PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katakam-takam na litson, bida sa Zamboanga Hermosa Festival 2022

Libre tikim, libre pabalot.
by KC Cordero
Published Oct 12, 2022
Photo of lechon
Bahagi ng Zamboanga Hermosa Festival 2022 ang Asao Lechon Festival para i-promote ang local hog industry ng lungsod. Libre tikim at libre pabalot ng litson nang matapos ang okasyon. (Photos courtesy of RON'Snap & 89.9 Brigada Zamboanga)

Nagdaos ang Office of the City Veterinarian (OCVet) ng Zamboanga City ng “Asao Lechon Festival” noong October 10, 2022, para sa promotion ng industriya ng pagbababuyan sa lungsod.

Pagpapakita rin ito sa publiko na ligtas ang mga alagang baboy dito sa kabila ng paglaganap African swine fever (ASF).

Banner for Asao Lechon Festival

Ang festival na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Lechoneros de Zamboanga ay bahagi ng Zamboanga Hermosa Festival 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Dr. Mario Arriola, city veterinarian, “This is to prove that our hogs are safe for consumption.”

Photo of lechon

Matatandaang isinailalim ng Department of Agriculture ang Zamboanga City sa red zone dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng ASF sa lungsod.

Batay sa datos ng OCVet, umabot na sa 4,146 na baboy sa lungsod ang namatay dahil sa ASF simula noong May 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa 1,013 hog raisers naman ang apektado ang negosyo.

May kabuuang 34 barangays sa lungsod ang tinamaan ng ASF.

Photo of lechon

Nagkaroon naman ng pakontes sa Asao Lechon Festival para sa pinakamasarap na litson, pinakamalutong, best float, at people’s choice roasted pig.

Photo of lechon

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang nagwagi sa bawat kategorya ay tumanggap ng PHP10,000 premyo.

Ang mga kalahok na hindi nagwagi ay pinagkalooban ng consolation prize na PHP5,000.

Matapos ang pamamahagi ng award, libreng ipinatikim at ipinauwi sa mga manonood ang mga litson.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bahagi ng Zamboanga Hermosa Festival 2022 ang Asao Lechon Festival para i-promote ang local hog industry ng lungsod. Libre tikim at libre pabalot ng litson nang matapos ang okasyon. (Photos courtesy of RON'Snap & 89.9 Brigada Zamboanga)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results