Isinusuot mo ba agad ang bagong biling damit o nilalabhan muna?
Kailangan bang labhan pa ito bago gamitin?
Iba-iba ang reaksiyon ng mga netizens kung dapat bang nilalabhan muna ang brand-new clothes bago isuot.
Pinagtalunan nila ito sa isang Reddit post na in-upload three years ago.
Read: Baby in Charlie Bit My Finger video is now 18, taking up law
NETIZENS' REACTIONS
Ilan sa netizens ay umaming sinusuot agad nila ang brand-new clothes.
May isang nagsabi na hindi niya alam na dapat nilalabhan muna ang brand-new clothes. Guilty raw siya na isinusuot agad ang bagong-biling damit.
Katwiran naman ng isa: “But… it never looks as nice once you wash it.”

Pagsang-ayon ng isang netizen: “Since I don’t iron, they always look their best before the first wash but deep down inside I know I should [wash it first].”

Sabi naman ng ilan, dahil nagkaroon ng skin allergic reactions noon sa pagsusuot agad-agad ng brand-new clothes, natuto silang labhan muna ang mga ito.
Pagsang-ayon ng isang showbiz fan: “Either they’re sitting in a factory somewhere with chemicals, dirt, and rodents or tons of people have touched, tried on, sneezed on, etc.”

Ang isa naman, depende raw sa item na binili.
Paliwanag niya: “I wash underwear, towels, and sheets first. Not socks, blouses, dresses, slacks.”
Dati-rati, hindi raw siya naglalaba ng brand-new jeans, pero nang dumikit ang kulay o dye sa kanyang mga hita, nalaman niyang dapat munang labhan ang mga bagong pantalon.

Read: Helpful tips and trivia to fight dengue at home
WHAT DO EXPERTS SAY?
Ano naman ang masasabi ng mga fabric experts sa isyung ito?
Dapat labhan muna ang brand-new clothes bago suotin, lalo na at ang mga ito ay dumidikit sa balat.
Paraan daw ito upang matanggal ang mga chemicals at dye na dumidikit sa damit during the manufacturing process.
“I usually wash it before wearing to remove processing chemicals, excess dye, and dirt from all of the handling production,” ani Frances Kozen, senior lecturer in fiber science sa Cornell University, sa article ng Realsimple.com.
Giit pa ni Kozen, “Textiles and garments have passed through many hands, often in multiple countries.”
Sang-ayon dito si Nomi Dale Kleinman, chair ng textile/surface design department sa Fashion Institute of Technology.
Maaari raw taglay ng mga tela ang “stray chemicals” mula sa production process at starch na ginagamit para magmukhang maganda kapag naka-display.
Kung ang mga damit ay dini-display sa shops, may posibilidad ding nagkaroon ng “other contamination” dahil sa paghawak at pagsukat ng iba.
Ayon kasi sa pag-aaral, nagtatagal hanggang ilang linggo ang buhay ng bacteria, fungi, at virus sa tela.

Dagdag ni Kleinman, may posibilidad na magkaroon ng skin irritation, lalo na yung may sensitive skin o yung prone sa allergies, mula sa chemicals o microbes sa brand-new clothes.
May iba ring damit na nakakahawa ang kulay at napupunta sa katawan ang extra dye.
Sinabi naman ni Kozen, may ilang pagkakataong hindi siya partikular sa paglalaba ng brand-new clothes, tulad ng mga damit na kailangan ng dry cleaning at yung mga damit na ipinapatong sa panloob na damit.
Tungkol naman sa pagbabago ng form ng damit matapos labhan, ito ay dahil nagiging relaxed ang tela, partikular ang cotton, matapos ang first washing.
Samantala, sa Reddit, dalawang netizens ang nagsabing dati silang nagtrabaho sa fabric retail at inirerekomenda nila ang paglalaba ng brand-new clothes.
Sabi ng isa, “Trust me when I say, wash the clothes. Even things that come in packages.
“They’re treated with chemicals and touched by multiple hands and aren’t really clean/suitable for wearing until they’re washed. And factories and stockrooms are dirty and people are disgusting.”
Sabi ng isa pa, “I worked retail in a clothing store. We had roaches. And mice.
“Clothes would fall on the floor all the time. And some customers are less hygienic than others.”

