PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The rise of Joseph Pasalo in travel vlogging

His videos bring viewers to hidden and rarely seen places around the country.
by Bernie V. Franco
Published Feb 28, 2026
Joseph Pasalo
Joseph Pasalo, also known as SEFTV, has more than three million subscribers on YouTube and Facebook. His travel vlogs generate hundreds of thousands to millions of views. He has successfully established himself as a travel vlogger, but it wasn’t an easy journey. Joseph shares how he achieved success.
PHOTO/S: Joseph Pasalo on Facebook

Kung mahilig ka sa travel vlogs, hindi kataka-taka kung pamilyar ka sa SEFTV YouTube channel.

Tampok dito ang magagandang lugar, isla, at mga pasyalan sa Pilipinas na hindi pa masyadong sumisikat at napupuntahan dahil sa accessibility.

Ang owner ng YouTube channel ay si Joseph Pasalo, 32, isang travel vlogger na tubong-Leyte.

Ang kanyang videos ay pumapalo ng hundreds of thousands up to millions of views.

Mala-dokumentaryo ang presentasyon at madetalye, saka malinaw at magaganda ang visuals.

Ang bawat video ay tumatagal ng 15 minutes o higit pa, subalit hindi lalampas sa 30 minutes.

Fast-paced ang mga eksena. Walang dull moment.

Klaro at magaganda ang shots—aerial man o close-up. Swak ang background music.

Maraming pulot ang viewers. Hitik sa detalye ang paglalarawan at interviews ni Joseph.

May 1.56 million subscribers ang YouTube channel ni Joseph, habang 1.7 million naman sa Facebook.

Sino ang mag-aakalang nagsimula lang ang lahat dahil sa hilig niyang gumawa ng videos?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mistulang isang TV production team ang may gawa sa kanyang vlogs, pero ang totoo ay si Joseph at ang partner lang niya ang magkatuwang.

Wala ring formal training si Joseph sa pagpo-produce ng videos.

Joseph Pasalo, Sila Island
A sample of the breathtaking shots of Joseph using a drone. This photo is the Sila Island in Northern Samar.
Photo/s: Joseph Pasalo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Philtranco clarifies "business stop operation" announcement

JOSEPH THE VIDEOGRAPHER

Si Joseph ay taga-Balo, Leyte.

Nagtapos siya ng Information Technology mula sa ACLC Tacloban noong 2012.

Naging job-order employee sa Department of Public Works and Highway (DPWH) sa kanilang lugar, pero makalipas lamang ang ilang buwan, naging unemployed siya.

Kasunod nito, naging freelance videographer siya.

“Sumasabit sa mga kaibigan, sumasama para umalalay hanggang sa nagkaroon ng pondo para makabili ng mga sariling gamit.”

“Nagko-cover ng mga events, mga kasal, birthday, iba't ibang events…” kuwento niya sa Philippine Entertainment Portal via Zoom.

“Then doon na nahasa yung pagkuha namin ng videos.”

Mayroon siyang live-in partner at mayroon silang dalawang anak: isang six years old at isang four years old.

Pre-pandemic, nakiuso raw si Joseph sa vlogging na nagsisimulang mag-boom noon.

Mula sa Leyte, lumuwas siya ng Maynila dahil uso ang vloggers na ipinapakita ang buhay sa siyudad.

Gayunpaman, hindi raw napapansin ang kanyang videos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pag-observe namin, hindi kami masyadong napapansin. Hindi masyadong nagbo-boom yung channel kaya naghahanap kami ng ibang content.”

Mula siyudad, itinuon ni Joseph ang pansin sa mga rural areas gamit ang kanyang karanasan bilang videographer.

“Yun nga, sa ibang mga probinsya, may mga bagong projects na hindi masyadong naipapakita sa social media, kaya doon kami nag-umpisa.

“Sakto din naman na nung pandemic, walang gaano ginagawa yung tao kaya sakto nakikita nila yung mga nangyayari sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas.”

Joseph Pasalo motorcycle
Joseph Pasalo, 32, graduated with a degree in Information Technology, but eventually ventured into travel vlogging.
Photo/s: Joseph Pasalo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KMJS STINT

Nagkaroon ng pagkakataon si Joseph na maobserbahan kung paano gumawa ng content for TV nang kunin siya ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa isang episode na kuha sa kanyang lugar.

“Minsan, iyon, kinuha nila akong drone operator. Kaya doon na rin ako nakakuha ng idea kung paano nga ba yung production, paano gumawa ng kuwento…

"Tinuturo sa akin. Nagsi-share ng mga tips, ‘Ganituhin mo, ganyanin mo yung mga shots…’ E, in-observe ko rin kung paano tumakbo yung production ba, yung pagre-record…”

Hindi naman daw matagal ang trabahong iyon.

“Actually, parang isang beses lang yung shot na na-i-air. Iyon yung shot na sabi ng mga staff, ‘Sige, o, galingan mo kasi pag ginalingan mo, baka kunin ka pa sa susunod. Pero kung hindi mo masyadong galingan yung shot, baka ito na yung huling shot mo.’

“Kaya, ayun, ginawa ko naman yung best ko. Iyon nga lang, may mga sumunod pa na kinukuha sana ako, kaya lang hindi nagtutugma yung mga iba ko namang schedule kaya hindi na nasundan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Joseph Pasalo church
From being a videographer in events, Joseph used his camera to create travel vlogs during pandemic.
Photo/s: Joseph Pasalo on Facebook

A TEAM OF TWO

Kapag pinanood mo ang mga videos ni Joseph, aakalain mong isang team ang nagtrabaho sa likod ng camera.

“Actually, yun din yung akala nung mga nanonood sa amin, na malaking grupo kami. Kasi nga sa dami ng shots, sa effort na makikita nila sa editing, akala talaga nila marami kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero yung totoo doon, dalawa lang kami ng wife ko, nung live-in partner ko. Siya yung videographer. Tinuturo ko lang sa kanya kung paano yung mga angle na gusto ko.

"Nagugulat rin po yung mga nakakasabay naming YouTuber. Nakikita nilang dalawa lang kaming nasa team. Akala nila isang grupo.

“’Tapos yung mga nakausap pa namin, naghanap pa, ‘Saan yung iba niyong kasama?’ Sabi ko, ‘Kami lang talaga yung nagsu-shoot.’"

Ang malaking bulto raw ng trabaho ay si Joseph na ang gumagawa: mula sa pagkuha ng B-rolls, post-editing, voice-over, pag-aaral ng flow ng kuwento, subtitles, at iba pa.

“’Tapos ako naman yung the rest na trabaho sa production. Saka sa post-production.

“Kaya halos one-man team. Yun nga, mabuti na lang kasama ko rin yung partner ko dito."

Joseph Pasalo, gold button
Currently, he now has more than 1.5 million subscribers on YouTube and 1.7 followers on Facebook.
Photo/s: Joseph Pasalo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UNEXPECTED COINCIDENCE

May isa ring pangyayari na naging daan kay Joseph para makilala siya sa travel vlogging.

Para lalong matuto pagdating sa editing, nag-eksperimento si Joseph sa paggamit ng kanyang drone.

“Parang kokonti pa lang yung may drone sa panahon na iyon. Kaya gumawa ako ng mga trip videos para ma-enhance yung editing.”

Kumuha raw ng modelo si Joseph at pinatakbo sa may isla sa kanila habang kinukunan niya ito ng video gamit ang kanyang drone.

“Kinukunan ko yung island nung mga B-rolls, biglang sumabit yung drone sa isa sa mga pinatakbo kong model. Sumabit yung drone doon sa ulo. Tumambling yung drone. Sira.

“Hindi ko alam na may nanonood pala sa aming isang foreigner. Lumapit siya. Nagbigay siya ng calling card. Sabi niya, ‘Kontakin mo ako then tingnan ko yung mga shots mo.’

“Nung nakita niyang in-upload ko yung video doon sa Kalanggaman Island, dito rin sa Leyte, nag-reach out siya sa akin. Kung puwede daw niyang i-share yung video.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumayag si Joseph. Ginamit daw ng foreigner ang ilang drone shots ni Joseph sa isang video at in-upload ng foreigner sa Facebook. Mayroon pala itong travel page at may malaking following.

“Tuwang-tuwa ako kasi may gustong gumamit sa shot ko at ia-upload pa sa page na may maraming followers.

“Ilang araw pa lang, siguro mga dalawang araw, nag-hit na, pumapalo na ng ilang milyon.

“Noong mga panahong iyon, hindi naman ganoon kadali magparami ng views," ani Joseph.

“So, doon nga ako nagkaroon ng idea na, ‘Puwede pala yung ganito. Puwede pala.’ Kasi maraming mga isla dito sa amin na hindi pa ganun ka-popular. So marami akong puwedeng kuhanan.”

Nagpasalamat daw ang travel Facebook page na gumamit ng drone shots ni Joseph.

“Imagine, isang linggo pumalo na ng 10 million views. So yun yung video na may pinakamaraming views sa mga panahon na yun sa page niya.”

Isang regalo ang iniabot kay Joseph ng foreigner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Binigyan ako ng PHP20,000.

“So, dahil nasira yung drone ko, ibinili ko ng second-hand drone para maipagpatuloy ko yung gusto kong gawin.”

Joseph Pasalo mountains
Since he has been featuring the beautiful places in the Philippines for some time now, Joseph plans to feature destinations in other countries.
Photo/s: Joseph Pasalo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumuha rin ng ideya si Joseph mula sa travel page ng foreigner.

“Parang yung mga video na iyon, nasa one minute lang iyon, tapos may mga text na lumalabas, ine-explain yung lugar.

"So yun, ginaya ko at malakas nga sa social media. Mabilis yung shares, mabilis yung views. Kaya tinuluy-tuloy ko doon.”

Nagarao Island, Masbate
An aerial shot of Nagarao Island in Masbate with the use of drone.
Photo/s: Joseph Pasalo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BASHING THEN AND NOW

Isang kaibigan daw ni Joseph ang nagpayo na lapatan niya ng voice-over ang kanyang videos.

Dugtong daw ng kaibigan, hindi magtatagal ay marami na ang makakabili ng drones at kaya na ring gawin ang mga ginagawa ni Joseph.

Kailangan daw na mas pronounced ang branding ni Joseph.

Kailangang i-level up ni Joseph ang kalidad ng kanyang videos.

Ito rin ang payong hanggang sa ngayon ay isinasaisip ni Joseph sa kanyang pagiging content creator.

Naging hamon daw ito sa kanya noong una lalo pa’t hindi naman siya sanay sa Tagalog.

“Na-challenge ako doon kase yung mga Leytenyo, Waray, Bisaya, hirap mag-Tagalog.

“Mapapansin niyo sa mga una kong video para akong nagtutula, iba yung pronunciation ko. Mahahalata yung pagiging Waray, yung pagiging taga-rito sa Leyte.”

Naalala pa ni Joseph nang mag-shoot sila sa San Juanico Bridge at kinunan siya ng video habang nagsasalita.

“Sobrang pressured kami kasi marami yung dumadaan tapos minsan nagtatawanan pa kase paulit-ulit kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakikinig pa yung mga gumagawa doon sa tulay. Sabi nila, ‘Oy, di pa ba tapos iyan? Kanina pa kayo diyan.’”

Pero ang mga pagpuna ay hindi lamang niya naranasan noong nagsisimula siya. Nagpatuloy ang pamba-bash maski sa online.

“In-expect na namin na marami yung mang-bash tungkol sa pagsasalita ko, tungkol sa itsura ko, basta lahat na lang physical na makikita sa akin, na-bash doon.”

Tuloy lang daw si Joseph dahil alam niyang matututo rin siyang maging fluent sa Filipino.

“So, habang tumatagal mas naging komportable na ako magsalita ng Tagalog.”

Sa tuluy-tuloy na paglikha niya ng vlogs, nagamay na raw ni Joseph ang proseso. Pero gusto pa rin niyang matuto.

“Sa bawat trabaho, sa bawat ginagawa namin, pinag-aaralan ko kung saan ako puwedeng mag-adjust pa,” saad niya.

Noong simula ay gumagawa pa raw siya ng script.

“Ngayon, wala na kaming script na sinusunod. Hindi rin naman yun nasusunod kasi pag pupunta kami sa isang lugar doon, meron kaming impormasyon na mas maganda siyang ilagay doon sa video kumpara sa mga na-advance na research na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ngayon, kumukuha muna kami ng video, then tinitingnan kung ano yung mga legitimate information na puwede naming ilagay. Tapos sa post-production ko na ginagawa yung kuwento, kung ano yung magiging ending nung video.”

Hindi rin naman puro bashing ang natatanggap ni Joseph. Alam niyang marami rin ang pumupuri at tumatangkilik sa kanyang videos.

Pero, aniya: “Mas nakatuon ako ngayon sa mga bashing o kung meron mang nagpupuna sa mga mali pa o sa mga kailangang pang i-improve.

“Doon ko mas tinitingnan para mas mapaganda pa yung quality ng in-upload namin.

“Talagang pinu-push namin yung aming limit na mas mapaangat pa yung quality nung video kase tingin ko, dito sa atin, sobrang dami na ng vlogger, sobrang dami na ng nagko-content.

"Pero bibihira lang yung masasabi nating may magagandang shots at may mga magagandang istorya.

“Kaya sabi ko, sa ngayon, mahirap yung mga lugar na pinupuntahan namin, kailangan ko nang samantalahin habang andun ako. Kumuha na ako ng magagandang shots para masasabi nating sulit yung magiging biyahe namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang isang event videographer, kaya raw ni Joseph na kumuha ng videos at ma-edit ang mga ito sa isang araw.

Pero sa paggawa niya ng travel vlogs, inaabot siya ng dalawang linggo—mula sa pagpaplano hanggang sa pagpunta sa lugar, pag-shoot, at pag-edit.

Paliwanag niya: “Habang mas tumatagal, ikaw ay nagiging perfectionist. Kailangan yung mga maliliit na detalye, mabusisi. May mga konting mali, kailangan maitama.”

Sa ngayon professional cameras na ang gamit ni Joseph dahil sa pagnanais niyang high quality ang kanyang mga kuha.

“Kapag halimbawa risky yung shot, nasa dagat kami, hindi kasi ako makapaglabas ng mga DLSR kasi delikado. So, yung ginagamit ko doon is yung iPhone 16.

“Pag mga interview, mga DLSR, magagandang lens...

“Dapat talaga yun nang malalaki na kasi iba yung quality niya.”

Joseph Pasalo spring
The vlogger features different travel destinations in the Philippines which are not yet highly accessible or popular.
Photo/s: Joseph Pasalo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A DANGEROUS JOB

Literal na buwis buhay ang pagiging content creator ni Joseph.

Sa mga nauna niyang videos, mapapanood siyang nakasakay sa motorsiklo sa pagbisita sa mga destinasyon.

Kapag malayo sa kanilang lugar ang destinasyon, sumasakay sila ng barko at kasamang isinasakay ang kanyang motorsiklo. Gagamitin na lamang niya ito kapag dumating na sila sa rehiyon ng itatampok na lugar.

“Actually, nakapitong aksidente na nga po kami sa motor,” pagbubunyag ni Joseph. Ipinakita pa niya sa amin ang kamay na nabalian noon dahil sa isa sa mga aksidente.

“Tapos doon sa may Tarlac, naaksidente din po kami doon. Tatlong linggong rin po ako nagpagaling.”

Kung saan-saang malalayong lugar na raw sila nakarating: sa Panguan Island, na nasa Tawi-Tawi at nasa boundary na ng Malaysia; Bangsi, na nasa Palawan at boundary rin ng Malaysia; at Suluan Island sa dulo ng Samar.

Hayag niya, isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming nanonood sa kanyang videos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mga areas na iyon, hindi masyadong napupuntahan ng mga vlogger dahil na sa hirap ng biyahe, sa mahal ng gastos, saka, siyempre, sa layo. So doon na yung interes na maipakita namin yung lugar na iyon. Wala na kami sa kinikita.

“’Yung nagpu-push na lang talaga sa amin ay yung kagustuhan na makita yung lugar na nasa bandang iyon ng Pilipinas.”

At dahil delikado rin ang kanilang ginagawa, nagdesisyon si Joseph na mag-upgrade na ng sasakyan.

Mula sa motorsiklo, nag-invest siya sa four wheels.

“So ngayon, nakakapag-off road na rin kami. Natatawid namin yung mga bundok na wala pang magandang kalsada. Kaya lumalayo kami ngayon.”

Read: Can ambulance use EDSA Busway during non-emergency situations?

HOW VLOGGING CHANGED HIS LIFE

Malaki ang ibinago ng buhay ni Joseph dahil sa kanyang pagiging travel vlogger.

Una, nadiskubre niya ang kanyang mga puwedeng gawin hindi lamang bilang isang videographer.

“Yung mga nakakasama, nakakasalubong kami sa mga pinupuntahan naming lugar, nakikilala na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dati hindi kami masyadong pinapansin noon. Tawag sa akin sa palengke or sa mall, ‘’Toy, Utoy.’ Pero ngayon, mas tinatawag ng, ‘Sir, Boss.’”

Kuwento pa ni Joseph, marami raw mga personalidad at brands ang nais makipag-collab at kumukuha sa kanya para mag-promote.

Malaking pagkakataon iyon para sa kanya, subalit hindi lahat ay tinatanggap ni Joseph.

Paliwanag niya: “Pero bihira lang din kami tumanggap kasi nasasakripisyo yung quality nung video pag halimbawang nahaluan ng produkto. Kailangan mong isingit yun. Kailangan mong ipakita na merong ganitong produkto. Kailangan mong ibenta yung produkto.

“So sabi ko hangga't kaya ko gagawa ng video na galing sa sarili naming kita.

“Kaya napapansin ng ilan, bibihira lang kami mag-promote o walang gaano produktong nakikita sa channel namin.”

Batay raw ito sa sarili niyang karanasan.

“May mga tinanggap ako dati, pero sabi ko naaapektuhan kasi yung distribution ng video.

"So instead na makukuwento mo nang maayos, nalilimitahan dahil nga kailangan mong maglaan ng oras para sa produkto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad pa ni Joseph, ang ginagastos nila sa kanilang mga paglalakbay at iba pang expenses ay mula sa kinikinita nila bilang content creators.

“So sa ngayon po, medyo malaki yung kinikita namin. Yun nga lang, napupunta din siya sa gastos sa travel kasi dati maliit ang kita, pero maliit din yung gastos kase hindi siya gaano malayo. Saka yung production, hindi naman ganun ka-solid.

“Pero ngayon, ultimo yung pamasahe nung roro, dahil pick-up [truck] na yung gamit namin, medyo mahal na rin. Kaya ganun din, malaki yung kita, malaki yung gastos.”

Malaki rin daw ang gastos nila pagdating sa mga equipment dahil nag-i-invest talaga sila sa magagandang gamit.

Ibinahagi rin ni Joseph sa PEP ang ilang mga naipundar niyang ari-arian mula sa vlogging.

“Sa ngayon kasi nagfo-focus din kami sa pag-acquire ng mga property. Halimbawa na lang sa lupa, kasi yun yung sa tingin ko, mura pa dito sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakabili na rin kami dito ng mga lupa. Dati, nagbu-book ng mga hotel para makapag-edit, makapag-focus.

“Pero ngayon, imbes na mag-book sa mga hotel, gumawa na lang ako ng farmhouse dun sa isang lote namin para doon na makapag-edit nang walang bayad.

“Kaya meron kami dun maliit na calamansi farm tapos nagpatayo ako dun ng bahay.

“Tapos meron pa kami ditong bahay. Tapos yun, meron pang mga ibang maliliit na lote.”

Ilang lote mayroon si Joseph?

“Siguro, tatlo pa lang,” sagot niya.

Joseph Pasalo, farmhouse
Joseph says he sometimes feels burned out because of the demanding work as a vlogger. However, he sees himself doing this for a long time..
Photo/s: Joseph Pasalo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHALLENGES

Hindi raw madali ang pagiging vlogger.

“Sa akin yung challenges na yun, yung burnout.

“Nitong mga nakaraang buwan, halimbawa nung November, December, hindi talaga ako nakapag-video, napakapag-edit kasi sobrang napagod.

“Yung isip ko, kakaisip, kakagawa nung mga huling video. Kasi habang nag-e-edit, iniisip ko kung paano mas mapapaganda yung story.

"So doon pa lang talagang nakakaubos ng enerhiya. Kahit nakaupo lang, nakatingin lang doon sa mga files, nakakaubos din ng lakas.

“So doon, nagpahinga ako ng isang buwan para mare-refresh naman.

“Akala nga ng tao, may nangyari sa akin. Kasi marami ang nagme-message, ‘Seph, kumusta na? Ba't wala ka nang bagong upload?’

“Then netong January, doon ginulat ko naman sila na nag-upload kami ng video doon sa Palawan.”

GOOD SIDEs, BAD SIDEs

Napag-usapan din sa panayam kay Joseph ang good at bad sides pagdating sa mga natatanggap niyang komento mula sa netizens.

“Minsan yung tinitira na lang yung mukha ko. Sabi nila, ‘Wag mo na i-focus yung mukha mo doon sa camera kasi ganito, ganyan.’ Tapos sabi nila, ‘May pera ka naman, ipaayos mo naman yung mukha mo…’ ganyan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero malaking compliment daw sa kanya na marami ang nabibilib sa kanyang mga videos.

“Minsan kinukumpara doon sa mga malaking network. Yun talaga yung tumatatak sa akin. Kasi sasabihin nila doon, parang ganitong channel, parang ganitong show, nadaig pa yung ganitong show.

“Pero hindi ko naman yun inilalagay sa ulo ko kasi sobrang layo pa namin kung ikukumpara doon sa mga nababanggit nila."

May pagod at may pagkakataong naba-burn out si Joseph, pero nakikita raw niya ang sarili na ginagawa ito sa mga susunod pang panahon.

“Nakikita ko yung sarili ko na nagpupunta na sa iba't ibang lugar. Hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa iba't ibang parte ng mundo.

“Kasi yun nga, inihahanda ko na yung channel ko para sa mas malaking, coverage, mas malaking viewers pa.

“'Yung target namin, makapag-international na rin. Kasi darating yung panahon na mauubos na namin ang mapupuntahan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya iyon, nakikita ko rin na pupuntahan namin yung mga pinupuntahan ngayon ng mga sikat na vlogger.

“Kaya dati, walang mga subtitle yung videos ko. Pero ngayon, nilalagyan ko na ng subtitle kasi hindi na lang pala mga Pilipino yung nanonood sa amin, pati mga ibang lahi.

“Minsan napapansin mo sa comment, watching from ganitong bansa. Minsan nagpapasalamat, may nagbibigay, may nagse-send ng mga dollars kasi nagpapasalamat sila na naiintindihan na raw nila yung video. May subtitle na.

"So mas naintindihan nila kung ano yung meron dito sa part na iyon ng Pilipinas."

Joseph Pasalo falls
"Be consistent," advises Joseph for aspiring content creators. Diyan kasi nagkakamali 'yung iba kasi 'pag nakita nila, ‘Ha, walang masyadong nanonood.’ So napapagod na sila, nag-stop na sila. So be consistent lang."
Photo/s: Joseph Pasalo on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang panghuli, hiningan ng payo si Joseph para sa mga nais pasukin ang vlogging.

“Maging consistent lang sa pag-a-upload. Diyan kasi nagkakamali yung iba kasi pag nakita nila, ‘Ha, walang masyadong nanonood.’ So napapagod na sila, nag-stop na sila. So be consistent lang.

“Upload lang nang upload. Improve yung mga content na ginagawa kasi ngayon kasi pabor na si YouTube hindi sa mga channel na may malalaking subscriber, kundi sa mga YouTuber na gumagawa talaga ng quality content.

“So mapapansin niyo, minsan nasa 20,000-10,000 subscribers pero ang lalaki ng views. Kasi nga, yung production, kuwento, nakikita na iyan, binabasa na iyan ni YouTube.”

Ang mga biyahe niy Joseph ay maganda para sa turismo ng Pilipinas at sa propesyon niya bilang vlogger.

Patunay ang mga lugar na napupuntahan niya na napakaganda ng bansa.

At sa panahong napakaraming nagsusulputang content creators, patunay ang kanyang mga videos na "content is king."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joseph Pasalo, also known as SEFTV, has more than three million subscribers on YouTube and Facebook. His travel vlogs generate hundreds of thousands to millions of views. He has successfully established himself as a travel vlogger, but it wasn’t an easy journey. Joseph shares how he achieved success.
PHOTO/S: Joseph Pasalo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results