang stir-fried cassia caterpillars ay nagiging sanhi ng pangangati ng balat na kagaya ng skin allergy sa ibang kumakain nito.
