PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dubai chocolate causes global pistachio shortage

Chocolatiers are snapping up all the kernels.
by KC Cordero
Published Apr 23, 2025
Dubai Chocolate and pistachio
Isa sa mga sangkap ng trending na Dubai Chocolate ang pistachio. Dahil dito, nagkaroon ng shortage ng pistachio kernels. (Photo: dubai-chocolatebar.com)

May shortage ng pistachio ngayon sa buong mundo—at ang itinuturong dahilan ay ang viral na Dubai Chocolate.

Ang Dubai chocolate ay isang popular milk chocolate bar na punung-puno ng knafeh, pistachio cream, at tahini spread.

The Dubai Chocolate without wrapper
Isa sa mga sangkap ng Dubai Chocolate ang pistachio nuts. Photo: dubai-chocolatebar.com

Ayon sa ulat ng news website na The Project last April 20, 2025, ang Fix Dessert Chocolatier ay inilunsad noong 2021 ng British-Egyptian entrepreneur na si Sarah Hamouda katuwang ang kanyang mister na si Yezen Alani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang “Fix” ay nangangahulugang “freaking incredible experience.”

Naging inspirasyon ni Sarah ang kanyang food cravings noong naglilihi siya.

Read: What happens if you eat two eggs a day?

WHY DUBAI CHOCOLATE GOES VIRAL

Nag-viral ang Dubai Chocolate noong 2023 matapos i-upload ng TikToker na si Maria Vehera ang video kung saan tinitikman niya ito.

Ang video ay nakakuha ng 120 million views, 277.8K reactions, 3,839 comments and 13.1K shares.

Mula noon, tumaas ang demand para sa Dubai Chocolate.

Maraming chocolatiers ang nagsimula ring gumawa ng chocolate bar na may pistachio.

Naging dahilan ito para magkaroon ng pandaigdigang kakapusan sa supply ng pistachio, na karaniwang inaani sa U.S. at Iran.

Pistachio nuts
Dahil sa pagsikat ng Dubai Chocolate, na ginagaya ngayon ng ibang chocolatiers, tumaas ang demand sa pistachio kernels. Photo: Healthline
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang panayam ng The Financial Times sa nut trader na si Giles Hacking, may-ari ng CG Hacking, sinabi niyang sa loob lang ng isang taon ay tumaas ang presyo ng pistachio mula US$7.65 (PHP433.08) sa US$10.30 (PHP583.10) per pound.

Ani Giles sa naturang panayam, “The pistachio world is basically tapped out at the moment.”

Bukod sa pagsikat ng Dubai Chocolate, may epekto rin ang mababang supply mula sa U.S. noong 2024.

Dagdag ni Giles: “There wasn’t much in supply.

“So, when Dubai chocolate comes along, and chocolatiers are buying up all the kernels they get their hands on, that leaves the rest of the world short.”

Read: CHECK THIS OUT: Grilled spicy bamboo sticks

DEMAND FOR PISTACHIO NUTS ALSO GOES UP

Ang Iranian producers ng pistachio ay nakapag-export na ng mahigit 40 percent ng regular na iniluluwas na pistachio sa United Arab Emirates mula October 2024 hanggang March 2025.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa Iran’s customs office, mas marami pa ito kumpara sa kanilang ini-export mula August 2023 hanggang September 2024.

Sa ulat pa rin ng The Financial Times, noong 2023 ay nag-exceed ang demand sa pistachio na naging dahilan ng pagtaas ng presyo nito.

Ayon kay Iran Pistachio Association board member Behrooz Agah: “A variety of byproducts became available, such as pistachio butter, oil and paste, which could be used in a wide range of pistachio-based foods.

“That was around the same time Dubai Chocolate was launched and gradually went viral worldwide.”

Read: CHECK THIS OUT: Onion ice cream from Mindoro

PROFILE OF DUBAI CHOCOLATE

Ang Dubai Chocolate bar ay nagtataglay ng crispy kataifi, pistachio, at tahini paste,

Naka-wrap ang mga sangkap na ito sa casing of milk chocolate.

Ang cover ng bar ay rose-colored foil at paper sleeve na may illustration ng knafeh.

Makikita ang presyo ng Dubai Chocolate bars sa official website nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon, sa Dubai pa lang ito mabibili.

Maaaring mag-order through Deliveroo, isang British online food delivery company, mula alas dos hanggang alas singko ng hapon, Dubai time.

The Dubai Chocolate bar
Sa online pa lang mabibili ang Dubai Chocolate. Babala ng may-ari, maraming nagkalat na peke sa merkado. Photo: dubai-chocolatebar.com

Noong August 13, 2024, nag-post ang Fix sa Instagram at nagbigay ng babala sa mga customers dahil sa mga kumakalat na fake resellers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi naman ng Fix founder na si Sarah ang kanyang plano na ibenta ito sa buong mundo.

Nung siya'y nagsimulang magbenta, nakakatanggap lang siya ng six orders sa loob ng isang araw.

Ngayon, nakakatanggap ang kanyang kumpanya ng 100 orders kada minuto.

Aniya, hindi pa niya makayanang tugunan ang demand sa ngayon—lalo pa at maraming customers sa iba’t ibang dako ng mundo ang nag-o-order.

Plano rin ni Sarah na magkaroon ng physical store.

Read: Esperanza’s Hapag Kainan: Ancestral house turned into a restaurant

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa sa mga sangkap ng trending na Dubai Chocolate ang pistachio. Dahil dito, nagkaroon ng shortage ng pistachio kernels. (Photo: dubai-chocolatebar.com)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results