Isa ang fruitcake sa paboritong iregalo kapag panahon ng Kapaskuhan.
Bilang pagkain, may reputasyon ito na matagal masira.
Ang ancient Romans ang nagpasimula ng paggawa ng fruitcake. Ang unang version nito ay parang energy bar na ginagawang baon ng mga sundalong Romano na sumasabak sa giyera.
Ang mga sangkap noon ng original fruitcakes ay mga buto ng pomegranate, pasas, pulot o honey, at alak.
Ito rin ay mabigat, siksik, at hindi fluffy gaya ng karaniwang cakes.
Read: Empleyada nakatanggap ng baked potato as Christmas bonus; kinaltasan pa ng tax

Ayon sa U.S. Department of Agriculture, ang fruitcake ay maaaring tumagal nang hanggang anim na buwan kahit natatakpan nasa ibabaw lang ng mesa ito.
Aabot naman ito ng isang taon kung ilalagay sa refrigerator.
Bagaman at ito ang tipikal na haba ng panahon na puwedeng itagal ng fruitcake, maaari pa itong kainin kahit lampas na sa isang taon.
Sa katunayan, noong 2017 ay natagpuan ang isang 106-year-old fruitcake na naiwan ng mga miyembro ng 1911 Antarctic expedition.
Hindi pa panis ito dahil na rin sa malamig na lokasyon.
At ang pinakadahilan kung bakit nagtatagal ang fruitcake ay ang mga sangkap nito, at ang proseso kung paano pinagsama-sama ang mga iyon.
Read: Need to reheat food anytime, anywhere? Presenting first-ever microwave bag

Ayon kay Bryan Quoc Le, isang food scientist ng Scientific American, kapag binababad sa fruitcakes sa rum, brandy, whiskey o kaya ay bourbon, tiyak na magtatagal ito.
Pagdating naman sa mga sangkap na prutas, instead of fresh, mas ideal gamitin ang dried fruits.
Sa ganitong paraan, mababawasan ang pagpapawis o moisture ng fruitcake.
Ayon kay Le, ang mga pagkaing kokonti ang moisture ay resistant sa microorganisms.
Kung kokonti ang moisture, hindi mabubuhay sa pagkain ang mga microorganisms na nagiging sanhi ng pagkasira o pagkapanis.
"If you can get rid of the moisture, you have something that’s nearly indestructible," dagdag pa ni Le.
Read: Lola nabubuhay sa tubig at soft drinks matapos tamaan ng kidlat noong 1963

Dahil sa mga katangiang ito, nananatili ang fruitcake na sariwa sa loob ng mas mahabang panahon.
Ipinaliwanag naman ng Scientific American, isang popular science magazine, na bagaman at ang kakain ng fruitcake na inabot na ng isang taon ay hindi magkakaroon ng sakit sa tiyan o food poisoning, posibleng hindi na rin ito ganoon kasarap.
Pinaka-ideal na kainin ito bago pa abutin ng tatlong buwan.
Read: VIRAL: Estatwa ng Virgin Mary, lumuluha; peke o himala?
