May kasabihang, “Love moves in mysterious ways.”
Minsan sumusulpot ito nang hindi inaasahan, at hindi malalaman kung kailan at kung sino ang tatamaan ni Kupido.
Gaya ng love story ni David Martinsson, isang YouTube content creator na natagpuan ang pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon.
Taong 2018, gumawa ng video ang Swedish YouTuber na may titulong, “Being Ugly: My Experience.”
Tungkol ito sa pang-aalipustang naranasan ni David buong buhay niya dahil sa kanyang itsura.
Hindi niya aakalaing magba-viral ang video at magiging sagot pala sa kanyang panalangin.
Read: Sleeping Prince ng Saudi Arabia, pumanaw na matapos ma-coma sa loob ng 20 taon
YOUTUBER'S VIRAL VIDEO ABOUT BEING UGLY
January 26, 2018, nang i-post ni David ang kanyang halos 24-minute video.
Inamin niyang nakainom siya at nais niyang maglabas ng mga hinaing.
“I’m feeling down. I’m feeling extremely down. It’s because my entire life, I’ve been treated quite bad. I feel really alone,” saad niya.
Inisa-isa niya ang pisikal niyang kapintasan—dahilan para maging “unattractive" siya.
Aniya, “My teeth are f*cked up, and I’m pushing my jaw all the time.”
Lawlaw raw ang balat niya sa baba, malapad ang noo, pangit ang posture, malaki ang ilong, at hindi pantay ang labi.
“I do not look good. I never had in my entire life had anyone telling me I look good,” hayag niya.
Simula pagkabata, hirap daw siyang makahanap ng kaibigan. Lagi raw siyang pinipintasan at iniiwasan ng iba.
Nung nagkaroon siya ng mga kaibigan, sila pa raw mismo ang tumatawag sa kanya ng “ugly.”

Nung siya ay 15 years old, nagka-interes siya sa babae.
Lahat na raw ng babaeng nakilala niya ay sinulatan niya, pero walang nagkagusto sa kanya.
“The amount of people who rejected me is astonishing, unexplainable.”
Pati raw ang mga babaeng may pisikal na kapansanan at yung mga may kapintasan din, pare-pareho ang sagot sa kanya.
“Every single one called me ugly, ‘You’re not my type. You’re ugly.’ That’s something I heard a lot.”
May nakarelasyon daw siyang babae sa loob ng pitong taon, pero minaltrato siya nito.
“She called me ugly. She forced me to walk 5-10 meters behind her. She never [held] my hand. She never kissed me. She never did anything to show appreciation of me. She just simply used me.”
At ang pinakamasakit daw na sinabi sa kanya: “You are unlovable.”
Marami pang ikinuwento si David tungkol sa kanyang sinapit na trauma.
Gumawa rin siya ng algorithm sa isang dating site na magpapakita ng kanyang interes sa 6,000 girls na na-view niya, pero ni isa ay walang sumagot.
Kaya naisip na raw niyang sumailalim sa plastic surgery para ayusin ang kanyang mukha.
Read: CEO's wife deletes social media after viral kiss cam moment
A WOMAN NAMED JULI
At press time, ang video na iyon ni David ay umabot ng 25 million views at 1.3 million likes.
May isang komento na bumago sa kanyang buhay.
Sa comments section, isang babae na may handle na Juli.Romina.M. ang nag-iwan ng mensahe apat na taon makalipas i-post ang video.
Aniya, “I actually think you're kinda cute tbh. I mean it."

Ang komentong ito ay naka-pin sa YouTube video.
May sumunod pang komento si Juli. Mga sagot ito sa tanong ng iba pang netizens.
Pero ang buod: Nakatuluyan niya si David.
Isang reply ni Juli (published as is): “1 year later I'm his wife”

Heto pa ang reply niya sa isang netizen: “Short after the wedding I remembered the first comment I ever made to him on his channel. little did I know that the guy that popped up on my YouTube recommended and I thought he was very cute was going to be my husband. Funny how destiny works.”

DAVID AND HIS WIFE
Noong June 2024, gumawa ng isa pang video si David na may titulong, “Unattractive But Married: My Experience.”
Inilahad niya rito ang unang beses ng pagkikita nila ni Juli nang dumating ito sa Sweden. Si Juli ay isang Argentinian.
“When we first met at the airport, I was so worried that she would have a different view of me," pag-amin ni David.
“But the first thing she did was run and hug me, and kiss me."
Dugtong niya ukol sa misis, “My wife never shows unhappiness with me.
“In the morning, when we wake up next to each other, she looks me in the eyes, and we kiss, and I see a big smile in her face.
“Every time I look in her eyes I don’t see or sense unhappiness with me.”
Sa kabila nito, inamin ni David na hindi pa tuluyang natatanggal ang kanyang insecurity.
“I can’t help but feel a form of insecurity,” pag-amin niya. “It’s like trauma. It’s always there, in a way.”
At noong magiging tatay na si David, may pangamba siyang baka maging kamukha niya ang anak.

UPDATE ON DAVID
Sa mga next videos ni David, kabilang ang mga recent uploads, ang content ay tungkol sa journey ng kanilang pamilya—mula sa mga trips hanggang sa pagbubuntis ni Juli.
Batay sa TikTok ni Juli, nanganak siya noong December 2024.
Ang pinakahuling post niya ay noong May 2, 2025.
Binanggit niya ritong matapos manganak ay sumailalim siya sa surgery dahil sa kumplikasyon.
Nagkaroon din sila ng problema sa ospital sangkot ang isang nurse, subalit kalaunan ay naresolba rin ito.
Ang focus nila ni David ngayon ay ang anak nilang si Stella.
Nito lamang June 2025 ay may post si Juli na nagpunta siya sa isang festival kasama si David at ang anak nilang nakasakay sa stroller.

