Pinatunayan ng Lumpiang Shanghai ang pagiging Pinoy “fried,” este, pride nito nang pumangalawa sa Best 50 Street Foods list ng TasteAtlas September 2022 edition.
Kadalasan, ang lumpia or crispy fried spring rolls, ay may stuffing ng karne, carrots, at green onions.
Naungusan nito ang Karaage ng Japan, Shawarma ng Lebanon, Gringas Tacos ng Mexico, at Piadina Romagnoia ng Italy.
Ang Lumpiang Shanghai, na tinatawag ding Shanghai, ay nakakakuha ng 4.9/5.0 audience ratings mula sa kilalang international food database online.
Kapantay ito ng ibinigay sa nangunguna sa listahang Roti Canai, ang classic pan-fried flatbread ng Malaysia.
Ang Karaage (#3) at Gringas Tacos (#6) ay parehong nakakuha ng 4.8 ratings, ang Italian flatbread na Piadina Romagnoia (#11) ay nakakuha lamang ng 4.7.
Ang kilalang Shawarma (#20) naman ay nakakuha ng 4.6

Tinalo ng Lumpiang Shanghai ang Shawarma na nasa 20th place lamang.
Bilang Top 2, pinatunayan ng Lumpiang Shanghai na malakas ang dating nito sa international food audience.
Ilan pa sa mga sikat na street-food dishes na pinataob ng pambato ng Pilipinas ang Samosa ng India na nasa ika-25 pwesto, at ang sikat sa mga K-drama fans na Tteokbokki ng South Korea na nasa panghuling pwesto, #50.
Handaan at fiesta favorite na Shanghai
Ayon sa TasteAtlas, ang Lumpiang Shanghai ang pinaka-popular at paboritong klase ng lumpia sa Pilipinas.
Ito ay inspired ng spring rolls ng China at kadalasang isine-serve kasama ng sweet-and-sour dipping sauce.
Hindi mawawala ang Shanghai sa mga handaan at fiesta.
Madalas ding mabibili ang Shanghai sa mga street-food stalls at vendors sa buong Pilipinas, at maging sa mga sikat na restaurants tulad ng The Aristocrat, na may iba’t ibang branches sa kalakhang Maynila, at Good Taste na isang sikat na kainan sa Baguio City.

Tinalo rin ng Lumpiang Shanghai ang Japanese dish na Karaage na nasa ikatlong puwesto.
Karaniwang stuffing na ginagamit sa Shanghai ang pork ngunit may ilan din namang gumagamit ng beef, chicken, shrimps, at maging isda.
Maari itong isabay sa pancit o kaya naman ay ulamin sa Filipino food staple na white rice para sa isang maganang pananghalian o hapunan.
Suki ng TasteAtlas
Kung pagbabasehan ang mga listahan ng "best foods" ng Taste Atlas, hindi maikakailang isa sa mga paborito ng maraming tao sa buong mundo ang Filipino cuisine.
At hindi ito magpapahuli maging sa mga global favorites na Japanese, Mexican, Italian, at iba pa.
Nito lamang March ay nagnakakuha ang Lumpiang Shanghai ng 4.8 ratings kasama ng Tortang Talong bilang Best South East Asia Foods.
Samantala, limang Pinoy pancit dishes naman ang napabilang sa Top 50 Noodle Dishes mula sa September 2022 list. Ito ay ang Pancit (#24), Pancit Canton (#31), Pancit Bihon (#33), Pancit Palabok (#34), at Pancit Lomi (#48).
Read: 5 Pinoy pancit pasok sa Top 50 Best Noodle Dishes in the world
Habang ang classic Adobo naman ay nakakuha ng pang-19 na puwesto sa September edition ng 50 Best Stews.
Read: Adobo at sinigang, hindi natutunan ng mga sinaunang Pinoy sa Kastila
Ilan pa sa Pinoy specialties na internationally recognized ay ang Sinigang, Kare-Kare, Bibingka, Lugaw, at Lechon.