PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hannah Arnold's National Costume for Miss International 2022

Barbie doll and tambourine are the inspiration for Hannah's national costume.
by Jojo Gabinete
Published Dec 13, 2022
hannah arnold national costume
Philippine bet Hannah Arnold's National Costume for Miss International 2022 is designed by Bulacan-based fashion and jewelry designer Manny Halasan.

Nakatutok ang atensiyon ng Filipino beauty pageant fans sa koronasyon ng 60th Miss International na magsisimula ngayong alas dos ng hapon, December 13, 2022.

Magaganap ang grand coronation sa Tokyo Dome City Hall sa Tokyo, Japan.

Ang 26-year-old at Filipino-Australian beauty queen na si Hannah Arnold ang kinatawan ng Pilipinas.

Napaghandaan niya nang husto ang pagsali sa 60th Miss International na nakansela noong 2021 dahil sa coronavirus pandemic.

Malalaman ngayong gabi kung masuwerte kay Hannah ang number 7 dahil kapag pinalad na magwagi, siya ang ika-pitong Pilipina na mag-uuwi ng korona at titulo ng Miss International.

Sina Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016) ang mga Pinay na nanalong Miss International.

Read: Former Pinay Miss International winners: Where are they now?

Ang fashion designer at jewelry maker na si Manny Halasan ng Bulacan ang lumikha ng national costume ni Hannah para sa 60th Miss International.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

hannah arnold national costume

Ayon kay Manny, ang paboritong laruan ni Hannah na Barbie doll na regalo ng ina ng beauty queen ang inspirasyon ng “Barbie wearing a Maria Clara Filipiniana” national costume na ginawa niya.

Nais ni Manny na manumbalik sa lahat ng mga Pilipino ang mga paboritong alaala noong kabataan nila kaya ginamit din niyang inspirasyon sa classic traditional Filipiniana national costume ni Hannah ang antigong tambourine ng pag-aari ng kanyang lolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Coincidentally, ngayong Martes, December 13, ang kaarawan ni Manny kaya lalong naging makabuluhan para sa kanya ang koronasyon ng 60th Miss International dahil isang malaking karangalang masilayan ng buong mundo ang national costume na nilikha niya para kay Hannah.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Philippine bet Hannah Arnold's National Costume for Miss International 2022 is designed by Bulacan-based fashion and jewelry designer Manny Halasan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results