PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Giant squid, tampok sa Tamisan Festival sa Donsol, Sorsogon

Bukod sa butanding, may isang barangay sa Donsol na giant squid ang hinuhuli.
by Bernie V. Franco
Published Mar 2, 2023
giant pusit
Ang mga giant pusit sa Bgy. Santa Cruz sa Donsol, Sorsogon ay tumitimbang ng sampung o higit pa at may isang metro ang haba.
PHOTO/S: Arlene Adorsa

Kilala ang Donsol, Sorsogon bilang pasyalan para sa mga turistang hangad na makakita at makasama ang mga butanding sa dagat.

Sa katunayan, ipinagdiriwang sa Donsol ang Butanding Festival taun-taon.

Pero simula ngayong taon ay may idadagdag na festival ang isang barangay.

Bukod kasi sa mga butanding, kilala rin dito ang isa pang uri ng yamang dagat: ang giant squids.

Ang higanteng pusit, o tamisan kung tawagin sa Donsol, ay kilalang produkto ng Brgy. Santa Cruz, Donsol.

Ito ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente rito.

Read also:

At unti-unti na ring dumarami ang mga turista na dumarayo sa Brgy. Santa Cruz para makakita ng mga higanteng pusit.

Karaniwang tumitimbang ng sampung kilo o higit pa ang mga tamisan, at isang metro ang haba.

giant pusit

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

giant pusit

“Yung giant squid po, iyan po talagang pinagmamalaki po namin, produkto ng barangay,” sabi ni Kapitan Arlon Pendor ng Sta. Cruz, ulat ng Bicol.PH.

“’Yung mga fisherfolks natin na involved diyan, iyan po talaga ang pinagkakakitaan every day.

“Saka marami pong dumadayo sa amin para pagkakitaan din.”

Si Hernando Razo ay mangingisda sa barangay na sampung taon nang nanghuhuli ng tamisan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman parehas [ang huli], may mga araw na wala. Kung minsan meron.

“Kapag sinusuwerte nakakalimang libo, minsan apat na libo,” aniya sa Bicol.PH ukol sa kita.

Sabi naman ni Arlene Adorsa, buyer ng giant squid, hindi rin pare-pareho ang dami ng nabibili nilang pusit sa barangay.

Pero bawi niya, “Pag season talaga, nakaka-600 kilos kami.”

giant pusit

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hinuhuli ang tamisan gamit ang burong isda na isinasakbit sa isang pain na itsurang payong.

Sinasabitan din ito ng pailaw o blinker para makaakit ng tamisan.

Nahuhuli ang mga tamisan sa malalalim na bahagi ng dagat, na tinatayang 200 metro ang lalim.

bingwit

Sabi naman ng local government officials, ipino-promote na rin nila ang giant squid bilang panghatak ng mga bisita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilulunsad ang kauna-unahang Tamisan Festival sa Brgy. Santa Cruz mula Mayo 1 hanggang 7, 2023.

giant squid donsol sorsogon

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang mga giant pusit sa Bgy. Santa Cruz sa Donsol, Sorsogon ay tumitimbang ng sampung o higit pa at may isang metro ang haba.
PHOTO/S: Arlene Adorsa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results