Ipinasilip ni Sherlina Nyame, 33, ng Fulham, London, ang kanyang mega collection ng 500 pares ng sneakers sa kanyang Instagram Reels last January 30, 20234.
Isa siyang content creator-influencer na may 1.3 million IG followers.
Pagbabahagi ni Sherlina, gumastos na siya ng mahigit US$100,000 (PHP 5,597,650) sa kanyang mga sneakers.
Read: Shoe collector scammed by teenager who sold PHP1M worth of sneakers; will not get refund

Isang obsession para kay Sherlina ang kanyang collection, kung saan tampok ang mga brands na Nike, Reebok, Air Force One, Yeezy at iba pa.
Kuwento niya, nagsimula siyang maging passionate sa sneakers noong siya ay seven years old, at nakatanggap ng isang pares ng Reebok Classic.

Read: Lalaki bitbit ang buong pamilya sa kasal; nag-cause ng "inconvenience"?
“I was only allowed to have one pair of sneakers for the school year.”
Ang Reebok Classic aniya ang kaisa-isa niyang sneakers noon, at talagang pinakaingat-ingatan niya.
Read: HOT TOPIC: Lady walks out on date after knowing the guy lied about his age
EXTRA STORAGE FOR SNEAKERS
Nang lumaki na si Sherlina, nagsimula na siyang bumili nang bumili ng sneakers.
Ani Sherlina, noong una ay may ilan lang siyang lagayan ng sneakers sa kanyang studio apartment.
“I then moved over to London and had a little room with a few shelves.”
Read: Meet Fritz Sendrijas, Top 1 in architecture licensure exam and magna cum laude

Read: Wallet nahulog sa dagat 8 months ago, nakita ulit ng may-ari sa beach
Nang magdesisyon silang magsama na ng kanyang fiancé at magkaroon ng sariling bahay, ginawa niyang sneaker closet ang pinakamalaking bedroom.
Pero kahit malaki ang bedroom, nasa 200 pares lang ng sneakers ang nagkasya roon.
Kaya ang ginawa ni Sherlina ay bumili pa ng off-site storage unit kung saan niya inilagay ang 300 pares ng kanyang collection.
Read: FORUM: Keri mo pa bang magbuntis kahit 50 years old ka na?
SHERLINA'S FAVORITE SNEAKERS
Nagagamit ni Sherlina ang lahat niyang sneakers.
“When I go out, I decide what shoes to wear first.
“I have my life-wear sneakers; my collection that I wear when I want to go for a walk, and I have a collection for the gym.”
Ang kanyang mga paboritong isuot kapag pupunta siya sa gym: Air Force One, Air Jordan One, Nike Dunks at Asics.
Read: Hermes files case against bookstore using its brand name

Read: Robbers steal 220 assorted rubber shoes, all for right foot
May mga pares din siya ng sapatos na magkakapareho ang style pero magkakaiba ng kulay.
“In Air Force, I will say that I have hundreds of different colors.”
Ayon kay Sherlina ay mahilig din sa sneakers ang kanyang fiancé.
Mas marami aniya ang kanyang collection kumpara rito. “But he has some very expensive sneakers.”
Para kay Sherlina, itinuturing niyang art ang kanyang collection.
Para umano siyang may art gallery kapag pinagmamasdan ang mga iyon.
Kuwento pa niya, “Sometimes when I like a sneaker so much, I will wear them every day.”
At pag sobrang gusto niya ang sneaker, dalawa ang binibili niya—ang isa ay para isuot, at ang isa ay para sa kanyang collection.
“One to rock and one to stock.”
Read: PHP500K-worth Gold Air Jordan 3 ng Hollywood director, natagpuan sa donation bin ng isang shelter
WHY PEOPLE START A COLLECTION
Bakit nga ba may mga tulad ni Sherlina na mahilig magkolekta?
Ayon kay Kiara Timpano, psychology professor sa University of Miami College of Arts and Sciences, may mga taong gustong magkaroon ng sariling collection—sneakers sa case ni Shelina—dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Ang iba ay ginagawa ito para sa pansariling kasiyahan.
Mayroon namang gustong matutunan ang tungkol sa bagay na kanilang kinokolekta.
Read: Super fan ng Titanic movie, target makakolekta ng 1 million VHS copies
Status o prestige naman ang rason ng iba. Sila yung naghahanap ng mga rare at limited editions.
Ang iba ay naging attracted lang sa umpisa hanggang naging habit na ang pagkokolekta.
“We know our lives are inextricably entangled with things and the earliest archeological records show that ownership of objects is a universal phenomenon that has existed across time, cultures and people,” ayon pa kay Timpano.
Read: Artist creates diorama of 1939 family home: “Para mabalikan ko ang masasayang alaala.”
