Noong mag-aaral na si Grace Tamayo sa kolehiyo, mataman siyang naglimi kung anong kurso ang kukunin.
Na-realize niyang kulang sa nurses ang Pilipinas.
Nag-enroll si Grace ng Bachelor of Science in Nursing sa Colegio de Sta. Lourdes of Akeyte Foundation, Inc. sa Tabontabon, Leyte.

Nagtapos siya noong Agosto 2024 bilang Cum Laude.
Top 10 naman siya sa May 2025 Philippine Nurses Licensure Examination.
Nakakuha siya ng rating na 88 percent.
Read: Carlos Miguel Mariano: Top 1, civil engineers licensure exam
GRACE TAMAYO’S FIRST CHOICE IS CRIMINOLOGY
Nakapanayam si Grace ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong May 19, 2025 via Facebook Messenger.
Taga-Burauen, Leyte, ang 22-year-old topnotcher ay panganay sa limang magkakapatid.
Pagbabahagi ni Grace, naramdaman niyang nursing ang kursong akma para sa kanya.
“I contemplate very well during the pandemic po, and na-realize ko po na kulang talaga tayo ng nurses.”

Aminado siyang hindi ito ang una niyang pangarap.
“My first choice was Bachelor of Science in Criminology, pero parang hindi po umaayon yung panahon.”
Bukod aniya sa kadahilanang iyon, “And hindi ako nakakatanggap ng malaking support from my family kasi parang hindi yun ang gusto nila para sa akin.”
Read: Mom and son receive master’s degrees together on same day
GRACE TAMAYO’S REASON WHY SHE ALWAYS GIVE HER BEST
Candid na ibinahagi ni Grace ang kanyang family situation.
“Lumaki akong di kasama ang mama at papa ko. May kanya-kanya na silang pamilya at hindi kami masyadong nagkikita ni Mama.
“Yung papa ko naman, eh, hindi ko nami-meet since may conflict sa family ko—sa side ni Mama—at sa kanya.”
Dahil doon, growing up ay may mga pinagdaanan si Grace.
“Mahirap, kasi minsan naiinggit ako sa mga kabataang may mga magulang sa kanilang tabi.
“Even to have a communication with my papa is an issue and a big deal to everyone.”
Pag-amin ni Grace: “Masakit sa part ko kasi wala naman akong sama ng loob sa kanya at napatawad ko na siya sa mga nangyari sa past.
“And since I don't want my family na sumama yung loob sa akin, umiiwas na lang ako sa papa ko.”
Sa kabila nito, naging matatag at determinado si Grace.
“Even if I am carrying that heaviness within me, never siya naging hadlang para galingan ko ang best ko sa lahat ng aking ginagawa.”
Read: Jayvee Fuentebella: Top 1, Electronics Technician Licensure Exam
FOR GRACE TAMAYO, DISCIPLINE IS THE KEY
Sa kolehiyo, sobra ang naging focus ni Grace sa pag-aaral.
“May it be extracurricular activities or academics.
“I always make sure to manage my time very well and to have self-discipline.”
Ang pagiging disiplinado ang kanyang naging mantra.
“Kasi alam ko sa sarili ko na kung wala akong disiplina at gagawin ko lang lahat ng gusto kong gawin without limits, hindi magiging maganda ang buhay ko.”
Ang isa pang positive trait niya: “Lagi ko pong nilo-look forward ang future before I make decisions and do a thing.
“Optimistic kumbaga.”
Read: Ina Desiree Mamauag, Top 10 in physician's board exam amid family tragedy
GRACE TAMAYO ADMITS NURSING BOARD EXAM IS TOUGH
Paghahanda sa kanyang mga kailangan ang major challenge para kay Grace nang kukuha na siya ng board exam.
“Like my food, uniforms, and other stuff.
“Kasi walang tumutulong sa akin since I lived In Tacloban City nang mag-isa just to focus po sa review ko, and my review center is in Tacloban.
Nang kumustahin tungkol sa mga naranasan sa mismong board exam, pag-amin niya: “Opo, sobrang nahirapan ako sa exam—lalo na sa first day.
“I even thought that I wouldn't pass the exam kasi nahirapan po ako.”
Sumagi ba sa isipan ni Grace na mag-topnotcher nang kumuha ng board exam?
Sabi niya: “Hindi po ako umasa na mag-top and di ako gaanong nangarap na maging topnotcher kasi yung sa akin lang naman is pumasa, and I required myself to pass.
“Bawal mag-fail.”
May dahilan din kung bakit hindi na siya naghangad na maging topnotcher.
“Hindi ko iniisip na kailangan kong mag-top kasi madadagdagan yung pressure na napi-feel ko from my school, family, and friends.
“Since I graduated cum laude, malaki talaga yung expectation sa akin.”
Read: Lucy Guo: College dropout, youngest self-made woman billionaire
GRACE TAMAYO UPON LEARNING SHE’S A TOPNOTCHER: “SOBRANG SAYA KO!
Gayunpaman, hindi naiwasang anihin ni Grace ang bunga ng kanyang mga pagpupunyagi, at nakabilang siya sa topnotchers.
“The feeling was surreal. Binasa ko pa nang paulit-ulit yung pangalan ko sa Top 10 kasi di ako makapaniwala na ako iyon.
“Sobrang saya ko! Ang sarap sa pakiramdam na nagbunga lahat ng pagod, gutom at puyat.”
Inisa-isa ni Grace ang mga pinag-alayan niya ng tagumpay: “Kay Mama Lita, Ate Jad, Mama Jacky, Papa Eddie, Kuya Jordan, Kuya Sandy; at sa mga kapatid kong sina Chowey, Alyssa, Nene, and Coco.
“Sa mga relatives ko especially Peliño family, sa mga kaibigan ko—at sa isa mga inspirations ko—ang boyfriend kong si Glenn who is a seafarer.”
Read: John Michael Bundalian Amio: Top 1 in criminology board exam
GRACE TAMAYO PLANS TO WORK IN GOVERNMENT HOSPITAL
Sa ngayon, kabilang na si Grace sa faculty ng kolehiyo kung saan siya nagtapos.
“I will start teaching first week of June, upon my return in Leyte.”
Planado na rin niya ang magiging career: “After my one year of giving back, or service, to my alma mater, I am planning to work po sa government hospital.
“And looking forward to have further studies.”

Ang payo niya sa mga kabataang gusto ring maging nurse: “Pag-isipan nilang mabuti kung kaya nila physically, emotionally, mentally, and financially ang pagkuha ng course na nursing kasi hindi ito madali.
“Kailangang malakas ka physically kasi kung sakitin ka, mahihirapan ka sa nursing dahil laging puyat at pagod, lalo na pag may hospital duties.
“Dapat malakas ang loob mo at kaya mong makipag-deal sa iba’t ibang uri ng tao since we are serving people with different races which is sometimes hard to handle.”
Kailangan din aniyang maghanda para sa gastusin.
“Nursing is expensive. Maraming uniforms, book, malaki ‘yung Related Learning Experience [RLE] fees, mahal yung mga gamit na kailangang i-provide for internships.”
Paalala niya sa mga future nursing students, para hindi mahirapan sa gastusin ay mag-avail ng scholarship grants.
“If you are a non-scholar, malaki talaga yung tuition fee po.”
Read: Meet Isabella Martinez: Civil engineering board topnotcher
