Nakakatawag-atensiyon ngayon ang bagong chicken sandwich sa New York City—ang "Claude the Claw fried chicken sandwich.”
Unique ito dahil ang paa ng manok na ginagamit dito ay buo pa at hindi tinanggalan ng claw.
Read: Boost Noodle, instant ramen with caffeine made for gamers

Read: Kinmemai Premium, world’s most expensive rice at PHP6,000 a kilo
Ang Claude the Claw fried-chicken sandwich ay inio-offer ng Birdbox, na nag-open last July 2024 sa Times Square.
Produkto ito ng chef na si Chris Bleidorn at ng kanyang partner na si Aarti Shetty.
Ang dalawa ang nasa likod ng Michelin-rated San Francisco restaurant na Birdsong.
Tampok sa Claude the Claw fried-chicken sandwich ang thigh-and-drum cutlet.
Ang tinapay na ginamit ay potato bun.
Nilagyan din ang sandwich ng pickles, coleslaw, at malinamnam na mayo sauce.
Ang presyo ng kakaibang sandwich ay US$19 o PHP1,067.51.
Read: Chickens in Japan lay white-yolk eggs
FOOD INFLUENCERS And VLOGGERS have mixed reactions
Matapos magbukas ang Birdbox at masubukan ng mga social-media influencers ang Claude the Claw fried-chicken sandwich, agad itong nag-viral sa social media.
Mahaba ang naging pila ng mga customers sa puwesto.
Kabilang sa mga curious na matikman ang kakaibang sandwich sina Omar Rahidi at Ibby Farooq.
Ang dalawa ay nagte-taste test ng chicken sandwiches, partikular ang mga nagiging viral sa social media.
Para kay Ibby, nasarapan siya sa offering ng Birdbox.
Lasap na lasap aniya ang marinade, perfect ang pagkakaluto, at balanse ang mga sangkap.
Hindi naman komportable si Omar sa claw.
Aniya, hindi para sa kanya ang Claude the Claw fried-chicken sandwich.
Hindi na umano niya inubos ang sandwich, at ni hindi niya tinikman ang claw.
Para naman sa food influencer na si Sam Goldberg na may online series na Respect the Chain, isang "delicious novelty" ang sandwich, pero alanganin siyang kainin ang buong paa ng manok.
Obserbasyon ni Sam, kailangan munang masanay ang isang customer sa appearance ng Claude the Claw fried-chicken sandwich bago ito ma-appreciate.
Gayunpaman, araw-araw ay mahaba ang pila ng customers sa Birdbox.
Read: Student fails exam after meatball lands on laptop, logs her out
MAHABANG PREPARASYON PARA SA FRIED CHICKEN SANDWICH
Sa website ng Birdbox, nakasaad na ang kakaibang presentasyon ng chicken sandwich ay para bigyang-diin ang paggamit ng de-kalidad at free-range birds.
Binibili raw ng kumpanya sa chicken producers ang mga manok na buo pa ang ulo at paa.
Read: Customer in restaurant finds rare pearl while eating mussels

Read: Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland
Hindi umano ito isang gimmick lang kundi sign ng pagiging authentic at pagpapakita sa commitment ng kumpanya na gumamit ng high-quality chicken.
Pitong araw ang pinagdaraanang proseso ng bawat chicken quarter—mapa-thigh man drumstick—bago ito iluto at gawing sandwich.
Hinuhugasan ito ng tubig na may tinunaw na malaking amount ng asin at pagkatapos ay ima-marinate sa buttermilk curry sa loob ng limang araw.
Dalawang beses itong ipiprito at pagkatapos ay ilulubog sa spiced duck fat.
Bago i-serve sa customer, nilalagyan din ang Claude the Claw fried-chicken sandwich ng dalawang klase ng homemade mayonnaise.
