Coffee person ka ba?
Ito ba ang pampagising mo sa umaga at pang-boost ng energy?
Pero kung mas inuuna mo ang kape sa almusal o kape ang nagiging almusal mo, this is a bad habit.
Ito ay dahil hindi inirerekomenda ng mga experts ang pag-inom ng kape nang walang laman ang tiyan.
Kahit pa matagal mo nang ginagawa ito at tila wala namang epekto, hindi nangangahulugang nakabubuti ito sa kalusugan, ayon sa Realsimple.com article na na-publish noong June 2024.
Nabanggit din sa article na sumangguni kay Christina Manian, isang registered dietitian and nutritionist (RDN), na may mga nutrients na nakukuha mula sa isang tasang kape, katulad ng energy, protein, fat, calcium, iron, magnesium, zinc, copper, vitamins B, E, at K, at marami pang iba, pero hindi ito sapat na rason para maging "first meal" of the day.
Read: Is it safe to drink coconut water every day?
SIDE EFFECTS OF DRINKING COFFEE BEFORE BREAKFAST
Ano ba ang mga masamang epekto ng pag-inom ng kape na wala pang laman ang tiyan?
STOMACHACHES
Ang unang negative effect ay sakit ng tiyan.
Paliwanag ni Manian, ang kape ay nag-i-stimulate ng stomach acid, na puwedeng mauwi sa stomach upset o sintomas ng acid reflux o kaya ay heartburn.
Sa isang article na lumabas sa Vogue nitong March 30, 2025, binanggit na ang pag-inom ng kape ay maaaring magdulot ng abdominal cramping at problema sa pagdumi—lalo na ang taong may sensitive gut o mayroong Irritable Bowel Syndrome (IBS).
INCREASED LEVEL OF CORTISOL
Posibleng tumaas din ang stress level dahil ang kape ay nag-i-stimulate ng cortisol o stress hormone.
Sabi ni Manian: "While some cortisol is important for regulation of blood sugar, blood pressure, and metabolism, excessive amounts over long periods of time can lead to hypertension, unregulated blood sugar levels potentially leading to diabetes, and loss of bone density."
Tugma ito sa ulat na lumabas sa Vogue. Sinabi ritong pinakamataas ang cortisol levels pagkagising sa umaga, at puwedeng umakyat ito kapag uminom ng kape nang walang laman ang tiyan.
“Excess cortisol can also affect mood, leading to nervousness, anxiety, or irritability. Over time, too much cortisol can alter metabolism and affect sleep cycles.”

Read: CHECK THIS OUT: The interesting purpose of hair-like fiber in mussels
Ang rekomendasyon ng experts inumin ang kape kasabay ang balanced breakfast.
BENEFITS OF DRINKING COFEE
Sa kabilang banda, inisa-isa rin ng sa Realsimple.com, isang 25-year-old brand sa U.S. na may 10 million digital users and 6.2 million magazine readers kada buwan, ang mga benepisyo ng pag-inom ng kape.
Napatunayan sa ilang studies na ang kape ay nag-i-enhance ng concentration, sabi ni Manian.
Nakakatulong din ito sa digestion at acid production sa tiyan, alapay, pancreatic secretion, at colon.
Ang kape ay nakaka-boost din ng pakiramdam at kaya nitong i-reverse ang epekto ng sleep deprivation sa mood.
Lumalabas din sa pag-aaral na ang 200-250 milligrams ng caffeine sa isang tasa ng kape ay maaaring i-improve ng mood at gawing stable ito sa loob ng tatlong oras.
Gaano naman karaming kape ang puwedeng inumin sa isang araw?
Ayon pa rin sa Realsimple.com, para sa healthy adults, ang 400 milligrams na kape (apat hanggang limang tasa) ay itinuturing na safe amount kada araw.
