“I CONQUERED THE BIG APPLE.”
Ito bungad ng Filipina fashion designer na si Joy Soo sa kanyang Facebook caption.
Noong February 2022, naitampok ang mga designs ni Joy sa prestihiyosong New York Fashion Week (NYFW).
Tinawag na Musa Fabric ni Joy ang kanyang fashion line.
Inirampa sa prestigious runway ang mga damit ni Joy na gawa sa banana fabric, na hinabi ng women inmates sa Davao Del Norte.
Sa isa pang FB post ni Joy, makikitang featured sa LED screen ang kanyang fashion line sa New York Times Square.

ADVOCACY PROJECT
Si Joy ay isang public accountant na maagang nagretiro para isakatuparan ang kanyang passion sa fashion design.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News noong February 19, advocate project ni Joy ang Musa Fabric na ibinabandera sa international stage ang gawang Pinoy.
Paraan ito ni Joy para ipagsigawan na world-class ang kanyang designs na produktong Pinoy at gawang Pinoy—mula sa kanyang hometown na Davao del Norte.
Ang Pilipinas ay nananatiling second largest banana exporter sa mundo.
Noong 2020, naghahanap si Joy ng tela para sa kanyang fashion designs.
Isang kaibigan mula sa Philippine Labor Department sa New York ang nagpakita kay Joy ng video ng women inmates ng Davao del Norte Provincial Jail.
Hinahabi ng mga inmates na ito ang banana fabric.
Dito na itinayo ni Joy ang Musa Fabric para lumikha ng sustainable fashion business at matulungan ang mga nangangailangan.
Ikinuwento rin ni Joy kung paano nagsimula ang kanyang advocacy na tulungan ang women inmates.
Sa tuwing Biyernes daw na pupunta siya sa kulungan para kunin ang mga nahabing tela, nakakasabay niya ang mga mister ng inmates.
“Yung mga asawa nila naghihintay kasi yung asawa nila na nasa loob sa jail, ay nagbibigay sa kanila ng pera every Friday.”
Bukod dito, nakipagtulungan si Joy sa local government unit ng Daval del Norte, Philippine Trade Industry, at sa private sector.
Tinuruan nila ang ilang kababaihan sa mga indigenous communities na humabi ng banana fabric para meron silang source of income.
Pero most of the fabric she uses ay hinabi ng mga women inmates.
“...the prisoners talaga, yung 90 percent of the labor force makes the Musa Fabric,” ani Joy.
Dinoble ni Joy ang ibinabayad ng Philippine Labor Department sa women inmates na naghahabi.

Joy Soo's team being interviewed by a member of the press at the New York Fashion Week backstage.
Tinatayang higit isandaang women inmates na ang nakikinabang sa advocacy ni Joy.
“Prisoners found hope in this new endeavor kahit nandoon sila sa loob, they can still continue, they can still have their livelihood.”
Naniniwala ang fashion designer na naging matagumpay ang kanyang advocacy project dahil marami itong natutulungang tao.
Tunay namang clothing line with a purpose ang Musa Project.
