PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

YouTuber launches fake restaurant to prank influencers

Instant ramen lang ang inihain.
by KC Cordero
Published Aug 6, 2024
Stanley Chen showing a cup of noodles
May puwesto, staff, at website ang pekeng restaurant ng YouTuber na si Stanley Chen kaya napapaniwala niya ang mga social-media influencers at followers ng mga ito. Instant noodles din lang ang inihain, pero sarap na sarap sila. (Photo courtesy of @StanYM on YouTube)

Sinubukan ng YouTuber na si Stanley Chen na i-prank ang ibang social-media influencers.

Residente si Stanley ng Sydney, Australia.

Pinalabas niyang kunwari ay nagbukas siya ng ramen restaurant na nag-o-offer ng fine-dining experience.

Tinawag niya ang restaurant na Nise Jangara Ramen.

Stanley Chen wearing chef uniform
Ang larawan ng YouTuber na si Stanley Chen. Photo: Screenshot @StanYM on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang salitang “nise” sa Japanese language ay nangangahulugang “fake.”

Para mas maging kapani-paniwala ang kanyang restaurant, gumawa siya ng isang professional-looking website para rito.

Ang description sa website (published as is):

“An Experimental Omakase Ramen Experience Available only for 2 Nights Every year.

“Nise Jangaru Ramen has been travelling around the world offering pop-up ramen since 1953 and has so far hosted events in Japan, Belgium, America and 50 more—now in Australia.

“We liken our work to that of art in a museum. Subsequently, just like many museums our services are complimentary. We are walk in only.”

Nag-upload din siya sa website ng magagandang photos ng mga pagkain.

May mga TikTok videos din kung paano ang ginagawang preparations para sa masarap na ramen.

Read: Rihanna grants a boy's request: take his photo with football star

YOUTUBER's restaurant serves INSTANT RAMEN

Pinadalhan ni Stanley ng email ang mga social-media influencers, at nag-offer siya sa mga ito ng free dining kung ipo-promote nila ang ramen restaurant sa kanilang followers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang iba ay personal pa niyang tinawagan para i-confirm ang attendance.

Marami ang pumayag sa kanyang deal.

Nang sumapit ang araw ng kanyang imbitasyon, matiyagang naghintay ang mga dumating na social-media influencers at ang kani-kanilang mga supporters para lang matikman ang ipinagmamalaking ramen ni Stanley.

Customers inside the restaurant
Napuno ang pekeng restaurant ni Stanley Chen nang araw na imbitahan niya ang mga social-media influencers at kanilang followers. Photo: Screenshot @StanYM on YouTube
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nang hainan na ang mga ito, wala silang kaalam-alam na ang ramen na nasa kanilang harapan ay instant noodles lang na inilagay sa magandang lalagyan para magmukhang niluto talaga sa kusina.

Instant noodles in bowls
Ang instant noodles na inilipat sa magandang bowl. Photo: Screenshot @StanYM on YouTube

Kumusta ang lasa?

Marami ang nasarapan at nagsabing parang lutong bahay ang pagkakatimpla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napakalinamnam din umano ng sabaw.

Read: Meet the sleepless seamstress who has not slept in three decades

NO MENU, RAMEN TO BE SERVED IS BASED ON “AURA”

Ini-upload ni Stanley sa kanyang official YouTube account ang video ng kanyang prank noong August 1, 2024.

Ipinakita niya ang loob ng restaurant, at ang mga ginawang paghahanda para sa pagsapit ng big event.

May mga gumanap din bilang chef at food servers.

Nang papasukin na sa loob ang mga social-media influencers at iba pang pumila para kumain, sinabi ni Stanley sa mga ito na ang may-ari ng restaurant ay ang kanyang lolo.

At para hindi makapili ang mga ito kung ano ang kakainin, sinabi niyang ibabase ang menu sa aura ng mga ito.

Pero ang totoo, isa lang na klase ng instant ramen ang ise-serve sa mga customers--at instant pa.

Photo of Stanley Chen holding a cup of instant noodles
Walang nakahalata sa mga kumain na instant noodles lang ang inihain sa kanila ni Stanley Chen. Photo: Screenshot @StanYM on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang uwian na, tinanong pa ni Stanley kung babalik ang mga ito sa kanyang restaurant para kumain muli.

Sagot ng mga ito, “Absolutely.”

Nagustuhan umano ng mga ito ang ramen, at “worth it” ang ginawa nilang promotion sa restaurant.

In fact, isa pala sa kumain ay nag-celebrate sa rtaurant ng kanyang birthday.

Tinanong din ni Stanley ang mga ito kung sa palagay nila ay magkano dapat ang presyo ng bowl ng ramen na kanilang kinain.

Karamihan sa mga ito ay nagsabing nasa 45 hanggang 70 Australian dollars dapat ang presyo, o PHP1,681.33 hanggang PHP2,989.03.

Read: Fil-Am White House executive chef retires after 29 years

THE POWER OF HYPE AND MARKETING

Nang makaalis na ang mga kumain, makikita si Stanley sa video na masaya pero naguguluhan.

Bulalas niya, “Oh, my God... what have I started?”

Hindi raw siya napigilan sa pagsisinungaling.

Lumabas din siya ng restaurant at nag-sorry sa iba pang pumila, pero hindi na nakapasok dahil 70 bowls lang ramen ang allotted para sa gabing iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos niyang i-upload ang video, nakakuha agad iyon ng 54K views.

May pumuri sa pagiging creative ni Stanley, pero may mga nagsabi rin na masyadong masakit ang ginawa niyang prank.

Read: Couple in open relationship welcomes wife's BF into their home

Komento ng isa, gusto niya ang video dahil nakatatawa na mismong ang mga social-media influencers ay nagoyo ng social media.

May bumilib din sa production value dahil hindi tinipid ang props.

May nagsabi naman na kung hindi ginawang prank ni Stanley ang video, sana ay successful ang launch ng kanyang restaurant.

Sambit ng isa pa, “The power of marketing and FOMO [fear of missing out].”

Paalala naman ng isa, dahil sa ginawa ni Stanley ay hindi talaga dapat agad na marahuyo ang mga tao sa sinasabi ng mga social-media influencers.

Paliwanag nito, “Those people are so out of touch.

“The willingness to pay 45 dollars for a bowl of ramen is freaking unhinged. It tells us all we need to know.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May puwesto, staff, at website ang pekeng restaurant ng YouTuber na si Stanley Chen kaya napapaniwala niya ang mga social-media influencers at followers ng mga ito. Instant noodles din lang ang inihain, pero sarap na sarap sila. (Photo courtesy of @StanYM on YouTube)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results