PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dubai entrepreneur, once a domestic helper, lifts up the jobless

She is also known as the "Cheesecake Queen."
by Bernie V. Franco
Published Apr 7, 2026
Maria Paz Banaag Marquez
Maria Paz Banaag-Marquez, a Filipino business owner in Dubai, is distributing food packs to jobless expats in the UAE. She used to be a domestic helper and has since succeeded in the pastry business.
PHOTO/S: @mariapazpastry on Instagram

Isang Filipina business owner ang natatampok ngayon sa ilang foreign news sites dahil sa kanyang pagtulong sa mga Filipino at foreign expatriates na nawalan ng trabaho bunsod ng giyerang inilunsad ng U.S. at Israel laban sa Iran.

Siya ay si Maria Paz Banaag-Marquez, 59, na may siyam na pastry branches sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Namigay si Maria Paz ng tinatayang 300 bags of relief goods—bigas, canned goods, itlog, coffee, at essentials—na nagkakahalaga ng tinatayang 75 dirhams, na katumbas ay PHP1,229.

“Our customers aren’t just Filipino[s]; we serve many nationalities,” ani Maria Paz sa interview ng English-language newspaper na Khaleej Times nitong April 5, 2026.

Pagdedetalye ng negosyante, marami raw ang gipit ngayon at nakararanas ng forced leaves at unpaid leaves.

Ang pamimigay ng relief goods ang naisip niyang paraan para makatulong kahit papaano.

Read: Netizens turn to induction stoves, other options after LPG hike

MARIA PAZ DOES GOODWILL

Inamin ni Maria Paz na marami sa mga customers ay humihingi sa kanya ng trabaho kahit part-time lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Honestly, given the current situation, I can’t hire anyone right now. I feel so sorry for them, I wish I could take them all."

Kung kukuha raw kasi siya ng tao, baka niya rin ito ma-sustain makalipas ang ilang buwan kung hindi magbabago ang current situation dahil sa giyera.

Kahit si Maria Paz mismo ay tinipid ang kanyang bakasyon sa Pilipinas para makapaglaan ng ibang pondo sa kanyang relief goods.

“I’ve decided to cut back on my holiday expenses and contribute an extra Dh5,000 [or PHP81,965], to this initiative.”

Nasa Pilipinas ngayon si Maria Paz para sa dalawang linggong bakasyon.

FILIPINO DESSERTS, A HIT IN DUBAI

Naitampok ang kuwento ni Maria Paz sa My Puhunan, na Philippine television documentary news magazine broadcast ng ABS-CBN at Kapamilya Channel, noong December 2025.

Binansagan siyang “Cheesecake Queen” ng Dubai.

Ang kanyang negosyo ay tinawag na Maria Paz Pastry & Café ay sinimulan niya noong 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salat man siya sa kapital, sagana naman siya sa lakas ng loob at kumpiyansa sa kanyang produkto.

Nang tanungin kung magkano ang kanyang puhunan, sinabi niyang dalawang trays ng itlog para makagawa ng cake at puwestong nirentahan sa pamamagitan ng utang.

Naging madali para kay Maria Paz ang mag-bake dahil dati siyang may bakery sa kanyang bayan sa Quezon.

Ang kanyang cheesecake ay ang tradisyunal na sponge cake sa Pilipinas na binalutan ng icing at binudburan ng generous grated cheese bilang toppings.

Bukod sa kanyang cheesecake, marami rin siyang ino-offer na classic Filipino desserts.

“Lahat ng natutunan ko sa Quezon na kakanin, dinala ko siya dito,” sabi niya.

Gumagawa at nakakabenta ang negosyante ng 1,000 cheesecakes araw-araw.

MARIA PAZ's RAGS TO RICHES STORY

Makulay ang success story ni Maria Paz, na nagsimula bilang domestic helper sa Dubai noong 2008.

Nagtrabaho rin siya sa Saudi Arabia sa loob ng dalawang taon bago umuwi sa Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakiusap siya sa isang kaibigan sa Dubai na tulungang makapunta roon.

Naging kasambahay siya sa isang French family sa loob ng 13 years.

Pag-amin ni Maria Paz, mahirap ang maging kasambahay, pero ang inisip na lang niya ay ang maipapadalang pera sa tatlong anak tuwing katapusan.

“Hindi lang ako sa bahay. Naglilinis ako ng dalawang showroom nila, and then may swimming pool kang lilinisin, may garden kang didiligan, and then dalawang sasakyan kang lilinisin mo,” pagbabahagi niya ukol sa kanyang trabaho

Bago siya maging OFW, mayroon siyang bakery sa Atimonan, Quezon, na hindi sapat ang kita para masuportahan ang pamilya.

Ngayong panahon ng krisis, sa kanyang simpleng paraan, si Maria Paz naman ang tutulong sa kapwa.

Maria Paz Banaag Marquez
Maria Paz Banaag-Marquez is a former domestic helper who put up a pastry business in Dubai, Her bestseller is her cheesecake (right).
Photo/s: @mariapazpastry on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maria Paz Banaag-Marquez, a Filipino business owner in Dubai, is distributing food packs to jobless expats in the UAE. She used to be a domestic helper and has since succeeded in the pastry business.
PHOTO/S: @mariapazpastry on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results