PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hannah Krystelle Caintic wins gold at WorldSkills ASEAN Manila

"Best of the nation" in graphic design technoloy.
by KC Cordero
Published Sep 5, 2025
Hannah Krystelle Caintic holding the Philippine flag
Nakatanggap si Hannah Krystelle Caintic ng PHP100,000 mula sa TESDA matapos itanghal na gold medalist sa WorldSkills ASEAN Manila 2025. (Photo: TESDA-NCR Facebook)

Nagwagi ng gold medal si Hannah Krystelle Caintic, 20, sa ginanap na WorldSkills ASEAN Manila 2025.

Ibinahagi ito ng official Facebook page ng TESDA-National Capital Region last August 30, 2025.

Ang kumpetisyon ay ginanap mula August 25-30, 2025, sa World Trade Center Metro Manila at sa Philippine Trade Training Center sa Pasay City.

Si Hannah ang kinatawan ng Pilipinas sa Graphic Design Technology category.

Hannah Krystelle Caintic holding her gold medal
Si Hannah Krystelle Caintic at ang kanyang gold medal. Photo: Robert Alfiler, PNA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang WorldSkills ASEAN ay isang biennial competition para sa mga magagaling na young technical and vocational talents mula sa ASEAN member countries at Timor-Leste.

Layunin nitong maitaas ang skills standards sa global levels, mai-promote ang innovation, at ma-inspire ang mga kabataan na sumailalim sa technical vocational education and training (TVET).

Tampok sa kumpetisyon ang pagpapakita ng mga kalahok ng kanilang expertise sa iba’t ibang skill areas, “contributing to the shared vision of human capital development for inclusive growth and sustainable development in Southeast Asia.”

Read: Daughter uses a month’s salary to grant dad’s dream hotel stay

GET TO KNOW HANNAH KRYSTELLE CAINTIC

Sa panayam kay Hannah ng Philippine News Agency last September 4, ibinahagi niyang ang kanyang pangarap ay maging flight attendant.

Gusto niyang makarating sa iba’t ibang bansa.

Nag-enroll siya ng kursong Bachelor of Science in Tourism noong isang taon.

Dahil sa problemang pinansiyal, napilitan siyang huminto makalipas lang ang isang semester.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May uncle si Hannah na isang video editor.

Hangang-hanga siya sa mga gawa nito, at na-inspire siyang sundan ang mga yapak nito.

Nagdesisyon si Hannah na mag-enroll sa libreng graphic design course mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Read: Working mom passes civil engineering board exam after 11 tries

MENTORS SAW HANNAH KRYSTELLE CAINTIC’S POTENTIAL

Nakita ng mga mentor ni Hannah sa TESDA ang kanyang potential sa video editing.

Last August 2024, inilahok siya ng mga ito sa Philippine National Skills Competition na idinaos sa World Trade Center.

Nakuha ni Hannah ang pinakamataas na score sa competition.

Dahil sa ipinakita niyang galing sa video editing, tinagurian siyang "best of the nation."

Hinikayat siya ng kanyang mentors na maging kinatawan ng Pilipinas sa WorldSkills ASEAN Manila para sa Graphic Design Technology category ngayong taon.

At nasungkit niya ang gold medal laban sa 12 contestants.

Read: YouTuber converts Fiat Panda into slim, one-seater electric car

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HANNAH KRYSTELLE on THE COMPETITION

Ibinahagi ni Hanna na bago siya sumabak sa kumpetisyon ay sumailalim siya sa three-week rigorous training.

Tiwala naman umano siya sa kapasidad niyang manalo sa kumpetisyon.

"As they say, if you want to become a winner, think and act like a winner."

Inilarawan niya ang labanan sa WorldSkills ASEAN bilang napakahigpit at napakahirap.

"The competition also focused on our weaknesses. Example is the technical aspect. Did we use the right spacing in texts?"

Hannah Krystelle Caintic with her mentor
Si Hannah Krystelle Caintic kasama ang kanyang mentor na si Chief Expert Demetrio C. Pable Jr. Photo: TESDA-NCR Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabuuan ng tatlong araw na kumpetisyon, ang mga kalahok sa Graphic Design category ay binigyan ng iba’t ibang tasks.

Kabilang dito ang paggawa ng logo at pagdidisenyo ng brochure at packaging.

Sa paggawa ng logo, ibinahagi ni Hannah na tinitingnan ng judges kung ang gawa ng participant ay nagpapahayag ng mensahe na nais na ipaabot, halimbawa, ng isang brand.

Iba’t ibang disenyo ang ginawa ng mga kalahok kada araw.

Ang mga experts naman mula sa iba’t ibang ASEAN countries ang nagsisilbing judge.

Aminado si Hannah na na-overwhelm siya nang malamang kalahok siya sa ASEAN competition.

At the same time, nakaramdam siya ng excitement na matuto ng mga bagong kaalaman at makisalamuha sa kinatawan ng ibang bansa.

"The experience also taught time management and how to work fast without reducing the quality."

Read: Teen turns mom's Christmas gift into PHP1M-monthly business

WHAT’S NEXT FOR HANNAH KRYSTELLE CAINTIC?

Sa kanyang panalo, nakatanggap si Hannah ng PHP100,000 mula sa TESDA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong November, lalahok naman siya sa WorldSkills Asia na idaraos sa Taipei.

Sa bawat kumpetisyong nilalahukan, pampatanggal niya ng stress ang paglalaro ng mobile games at pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan.

Plano pa rin niyang makabalik sa kolehiyo at kumuha ng Multimedia Arts.

Maghahanap siya ng part-time job para matustusan ang pag-aaral.

Dahil sa kanyang naging experience sa TESDA, sinabi niyang maraming hatid na oportunidad ang tech-voc education, at hindi ito dapat maliitin.

Payo niya sa mga kabataang tulad niya: "Find ways to thrive. Find opportunities where you want to succeed.

“Rest, but don't give up."

Read: YouTuber highlights unbelievably pointed chin in viral videos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatanggap si Hannah Krystelle Caintic ng PHP100,000 mula sa TESDA matapos itanghal na gold medalist sa WorldSkills ASEAN Manila 2025. (Photo: TESDA-NCR Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results