Si Sokusekisai Oyama, 65, ang kinikilalang “Japan’s Instant Noodle King.”
Sa loob ng 30 years, kumakain siya ng instant noodles—at least once a day.
Read: VIRAL: Son carries paralyzed mom on his back during their travels

Read: Miss Universe prexy, pageant expert predict Top 5; netizens react
Siya ay engineering graduate na naging comics illustrator.
Iniwan niya ang dating propesyon para ilaan ang kanyang oras at atensiyon sa isang bagay na pinakamamahal niya—ang pagkain ng noodles.
Dahil dito, naging professional cup noodle critic si Sokusekisai.
Read: World’s smallest inhabited island features cottage and lone tree
SOKUSEKISAI OYAMA's fascination for INSTANT NOODLES
Ibinahagi ni Sokusekisai na sa loob ng 30 years ay nakakain na siya ng mahigit 10,000 cups ng instant noodles.
Nagsimula ang kanyang fascination habang nag-aaral ng engineering sa Gunma University sa Tokyo.
Mabilis kasing ihanda ito lalo na kapag nagmamadali siya.
Sa panahong iyon, nagsimula rin siyang mangolekta ng instant-noodle packaging.
Sa kasalukuyan, may koleksyon siya ng mahigit 6,000 na iba’t ibang cups and wrappers.
Read: Wife dumped by husband after taking care of him for 6 years

Read: Son buys back dad’s car sold in 1983 for “diaper money”
Nagkaroon naman siya ng big break as instant noodle expert noong 1995 nang manalo siya sa Instant Noodle Championship ng TV Tokyo.
Ang naturang show ay contest na sumusubok sa kaalaman ng mga kalahok tungkol sa instant noodles.
Dahil sa kanyang panalo, nagkaroon si Sokusekisai ng celebrity status.
Simula noon, madalas na siyang maimbitahan sa iba’t ibang TV shows at events.
Read: Job applicant gets rejected for being overqualified
SOKUSEKISAI OYAMA As “TV CHAMPION GOKU KIWAMI CUP RAMEN ARRANGEMENT KING”
Noong 2018, si Sokusekisai ang hinirang bilang TV champion sa show na Goku Kiwami Cup Ramen Arrangement King.
Pipili ang participants ng paborito nilang instant noodles brand at sila ang bahalang magdagdag ng ingredients para mas lalo itong sumarap.
Ang nagsilbing judges sa show ay ramen-shop owners.
Sila ang nag-rate sa resulta sa pamamagitan ng pagtikim sa tinimplahang noodles, at sila rin ang nagsabing ang recipe ni Sokusekisai ang pinakamasarap.
Read: Museum worker throws away artwork mistaken for empty beer cans
SOKUSEKISAI OYAMA KUMIKITA RIN SA SOCIAL MEDIA
Daan-daang instant noodles ang inilulunsad sa Japan taun-taon.
Dahil dito, hindi nawawalan ng trabaho si Sokusekisai bilang professional critic ng cup noodles.
Read: Burglar breaks into home, hangs laundry, cleans, cooks for owner

Read: How housemates with 51-year age gap get along: “We never argue.”
Bukod sa kanyang regular appearances sa iba’t ibang TV shows, active din siya sa social media.
Sa kanyang YouTube channel ay sinasagot niya ang noodle-related questions ng netizens.
Nagpo-post din siya ng reviews at ranking ng mga instant-noodle brands.
Read: Family finds 84-year-old biscuit in grandmother’s freezer
PAALALA SA PAGKAIN NG INSTANT NOODLE
Ang instant noodles, mas kilala bilang cup noodles sa Japan, ay sikat na sikat na instant meal.
Napakarami nito sa kanilang merkado—mula sa pinakamurang variants na makikita sa local grocery store hanggang sa gourmet versions na may actual toppings tulad ng dehydrated meat and vegetables.
Gayunpaman, hindi ito rekomendado bilang daily meal.
Kulang ito sa nutrients, antioxidants, at phytochemicals—na malaki ang naitutulong sa kalusugan.
At ang mga seasoning sachets ay may mataas na content ng asin at MSG (Monosodium Glutamate).
Hindi nagbibigay si Sokusekisai ng anumang update tungkol sa pansariling kalusugan lalo pa at ilang dekada na siyang kumakain ng instant noodles nang walang palya.
Pero mukha namang malusog at maliksi siya para sa kanyang edad.
Read: Boy complains of bad smell for 2 years; had screw stuck in nose
Dahil ba sa heathier ang Japanese instant noodles kumpara sa maalat at powder-flavored options na matatagpuan sa U.S. at sa ibang bansa?
Ipinapayo naman ng mga health websites na hindi dapat lumampas sa twice a week ang pagkain ng instant noodles.
