PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Influencer inirampa ang mga damit na isinuot ng ina noong 1980s

“I used to make fun of her for it!”
by KC Cordero
Published Feb 16, 2024
Danielle trying her mom's old clothes
Nostalgic para sa netizens na makitang suot ngayon ng isang Gen Z ang mga damit ng kanyang ina noong dekada 80.

Sinubukan ni Danielle Wiens, isang social media influencer na nakabase sa Orange County, California, na isuot ang mga damit ng kanyang ina noong dekada '80.

Si Danielle ay isang Gen Z, at kilala sa TikTok sa kanyang username na @daniellewiens.

Tungkol sa fashion ang karaniwan niyang content.

Read: Lola arestado sa pananahi at pagbebenta ng fake luxury bags at wallets

Sa artikulong inilathala ng news website na Upworthy last February 4, 2024, naghatid ng nostalgia ang video ni Danielle nang isukat niya ang mga damit na isinuot ng kanyang ina sa iba’t ibang okasyon noong 1980s.

Kabilang sa mga ito bright ay pink prom dress, engagement dress, at iba pa.

Una niyang isinukat ang prom dress.

Read: Beyonce look-alike gets tons of marriage proposals; PHP1.4M offer for one-night-stand

Danielle trying her mom's old clothes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Danielle, "Okay, I'm gonna try on my mom's prom dresses from high school.

"Maybe not all proms. Some of them might just be from high school."

Sa video ay isinisingit din ni Danielle ang old photos ng kanyang ina suot ang damit na isinusukat niya para makita ang comparison.

Pinakapinusuan ng netizens ang senior prom gown ng kanyang ina.

Danielle trying her mom's old clothes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang black-and-white strapless gown naman ay posibleng isinuot noong 1984, ayon sa Upworthy.

Medyo nahirapan si Danielle na isara ang zipper sa likod ng mauve-colored dress.

Danielle trying her mom's old clothes

Read: Babae nag-text sa phone ng namayapang ama, may nag-reply

Ayon sa ilang netizens na nagkomento, gaya ni Danielle, habang lumalaki sila ay gustung-gusto rin nilang isukat o isuot ang lumang damit, make-up, accessories, at mga alahas ng kanilang parents.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kakaibang saya ang dulot ng pagkakataon na kasya na sa kanila ang damit ng mga magulang.

Read: Hermes files case against bookstore using its brand name

Panay positive din ang naging komento ng netizens sa video ni Danielle, partikular sa mga iningatang damit ng kanyang ina.

Bulalas ng isa, "Damn, these aged well!"

Sambit naman ng isa pa, “Oh my God, the senior prom dress is beyond."

Read: Carla Abellana reacts to netizens saying she is selling overpriced pre-loved items

Isaqng mommy naman ang naka-relate, “You're justifying my hoarder tendencies for my baby girls.”

Tugon naman dito ni Danielle, “I used to make fun of her for it! So glad she kept them now.”

Binanggit din niya na hindi intensiyon ng kanyang ina na itago ang mga damit para ipasuot sa kanya pagdating ng panahon. Sadya lang umanong maingat ito sa mga gamit.

Read: Painted cow agaw-eksena sa Valentine’s Day 2024

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nostalgic para sa netizens na makitang suot ngayon ng isang Gen Z ang mga damit ng kanyang ina noong dekada 80.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results