Kadalasan, ang mga maong na suot natin ay may limang bulsa: dalawa sa harapan, dalawa sa likod, at isang maliit na bulsa sa right front pocket.
Kasya sa maliit na bulsa ang barya o alahas, tulad ng singsing o kuwintas, pero para saan ba ito talaga?
Alam niyo ba na noong naimbento ang blue jeans noong 1873 o 152 years ago, apat lamang ang bulsa nito?
Dalawa sa harapan, ang small pocket, at kanang bulsa sa likuran.
Read: Why are jeans made in Japan more expensive?
THE PURPOSE OF THE SMALL POCKET
Noong Mayo 20, 1873, nakatanggap ng patent ang Levi Strauss & Co. para sa “An Improvement in Fastening Pocket Openings” o mas kilala bilang blue jeans.
Ang small pocket ay kasama sa original design at tinawag na “watch pocket,” ayon sa levistrauss.com.
At that time, uso ang pocket watch.
Pero sa paglipas ng panahon, nagkaroon ito ng ibang tawag depende sa mga bagay na ibinubulsa rito.
Ayon sa site, tinatawag din itong “condom pocket, coin pocket, match pocket, ticket pocket, to name a few.”
Read: Jeans, lalabhan o di lalabhan? May dapat kang malaman

THE STORY OF THE FIFTH POCKET
Sa artikulong "The Story Behind the Official Fifth Pocket," na inilathala noong May 3, 2021, sa Levi Strauss & Co., tinalakay ang ikalimang bulsa—which is the left back pocket.
For the longest time, ang small pocket ang inakalang “fifth pocket.”
Noong 1996, naglabas ng TV commercial ang Levi’s 501 na pinamagatang, Pool Boy.
Mapapanood dito ang isang lalaki na nakasuot ng Levi’s blue jeans habang naglilinis ng outdoor pool sa isang mala-palasyong bahay.
Isang magandang babaeng naka-swimsuit sa tabi ng pool ang mahigpit na binabantayan ng security men.
Nang makalapit ang babae sa pool boy, palihim niyang inabot sa lalaki ang isang susi.
Mabilis na kumilos ang security. Pinuntahan ang pool boy at kinapkapan ang kanyang mga bulsa. Nabigo silang makuha ang susi na itinago pala ng lalaki sa small pocket.
Nagtapos ang commercial sa voice over na, “The fifth pocket, overlooked since 1873.”
Subalit paglilinaw ng Levi Strauss & Co. sa article: “That tiny pocket is not the fifth pocket.”
Matapos maimbento ang blue jeans noong 1873, lumipas muna ang 28 years o halos tatlong dekada bago nagdesisyon ang blue jeans brand na dagdagan ang denim jeans ng left back pocket—na siyang naging official fifth pocket.

