PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Carlos Yulo crop-top OOTD receives jeers and cheers

"[B]reaking toxic masculinity and cultural codes...Carlos, you're the gold!"
by Bong Godinez
Published Sep 29, 2024
Carlos Yulo
Carlos Yulo's latest OOTD photos taken in South Korea attract criticism and admiration from netizens. Some say "hindi bagay," while others applaud the bemedalled gymnast for his "brave" fashion choice.
PHOTO/S: Carlos Yulo (Instagram)

Agaw-pansin ang lumabas na larawan ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na kuha sa Seoul, South Korea.

Pumukaw sa atensiyon ng publiko ang OOTD—Outfit Of The Day—ni Carlos na blue, fitted Adidas crop top at kapares na maong, black Dr. Martens na sapatos, at crossbody bag na Louis Vuitton.

Read:

Carlos Yulo wins back-to-back gold medals for the Philippines

Carlos Yulo takes home the gold in Olympic men's floor exercise

Partikular na napansin ng netizens ang asul na pantaas ni Carlos na nasa kategorya ng women's wear ng sikat na German athletic apparel at footwear brand.

Carlos Yulo
Photo/s: Carlos Yulo (Instagram) caloy yulo looking comfortable with his fashion choice.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinost ni Carlos ang larawan sa kanyang official Instagram page nitong Sabado, September 28, 2024.

NETIZENS MOCK CALOY'S outfit

Katulad ng inaasahan, iba't iba ang naging reaksiyon ng netizens sa latest fashion statement na ito ni Carlos.

May ilan na nagsabing medyo off.

"Hindi maganda para sa isang lalaki ang ganyang damit. Kung ikaw ay tunay na lalaki hindi ka magsusuot ng ganyan [LOL emoji]," hirit ng isang follower ni Carlos.

May isa namang nagsabi na, "Parang hindi ka naman masaya sa itsura mo [three LOL emojis]."

Meron ding nangantiyaw at nagsabing impluwensiya raw ng girlfriend ni Carlos na si Chloe San Jose ang kasuotan ng bemedalled gymnast.

chloe san jose carlos yulo flight
Photo/s: Facebook. CALOY AND CHLOE BEING STYLISH TRAVELLERS
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nakakahiya ano pinag gagawa sayo nang jowa mo? Uto uto ka Caloy," patutsada ng isang netizen.

Read: Chloe San Jose reacts to basher's “nagpapakasasa sa pera" comment

Sa opinyon naman ng iba ay hindi raw bumagay kay Carlos ang kasuotan kaya hindi maganda ang kinalabasan.

"Okay lang naman mgganyan pero bnbagayan din sgro, nagmukha syang tomboy, mas okay yung dating styling need lang ayusin ng konti pero IT's A NO for me," himutok ng isang follower ni Carlos.

"Ma awa ka sa sarili mo.. hindi kasi bagay for someone only 5 ft ang taas lng. Change outfit mas madami bagay sayo," payo ng isang netizen.

Read: Chloe San Jose accused of ruining Carlos Yulo's family

yes to BREAKING FASHION BOUNDARIES

Sa kabila ng panlalait ng ilan ay marami rin naman ang humanga sa bagong style ni Carlos.

"It's giving secure masculinity. We stan a progressive guy! Di gaya ng iba dyan, pang-dark ages ang mentality," hirit ng isang tagahanga ni Carlos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Carlos Yulo speaks up about family rift: "Nakarma na ako..."

May nagkomento ring: "Winning the Olympics and now, breaking toxic masculinity and cultural codes of dressing up. Carlos, you're the gold!"

Hindi naman big deal para sa isang netizen ang outfit ni Carlos na nagsabing pangkaraniwan na ito ngayon sa ibang bansa at maging mga K-Pop stars ay nagsusuot na rin nito.

Carlos Yulo
Photo/s: Carlos Yulo (Instagram). the two-time olympics gold winner in seen in his ootd.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ba't ang dami kong nakikitang bash sa suot nya? Okay naman ahh, bagay naman sa kanya," depensa ng isa pang netizen kay Carlos.

Isang komento naman ang tiyak na magpapalubag-loob kay Carlos sakaling may epekto sa kanya ang bashing sa social media.

"Gold medal fit [medal and fire emojis]," maiksi ngunit makabuluhang komento mula sa isang apparel brand.

Ang komento ay nagmula sa official Instagram account ng Adidas Philippines.

Hindi kaila ang koneksyon ni Carlos sa nasabing brand.

Ang Adidas ang isa sa principal sponsors ng mga atletang Pilipino na ipinadala sa nagdaang Paris Olympics.

Sa katunayan ay pares ng Adidas Ultraboost 5 ang suot ni Carlos nang umakyat ito sa podium para tanggapin ang dalawang gintong medalyang napanalunan niya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carlos Yulo's latest OOTD photos taken in South Korea attract criticism and admiration from netizens. Some say "hindi bagay," while others applaud the bemedalled gymnast for his "brave" fashion choice.
PHOTO/S: Carlos Yulo (Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results