Pinarangalan ang veteran Filipino journalist na si Cherie Lei Mercado-Santos ng Excellence in Media Award sa ginanap na 2025 Golden Balangay Awards (GBA) last September 20, sa Ottawa, Canada.
Kilala siya sa Pilipinas bilang Cherie Mercado.

Ang GBA ay isa sa most prestigious platforms na nagbibigay-parangal sa pambihirang achievements ng mga Filipino-Canadians.
Itinatag ito noong 2017 bilang pagkilala sa husay at kontribusyon ng mga Pilipino sa larangan ng media, arts, entrepreneurship, education, public service, and community building sa Canada.
Read: 10 Filipino celebrities now living in Canada
WHO IS CHERIE MERCADO?
Mahigit tatlong dekada na si Cherie sa pamamahayag.
Naging bahagi siya ng malalaking networks sa Pilipinas gaya ng GMA-7, ABS-CBN, TV5, at CNN Philippines.
Naging asssistant secretary and spokesperson din siya ng Department of Transportation.
Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy niya ang misyon sa pamamahayag sa Canada sa pamamagitan ng FilipinoTV (FTV)—ang largest repository ng Filipino-Canadian content.

Sa FTV, nagpo-produce at nagho-host si Cherie ng shows na naghahatid ng mga relevant information sa mga migranteng Pilipino.
Kabilang dito ang Thrive in Canada, na nagpapakita ng vital community services and resources para sa mga bagong salta sa Canada.
Siya rin ang nasa likod ng Cherie Mercado Podcast, isang safe space para sa mga Pilipinong nagbabahagi ng kanilang journeys na nagbibigay ng inspirasyon sa iba.
Hinawakan din niya ang The Hub Daily, isang daily roundup ng current events.
Ipinasa naman niyang ang show na Immigration 101 sa kanyang lawyer partner para makapag-focus sa mga creative projects.
Naging tampok din si Cherie sa pelikulang Tingga and Kahel.
Para mas mahasa ang kanyang expertise sa media production, nakumpleto ni Cherie, with honors, ang Advanced Television and Film Studies sa Canada.
Kinilala rin siya ng Integrated Filipino Canadian Nurses Association (IFCNA) dahil sa pagpapalakas sa tinig ng internationally educated nurses at pagpapatibay sa kanilang connections sa healthcare community.
Read: 15 TV news reporters with controversial network transfers
CHERIE MERCADO SAYS JOURNALISM MUST UPLIFT, UNITE, AND BRIDGE DIVIDES
Sa kanyang acceptance speech ay nagbalik-tanaw si Cherie sa kanyang mga pinagdaanan bilang mamahayag.
“Covering countless tragedies, political upheavals, dodging bullets in insurgency wars, experiencing sexual harassment, and being belittled for being a woman, being short, being brown.
“I was cursed and threatened for returning a thick wad of cash from a powerful politician.
“All those times, my conscience kept me rooted.
“Journalism has taken me from interviewing world leaders to telling the stories of the muted and unheard.”
Pinasalamatan niya ang FilipinoTV sa pagiging purist sa misyon nitong matapat na maiangat ang kalagayan ng mga Pilipino sa Canada.
“Thank you to Canada for welcoming people like me.
“Filipinos give back many times over, to honor the home we’ve been given here.
“And to the Golden Balangay Awards, you recognized not just me, but a kind of journalism that seeks to uplift, unite, and bridge divides.”
