Alam niyo bang ang presyo ng mga jeans na gawa sa Japan ay umaabot ng hanggang PHP16,000.
May report pa nga sa Business Insider na isang Japanese brand ay may tag price na $2,000 o higit PHP112,000.
Bakit?
Makalumang paraan kasi ang karaniwang gamit ng Japanese brands sa paghahabi.
Ayon sa July 2023 article ni Dave Stewart ng Stridewise website, gumagamit sila ng antique looms, kaya mas matagal ang paghabi at nangangailangan ng “great skill” para magawa ito nang maayos.
“These looms are also sixty, seventy, eighty years old, and require a very skilled craftsman to operate and repair them."
Nakatira si Dave sa Osaka, Japan, at nasaksihan niya mismo kung paano gumawa ng jeans ang Japanese denim manufacturers.
Malayo ito sa mga modern projectile looms na gamit ng ibang denim manufacturers na nakakatapos ng maraming jeans nang mas mabilis.
Mas pulido naman ang pagkakagawa ng jeans gamit ang makalumang paraan.
Old school din ang ginagawa nilang pananahi kaya mas matagal, mas maraming effort, at mas magastos.
Kadalasan, hindi malalaking kumpanya ang humahabi ng mga jeans, kundi mga pamilya na iisang antigong loom lang ang gamit.
Read: Jeans, lalabhan o di lalabhan? May dapat kang malaman

Ang makalumang paraan ng mga Hapon sa paghahabi ng tela ay ginagamit din sa paggawa ng denim jeans.
Read: 150-year-old vintage maong pants sold for PHP5.6 million
IBA PANG DETALYE TUNGKOL SA JAPANESE JEANS
KULAY
Natural dye din na mas mahal at hindi synthetic ang gamit nila sa pagkukulay kaya mas maganda ang fade ng jeans na gawa sa Japan.
TELA
Mas makapal din at mas mabigat ang tela kaya hindi agad bumabagsak o numinipis.
At dahil mas makapal, mas matagal din itong mahabi o i-weave gamit ang kanilang makalumang makinarya.
MATERYALES
Mas detalyado rin ang paggawa ng jeans sa Japan. Makikita ito sa mga bulsa, sa mga butones, at mga butas.

Japanese manufacturers of jeans use old machines, which take more effort but produce better quality.
Read: Japanese husband goes 20 Years without speaking to wife under same roof
PROS AND CONS OF JAPAN-MADE JEANS
Inilista rin sa artikulo ang pros and cons ng Japanese-made jeans.
PROS
1. Mas maraming choices ng denims pagdating sa bigat, texture, at kulay.
2. Mas mabigat at mas makapal ang fabric kaya mas matibay.
3. Mas matagal itong mag-fade, pero mas maganda ang fade nito kalaunan.
4. Mas pulido ang pagkakagawa kumpara sa mass-produced jeans.
5. Mas kakaunti ang gawang Japan kaya mas unique ang estilo nila.
CONS
1. Mas mahal
2. Maaaring hindi ito komportableng isuot sa una dahil sa uri ng tela.
3. Mas matagal ang hihintayin bago ma-achieve ang fade effect
4, Mas mainit itong isuot lalo na sa maiinit na lugar;
5. Medyo tricky ang sizing lalo na kung bibili online
Iba-iba ang taste ng tao pagdating sa pananamit, tulad ng jeans.
Other people go for affordability, while others do not pay attention to the price as long as it boasts better quality and durability.
