Ang Kinmemai Premium rice ay itinuturing na pinakamasarap na bigas sa buong mundo.
Kinilala rin ito ng Guinness World Record bilang “world’s most expensive rice.”
Ang presyo nito ay US$109 o PHP 6,103.56 ang isang kilo.
Produced ito ng Toyo Rice Corporation ng Japan.
Read: YouTuber launches fake restaurant to prank influencers

Read: Fil-Am White House executive chef retires after 29 years
Na-develop ang Kinmemai Premium rice sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng limang variety mula sa award-winning rice varieties ng Japan.
Isinailalim ang limang piling bigas sa anim na buwan na proseso gamit ang proprietary rice-buffing technology ng Toyo Rice Corporation.
Ang rice-buffing technology ng kumpanya ay na-develop 17 years ago.
Read: Chickens in Japan lay white-yolk eggs
KINMEMAI PREMIUM RICE, MAS MASARAP AT MASUSTANSiYA
Ang Kinmemai Premium rice ay napatunayang may superior nutritional values kumpara sa mga karaniwang bigas sa merkado.
Ang taglay nitong LipoPolySaccharides (LPS) ay mataas ng anim na beses kumpara sa conventional white rice.
Ang LPS ay natural immune system booster na nakatutulong sa tao para mapanatili ang magandang kalusugan at huwag dapuan ng mga sakit.
Bukod dito, ang Kinmemai Premium rice ay 1.8 times na mas maraming taglay na fiber, at seven times na mas maraming Vitamin B1.
Read: Egg-and-toothpaste experiment produces “jelly egg”

Read: Couple uses dead fly to avoid paying bills in restaurants
Ang mga butil nito ay tila maliliit na diyamante na resulta ng patented polishing process na ginagamit ng Toyo Rice Corporation.
Sa prosesong ito, tanging ang inedible wax layer ng bigas ang natatanggal.
Hindi na rin kailangang hugasan ang Kinmemai Premium rice.
Pagkalagay sa rice cooker ay lalagyan na lang ng tubig.
Pag luto na, ang kanin ay may taglay na unique aroma, manamis-namis at may delicious nutty flavor.
Read: Student fails exam after meatball lands on laptop, logs her out
BAKIT SOBRANG MAHAL NG KINMEMAI PREMIUM RICE?
Maselan ang proseso sa pagtatanim at pag-aani ng Kinmemai Premium rice.
Ang mga butil nito ay manu-manong pinipili ng mga espesyalista ng Toyo Rice Corporation.
Mahal din ang bayad sa mga magsasakang nagtatanim nito.
Binibili ang kada kilo ng palay ng walong beses na mas mataas kumpara sa regular rice, at saka pa iyon isasailalim sa rice-buffing technology.
Ang mga prosesong ito ay bahagi ng dahilan kung bakit sobrang mahal ng Kinmemai Premium rice.
Noong 2016 ay exclusive lang ito sa Japan, pero ibinibenta na rin ngayon sa Singapore.

Sa kabila naman ng sarap at nutritional value ng Kinmemai Premium rice, hindi ito puwedeng gamitin sa paggawa ng sushi.
Dahil kasi sa mga pinagdaanan nitong proseso, kulang na ito sa starch kaya hindi nagdidikit-dikit.
Namnam naman ang manamis-namis at nutty flavor sa mga popular Japanese dishes gaya ng ochazuke, rice toppings na sinabawan ng hot green tea, at Tamago kake gohan, rice na hinaluan ng hilaw na itlog at soy sauce.
Read: Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland
Worth it ba ang presyo ng Kinmemai Premium rice?
Ang Reddit user na si @HumanNutrStudent ay nanghingi ng opinyon sa netizens kung worth it bang bumili ng naturang bigas.
Aniya sa kanyang Reddit post last March 28, 2024: “In the past I used to never really pay attention to my rice.
“But recently I have started getting into Asian cuisines and I'm now a lot more conscious of which rice I use.
“I recently came across Kinmemai Premium rice, a rice made in Japan that holds the world record for the most expensive rice, at USD$155 for a box of six 140g packets.
“I was wondering if it's really worth the (p)rice?”
Read: Teen goes on hunger strike to force mom into buying him an iPhone
Marami sa mga nag-reply kay @HumanNutrStudent ay nagsabing hindi sila bibili nito.
Pare-pareho lang naman umano ang lasa ng bigas.
Ayon naman sa Redditor na si @UniqueVast592, “I was gifted some after a friend returned from Japan.
“It's way out of range for me to purchase, but it's delicious.”
