PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilma Doesnt’s suka, the secret ingredient to her success

Dati hinihingi lang.
by Rommel Gonzales
Published Nov 3, 2024
Wilma Doesnt suka
Wilma Doesnt's vinegar business took off after she noticed that her restaurant customers began bringing their own bottles to take home her nanay's suka.
PHOTO/S: @wilmadassent on Instagram

Successful ang Chicks Ni Otit 5 Star Carinderia ni Wilma Doesnt, pero may isa pang venture ang model-actress na siyang nagpayaman sa kanyang kabuhayan: ang produkto niyang suka.

“Ang suka, yes!" bulalas ni Wilma nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Ang lakas nun hanggang ngayon.

“Nire-resell nila noon, oorder sila sa akin ng 100 bottles. Halimbawa, nag-order online, ‘Pa-order na rin po kami ng suka.’

"And then, pag natikman nila, ‘Puwede ba kaming magre-seller ito?’

"‘Ay sige, bababaan ko yung price for this particular number of order, para din naman pare-pareho tayong kumikita.'”

Pero hindi planado ang side venture na ito ni Wilma.

Sa simula kasi, kasama lang itong isini-serve sa kanyang karinderya.

“Yung suka na yun, suka ng nanay ko yun. So suka namin sa bahay, kasi suka person ako.

“Paombong. Basta sukang Paombong ang base niya, and then, kami yung nagtitimpla ng laman sa loob."

Ang tinutukoy niya ay ang pamosong nipa palm vinegar, na tinatawag ding sukang sasa or sukang nipa, sa Paombong, Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wilma Doesnt's 5-Star carinderia, thriving and winning

Sa pagpapatuloy ni Wilma, "So, at first hindi namin binibenta, pero marami raw humihingi, ‘Puwede bang mag-take out ng suka?’

“So ilalagay mo naman sa plastic ng yelo bilang hindi ka naman madamot, ‘Sige po.’"

Pero biglang may napansin siya sa ibang customers.

“Hanggang sa nakakahalata na ako, kasi may mga dumarating na meron ng dalang bottled water. Tipong alam mong kaya lang bumili noon, kasi ang purpose ay humingi ng suka.

“So hanggang sa ganun na, nagba-bottled water nang humingi. Sabi ko, ‘Ay hindi puwede ito, malulugi tayo, ibenta na natin!’"

Read: Wilma Doesnt shares negosyo tips you won't learn in school

THE DEMAND FOR WILMA DOESNT'S SUKA

Taong 2023 noong nagsimula ang kanyang suka business.

“Humanap ako ng magandang bote, tapos binenta namin. Sinubukan naming ibenta, e, nag-click. So, nakadagdag siya ng income.”

At that time, ang retail price niya ay PHP100, at PHP80 pesos for resellers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero during the interview, ani Wilma, “Ngayon, 180 na, Diyos ko, sa mahal naman ng… sa mahal ng sili, ng mga ingredients na nasa loob.”

Maganda at "may attitude" ang bote na lalagyan ng suka ni Wilma.

Kinarir daw niya ang paghahanap nito.

“Ah, but of course, kasing sexy ko yun.”

Wilma Doesnt suka
Wilma Doesnt's vinegar
Photo/s: Screenshot from Karen Davila's YouTube vlog
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malaki ang naging ambag ng suka ng nanay ni Wilma sa paglago ng kanyang food business.

Sa vlog ni Karen Davila, ang kuwento ni WIlma, "Ang laki ng kinita ko dun. Dun ako yumaman.

"Surprisingly dun nag-start ang savings."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wilma Doesnt's vinegar business took off after she noticed that her restaurant customers began bringing their own bottles to take home her nanay's suka.
PHOTO/S: @wilmadassent on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results