Hands-on chef and restaurant owner si Christopher Roxas sa pangalawang branch ng That’s Diner resto nila ng misis niyang sa Gladys Reyes.
Read: Gladys Reyes, inihalintulad si Christopher Roxas sa bulalo
Ang unang branch ng That’s Diner ay matatagpuan sa San Pedro, Laguna. Tagaroon ang mga kaanak ni Christopher.
Nakapanayam si Christopher ng entertainment press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa get-together na inorganisa ng misis ni Gladys na si Christopher.
Ginanap ito sa That's Diner sa Brick Road sa Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.
Nakilala si Christopher bilang aktor na kasabayan ni Gladys sa Mara Clara (1992-1997).
May mga pelikula at TV shows kunsaan gumaganap siya ng supporting roles.
Pero mas nakapokus si Christopher sa pagnenegosyo kaysa pag-aartista.
Inamin niya na out of necessity kaya pinasok niya ang pagiging chef.
“Well, to provide for my family," panimula ni Christopher.
"Wala naman talaga akong ibang gagawin sa buhay ko.
"And to be honest, mas nauna naman talaga ako mag-OFW bago ako nag-aral [ng culinary arts].
"So, mas nauna akong magluto sa ibang bansa."

Read: Gladys Reyes, Christopher Roxas celebrate 20 years of marriage
CHRISTOPHER ROXAS ON WORKING AS A DISHWASHER AND COOK
Sa puntong ito ibinahagi ni Christopher ang pagiging OFW niya sa France, Japan, at Amerika.
"Mas nauna akong maging kusinero talaga. So ako, nag-duty ako. Alam ko yung buhay ng kusinero sa loob.
"So, nagtrabaho ako, literal na kusinero," proud na kuwento ni Christopher.
May tiyahin si Christopher na owner ng club sa Japan, at doon siya nagtrabaho ng odd jobs.
Pagpapatuloy ni Christopher, "Tapos sa France, nung nagpunta ako doon, nagsimula ako as dishwasher. Tapos, nag-grill ako."
Taong 2009, nangyari ang Bagyong Ondoy sa Pilipinas, at napagtanto niya na kailangan siya ng kanyang pamilya.
Humingi raw siya ng tulong kay Cory Vidanes, ang chief operating officer for broadcast ng ABS-CBN mula 2016.
"Tumawag ako kay Ninang Cory. Sabi ko, 'Ninang, mag-aartista na lang po ako. Hindi worth it yung kita sa ibang bansa. Malayo ka sa family,'" balik-tanaw ni Christopher.

CHRISTOPHER ROXAS PUTS UP EATERIES, STELLA RESTAURANT
Dito na naisip ni Christopher na magsimula ng negosyo.
"Nung umuwi ako, na-figure-out ko, at least, hindi ko naman nakita ko na magtutuluy-tuloy ako sa showbiz.
"Ang na-ano ko, at least may papers ako [culinary education], makapasok ako sa hotel.
"Parang, dapat magsasabay pa kami ni Donita noon, e."
Ang tinutukoy ni Christopher na "Donita" ay si Donita Rose, na nag-aral din ng culinary arts.
Patuloy ni Christopher, may puntong nakasama pa niya sa munting negosyo ang former Mara Clara co-star na si Wowie De Guzman.
"So, from there, nag-start ulit ako na magtayo ng maliliit na kainan. I remember kami ni Wowie nag-gawa pa kami, e. So, ayun.
"Tapos nagkaroon na ng Stella, yung dito naming restaurant, pre-pandemic. Dito rin yun sa Sta. Lucia mall. Then, inabot ng pandemic, nag-stop.
"Ang nangyari, yung mga karne ko doon, kailangan kong ibenta. Doon nagawa yung ‘That’s Entertainmeat.’
"So, ginawa ko, yung mga karne namin prinoduksyon ko, minarinade ko. Tapos binenta namin online.
"So, umokey naman siya, gumanda."
Read: Judy Ann Santos amazed by Gladys Reyes's beauty secret: calamansi
CHRISTOPHER ROXAS ON THAT'S DINER, COMMISSARY BUSINESS
Pagkatapos ng pandemic ay binalik ni Christopher ang restaurant business.
"Till, nagbukas na tayo," tukoy niya sa That's Diner restaurant.
"Siyempre, hindi mo naman kayang tapatan yung mga high roller. E, ang trabaho naman talaga magbukas ng kainan, restaurant.
"Ang strength ko talaga sa pagluluto, hindi talaga Filipino kundi Mediterranean, Italian, European, Western. Kaya siguro, yung experience ko e, malaki-laki rin."

Kabisadung-kabisado ni Christopher ang pasikot-sikot sa loob ng kitchen.
“Ngayon po, tini-train ako, may commissary kami. Trini-train nila ako for management naman. Kasi, kusina, alam ko na yan.
"Last year, sumali kami sa Philippine Culinary Cup. Nag-bronze kami, yung team namin," pagmamalaki niya.
Bumuo si Christopher ng comissary na ang pangalan ay Grateful Gally.
Dito siya kumukuha ng stock para sa That's Diner pati na rin sa iba pang food business niya.
Paliwanag ni Christopher: "Yes, kumbaga, ginawa ko talaga ang commissary for That’s Diner.
"Pero may ibang kliyente rin po kami, may ibang restaurants kami na mina-manage.
"Tapos, may sinu-supplayan ako. So, under Grateful Galley meron akong mga units. Meron akong for events and catering. Meron kaming That’s Diner for franchising."

Malaki ang pasasalamat ni Christopher sa mga taong tumulong sa kanya na maitayo ang kanyang negosyo.
"Kaya ko naisip yung pangalang Grateful Galley, kasi, nung time na binuo ko siya may mga taong naniwala sa akin.
"Si Ryan Agoncillo, pinahiram ako ng pera niyan pangtayo ng restaurant.
"Kaya I will be always grateful sa kanya. So, yung may mga taong ganoon.”
Aminado si Christopher na hindi madali ang sumugal sa negosyo.
Nag-zero balance raw ang bank account niya dahil bumili siya ng lupa para sa commissary.
"E, biglang nangyari yung sa commissary, binaha. So, wala akong pera,” pag-amin ni Christopher.
"But yun, may mga tumulong sa akin. Kaya ayun, natayo ko yung company."
Read: Gladys Reyes on husband's retirement plan
CANTEEN AT BATASAN COMPLEX
Hanggang sa nakapagtayo rin daw si Christopher ng canteen sa Congress sa may Batasan Complex sa Quezon City.
"Yung catering namin, nagka-cater kami sa Congress. Regular po yun. May canteen po tayo doon. Ang pangalan Manay Nena.
"Meron na po ako’ng staff doon. Pero nagluluto rin po ako doon. Pumupunta kami roon. May mga kusinsero na rin kami doon."
Pero hindi raw madali ang magnegosyo.
Hirit niya, "Dati nung wala akong negosyo marami akong pera. Nung nagnegosyo ako, wala na akong pera. Hahaha! Joke!"
Ang misis ni Christopher na si Gladys Reyes ay board member at in charge sa marketing ng kumpanya nila.
Sa huli, natanong si Christopher kung nabayaran na niya si Ryan sa tulong pampinansiyal na binigay nito.
"Hindi pa. Ayaw niyang tanggapin, e," natatawang sabi ni Christopher.
"Si Ry, iba yun. Iba siya," pagtatapos ni Christopher
