Nabuo ang business ni Wendell Ramos na frozen meat products noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Sa simula, ang nasa isip niya ay magkaroon ng back-up plan sakaling mawalan ng projects sa showbiz.
Pero naging daan niya ito para makatulong sa mga kakilala niyang may problema sa pera.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkuwento ang aktor tungkol sa kanyang business:
"Actually, it's a small vision. Nag-start lang ito dahil maraming lumapit sa akin nung pandemic.
"Mabigat sa puso natin na kahit may tabi ka, di mo lahat napagbigyan. Hindi naman biro ang mga lumapit sa iyo na alam mong dating mayroon.
"Then fast forward, sabi ko, 'Paano kaya ako makakagawa ng isang bagay na, you know, you can help them?'
"Saka tayo rin, di rin natin alam kung hanggang kailan tayo," lahad ni Wendell.
Ang misis ni Wendell na si Kukai Gueverra ang nagbigay ng ideya sa kanya para maitatag ang WenDeli Meathouse.
"Yung wife ko, nagkaroon siya ng frozen product. Pagbalik niya after one hour, nagpaalam lang siya.
"She has this PHP2,000. Biruin mo tinalo pa ako. Lockdown ito, ha?"
"Sabi ko, 'Sandali, anong mayroon?' From our common friend, nagkaroon ng drop-off, drop-off nung frozen products, dun ako nagkaroon ng idea."
Naisip ni Wendell ang kaibigan niyang si Krizzia Loyang na may-ari ng isang franchising consulting company, ang iFranchise.
Kuwento pa ni Wendell: "'Tapos, alam kong mayroon siyang commissary kitchen. I asked for assistance na sana makapagpagawa ng product nila. Dun na nag-start lahat, miniting na nila ako.
"At first, inisip ko nga magre-rent lang ako ng commissary. Di ko in-expect na God is good...
"Then, yung vision pala nila is pangmalakihan. Sabi nga nila, 'Wendell, ikaw na yan, at least, partnership na.'"
Maaaring maging reseller ng frozen meat products ni Wendell, kaya raw puwede itong pagkakitaan ng ibang gustong magnegosyo.
"Di na rin na pang-online selling yung sa akin 'coz I really want to sell my product.
"May mga frozen product ako na tocino, tapa, puwede niyong kainin, pamilya, takal-takal.
"Pero puwede ring gawin ng pamilya mo, ng mga anak mo para malibang lang at pagkakitaan na rin for a breakfast online selling.
"Something like that, ganun lang kaliit ang aim ko, para lang mawala yung mga humihingi na may anxiety na wala silang makain. Sa ganung part lang ako."
READ: Wendell Ramos, ayaw na raw makatrabaho ni Direk Erik Matti; Kapuso actor, nagpaliwanag
AVAILABLE FOR RESELLING ABROAD
Hindi raw akalain ni Wendell na ang kanyang business idea ay puwedeng i-market kahit sa ibang bansa sa tulong ng kanyang business partners.
"But iFranchise itself, wow ang laki pala nila! They can cater not from Manila lang or di lang pang social media, but also pang-buong Pilipinas.
"Ngayon, God is good, tinawagan na kami, ina-acknowledge kami ng OFW, global na.
"Di namin ito hinanap, we just saw from the social media.
"Hopefully, ma-spread pa lalo yung news. We also have in Canada, New Zealand."
Nakapanayam ng PEP.ph si Wendell sa launch ng kanyang negosyo, na ginanap sa City of Dreams noong February 18, 2023.
Masaya si Wendell sa initiative ng kanyang partners na magsagawa ng media-covered event para sa kanyang produkto.
"Actually, I really have no idea kung bakit kami nagkaroon ng ganito because my focus is to launch na muna sa Dubai, sa Japan. Dun lang ako sa marketing side.
"I'm not expecting this launching pa. But God is good, I've been surrounded with good people.
"People who believe in me, people who have this vision also to give this opportunity for my WenDeli product."
Umaasa si Wendell na magbigay-daan ang kanyang negosyo para makatulong din sa OFWs na gustong maging reseller sa Dubai, Japan, at Canada.
Paliwanag ni Wendell: "It's all about the OFWs, it's all about sa mga Filipinos na gustong magkaroon ng opportunity sa trabaho.
"Because WenDeli's is not only for them to sell the product and then kikita na kami. Wala namang masama dun.
"But we're offering also yung opportunity na puwedeng maging reseller yung mga kapwa Filipino natin..."
ON HAVING BUSINESS PARTNERS
Bahagi si Wendell ng ongoing Kapuso Afternoon Prime series na AraBella, pero kinakarir ng aktor ang pagtitinda ng WenDeli products.
"Actually, after ng taping, after work, wala na... literal na tindero lang ako because I am helping also our brokers from our franchise.
"I am helping also the company who help me, who believe in me. Kung ako lang talaga magtatayo ng WenDeli, it's very hard to promote it.
"Kahit sabihin mong mayroon pang ibang bansa, from Dubai, 'Wendell, we want to get the products. We want WenDeli in our country, paano?'
"I don't have that big money to promote it, saka di ganun kadali. Pero sa tulong ng iFranchise, everything became possible."
MORE HOT STORIES ON PEP.PH:
