PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Life story of Apple Certeza: Labandera’s daughter who dreamed big

Hard work pays off!
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Apr 15, 2025
Evelyn Apple Certeza, once the daughter of a struggling laundress, overcame immense hardships to become a successful businesswoman and change the fate of her family.
Evelyn Apple Certeza, daughter of a struggling laundrywoman, overcame immense hardships to become a successful businesswoman and improve the life of her family.
PHOTO/S: Evelyn Apple Certeza

Ang umaayaw ay hindi nagwawagi at ang nagwawagi ay ang hindi umaayaw.

Ito ang paniniwala ni Evelyn Apple Certeza, 50, na naiangat ang kanyang sarili at buong pamilya sa kahirapan.

Si Apple ay panganay na anak ng noo’y nag-viral na labanderang nakapagpatapos ng anim na anak.

Isa siyang successful businesswoman at kilala sa bansag na “Sexing Tindera” ng online shop na Apple’s Branded Stuff.

Sa face-to-face interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong March 28, 2025, ibinahagi ni Apple na puno man ng pagsubok ang kanyang buhay, ni minsan ay hindi niya naisip sumuko.

Nagsumikap siya dahil sa pagnanais na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya.

Aniya, “Ayokong maranasan ulit yung dating naranasan ko.

"Bata pa lang ako, nakikita ko yung hirap ng magulang ko. Sabi ko sa sarili ko, ‘Tama na. Ayoko na.’

"Gusto ko, pagtanda ko, matulungan ko yung mga kapatid ko. Ayoko na ng ganun na utusan. Ayoko ng ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Panganay na kapatid talaga ang mag-u-umpisa.”

Dagdag pa niya, “Sabi ko lagi sa sarili ko, ‘I want to make sure na pag nagkaroon ako ng sariling pamilya, maipunta ko sila sa magandang eskwelahan, mapag-aral.'

"At the same time, tipong kung ano yung gusto naming kainin, kung anong restaurant ang gusto ko, yung tipong kaya ko nang bilhin yung gusto ng mga anak ko.

"Ang hirap kasi nung dati na kapag may gusto ako, hindi ko makuha. Ang sakit sa dibdib.

"E, ngayon, nung nagkaroon na ako, kahit papaano, nabibili ko na yung gusto ko, yung gusto ng mga anak ko, tapos natulungan ko rin yung mga kapatid ko, napag-aral ko rin.”

Evelyn Apple Certeza, once the daughter of a struggling laundress, overcame immense hardships to become a successful businesswoman and change the fate of her family.
Apple with her son Huey at the World Bazaar Festival in 2024.
Photo/s: Evelyn Apple Certeza
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FROM LABANDERA'S DAUGHTER TO BREADWINNER

Matalino at masipag si Apple.

Siya ay working student na nakatanggap ng iba-ibang scholarship at financial assistance.

Nagtapos si Apple sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Filipino sa National Teachers College noong 1995.

Nung naging isa na siyang guro, unti-unting naramdaman ni Apple ang paglapit niya sa tagumpay.

Pero alam niyang hindi sapat ang kanyang suweldo sa pangangailangan ng buong pamilya.

Kuwento niya, “Nagturo ako sa University Perpetual Help System- Molino Bacoor Campus noong 2003.

"Nagturo rin ako sa PSTC, Philippine Science and Technology Center - Niog Bacoor Cavite, college naman yun, noong 1999.

"Pero sobrang hindi ko kaya kasi sobrang, hindi naman sobrang baba ang suweldo, pero siyempre kailangan nating mas malaki ang sahod.”

Gustong matulungan ni Apple ang kanyang ina sa pagpapaaral ng lima niyang kapatid kaya nagdesisyon siyang subukan ang kapalaran abroad.

Nagtungo siya sa Dubai noong 2000 at nagtrabaho bilang sales staff.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong mga panahong yun, isa na siyang ina.

Paglalahad niya, “Siyempre kailangan ko rin tulungan ang mga kapatid ko, magulang ko, panganay ako, e.

"So kailangan kapag panganay, hindi lang naman mga anak ko.

"So ngayon, nung nandun ako sa Dubai, kahit papaano, nabigyan ko ng konti ang mga kapatid ko."

Pero pag-amin ni Apple, hindi madali ang mawalay sa pamilya. "[Nung] mga time na yun na sobrang homesick, hindi ko na kaya.”

Dahil sa labis na pangungulila, muling bumalik si Apple sa Pilipinas.

finding work after stint abroad

Ang una niyang naisip ay gamitin ang kanyang pinag-aralan, pero hindi nasunod ang planong ito.

Aniya, “So yun, bumalik na ako rito sa Pilipinas, at the same time, siguro sabi ko it's about time na yung profession ko naman, ang aking pagiging teacher.

"Pero nung dumating ako, hindi pala teacher na magiging ano ko, nag-call center ako.

"Kasi yung mga call center na yun, aminin na natin, kasi nung mga time na yun, mamili ka between teacher at call center, mas malaki ang suweldo ng call center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi during that time, grabe pag call center ka, malaki ang sahod.”

Sa kanyang pamamasukan sa call center, dito na naisip ni Apple ang pagsa-sideline.

At dahil may experience na siya sa pagha-handle ng mga branded items, isa ang pagbebenta sa naisip niyang raket.

Pero naghanap pa siya ng ibang sources of income.

“Tuwing may bazaar sa call center, sumasali ako.

"So maliban sa mga bazaar ng mga tinda, nagpautang din ako, yung mga lending. Kaya ang buong [workforce], mostly ng mga taga-call center, mga suki ko yun,” sabi niya.

Maliban sa pagiging call-center agent, tindera, at lender, pinasok din ni Apple ang pagiging loan agent sa isang bank.

“Imaginine mo na lang yung raket ko noon. Sabay-sabay talaga. So loan agent, lending na ATM lending, call center, nagtitinda ako ng mga Lacoste, ng mga branded items. So imagine mo kung gaano ang raket ko noon,” pagbabalik-tanaw niya.

Ang lahat ng ito ay para raw masuportahan ni Apple ang kanyang mga kapatid, magulang, at ang noo’y dalawa na niyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko sa sarili ko, ayoko na ako lang. Ayoko na ako lang yung aangat. Gusto ko, mula sa akin, aangat sila.

"Dahil sabi ko, itigil na yung ugat. Itigil na natin yung ugat ng pagiging labandera. Itigil na natin yung ugat ng pagiging utusan ng mga tao.

"Kaya ako sa sarili ko, panganay ako, I'll make it a point na hindi lang ako, mga anak ko, kundi mga kapatid ko rin. Doon na nag-umpisa.”

Nagtuluy-tuloy ang sabay-sabay na raket ni Apple hanggang sa isa-isa nang nakapagtapos ang kanyang mga kapatid at nakahanap ng magagandang trabaho.

Kasabay nito, napatayuan din niya ng isang 24-hour sari-sari store ang kanyang inang si Malou nang tumigil sa paglalabada.

In 2015, nagdesisyon si Apple na tumigil na sa pagraraket at nag-focus na lamang sa online selling.

Evelyn Apple Certeza, once the daughter of a struggling laundress, overcame immense hardships to become a successful businesswoman and change the fate of her family.
The Certezas (left to right): Jessieboy, Kino, Sheck, Mommy Malou, Isay, Apple, and Tina
Photo/s: Evelyn Apple Certeza
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

APPLE’S JOURNEY FROM BREAKDOWN TO BREAKTHROUGH

Nagbunga ang kanyang sipag.

“Dun din dumating yung punto na tatlo na yung sasakyan ko.

"Pero naman, mga time na iyan, tuwang-tuwa naman ako. Pag meron naman kasi ako, I make it a point na magbigay din."

Generous daw si Apple sa mga charity institutions na tinutulungan ng pinagtatrabahuang call center.

Nagbibigay rin siya sa mga donation drives para sa mga nasalanta ng bagyo at iba pang sakuna.

Ang naging downside ng sobra niyang pagtatrabaho ay nag-suffer ang kanyang kalusugan.

Dalawang beses siyang sumailalim sa thyroid surgery, noong 1996 at 2005; isang beses sa gallbladder surgery, noong 2012.

Aniya, “Nasakripisyo lahat. Sobra yung pagkakasakit ko. Lagi ako may sakit. Lagi na ako may sakit. Naoperahan na. Ilang beses ako naoperahan.

“Imagine mo, wala na akong tulog noon. Kasi papasok ako sa call center, pag-uwi ko, diretso ako ng Makati para i-submit yung mga application sa Chinatrust, yung mga naglo-loan,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bunga nito, naging mahirap din para kay Apple na balansehin ang pagiging isang ina, kapatid, manggagawa, at negosyante.

“Hindi ko na masyadong nakikita yung mga anak ko dahil kinakain na ng trabaho yung oras.

"Imagine mo, nagko-call center ako, may pa-lending ako, nagtitinda ako ng mga branded items, pinapahulugan ko sa opisina, may 24 hours na tindahan si Nanay, may Chinatrust ako. Imagine mo, limang raket. Hindi na ako natutulog na noon.”

May mga ventures din siyang hindi umubra.

Dumating nga sa puntong bumagsak ang kanyang negosyo nung sinubukan niyang mag-buy and sell.

Kuwento niya, “Yung tipong pinagawa ko itong bahay, ang balak ko kasi buy and sell. Yung tipong bago, e, kaso hindi nabenta.

"Doon ako bumagsak. Sabi ko, ‘Lord, paano na ito?’ Nagka-utang-utang ako. Nawala yung asawa ko. Basta lahat na yun. Sobra. As in, sobra."

Yun daw ang darkest period ng buhay niya. Muntik na siyang sumuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpa-psychiatrist pa ako noon kasi dahil sa sobrang depression. Dumating na sa puntong magpapakamatay na ako, e. Kasi sobra, as in.

"Ay, grabe, kasi di ba marami kang utang, hindi mo alam kung ano, tapos buntis ako nun. Bagsak talaga.”

Nung mga panahong ito, tanging ang Diyos at pamilya lamang daw ang kinapitan ni Apple.

“Nakabangon naman ako.

"Sa totoo lang, pag nag-pray ka talaga, pinakamabisang sandata yun. Ang bilis.

"Alam mo naniniwala ako sa himala. May miracle talaga.

"Imagine mo na lang, walang may trabaho sa amin. Nag-aaral mga anak ko. Tapos si Nanay, walang trabaho. Ako lang, di ba? Bakit kami nakakaraos? God will provide talaga.”

“Yung mga kapatid ko rin, sabi nila, ‘Ate nandito naman kami. Tutulungan ka namin.’

"Nung ako naman ang bagsak, tumulong naman sila. Nandun yung suporta, pamilya talaga, lahat, financial, emotional, lahat."

Pagdating naman daw sa kanyang mga naging business partners, lahat ay idinaan ni Apple sa mabuting pakikipag-usap:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pakiusap sa mga supplier, pakiusap sa mga nautangan ko. O, as in talagang pakiusapan lahat.

"Dapat hindi ka tatalikod sa anumang obligasyon mo. Kasi siguro, kasi nga, bata pa lang ako, lagi akong nandoon sa obligasyon ko na hindi ko tinatalikuran.

"Kaya nung bumagsak ako, hindi ko tinalikuran ng obligasyon ko. Hinarap ko.

"Pag hinarap mo yung obligasyon mo, dire-diretso na ulit, kasi magtitiwala sila ulit sa iyo. Kumbaga sabi ko, bumagsak man ako, bumalik pa rin yung tiwala, kasi pinakita ko na mapagkakatiwalaan nila ako.”

Sa kabila ng lahat, naiintindihan ni Apple na sadyang kailangan maranasan ng isang tao ang pagbagsak upang matuto sa buhay.

Paliwanag niya, “Talagang darating at darating sa time na babagsak at babagsak ka.

"Parte ng negosyo yun, kasi hindi ka magiging negosyante kung hindi ka bumagsak. Parte yun. Pag hindi ka kasi bumagsak, hindi ka matututo.”

Nakatulong din kay Apple ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi niya, “Grabe, grabe talaga ang hirap. Pero ako kasi, positive ako, e. Napaka-positive kong tao na tipong kung ano yung nangyayari, masama man, mabuti man, mayroong dahilan. May reason talaga.

"Pero I make it a point na laging nagpi-pray ako. Pag minsan mayroon akong mga time na tipong pag may kailangan akong gawin at hindi ko alam, humihingi ako ng sign.”

Ni minsan din, kahit pa sa mga panahong sinusubok ang kanyang tatag sa buhay, napanghihinaan siya ng loob, pero hindi niya inisip na talikuran na lamang ang mga problema.

“Walang tigilan. Lagi ko lang sinasabi kay Lord na lagi niya lang akong gabayan. Feeling ko ang lakas-lakas ko sa kanya.

"Ganun naman daw talaga, e, pag alam mo sa sarili mo na may ginawa ka.

"Good things happen to good people talaga. Kung mabait ka talagang tao, meron talagang return.

"The more you give, the more you receive,” aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Evelyn
Apple with her children (L-R): Raven, Huey, and Miggy.
Photo/s: Evelyn Apple Certeza

THE SINGLE MOM WHO NEVER GAVE UP

Dahil sa pagiging dedicated sa trabaho at pamilya, hindi na napagtuunan ng pansin ni Apple ang kanyang love life.

Kuwento niya, “Gusto kong bilang isang ate, gusto ko lahat umangat, hindi lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya siguro nasakripisyo rin yung love life ko. Kasi yun ang mahirap doon. Kasi you have to choose between love life at saka pamilya mo.

"Nakikita ng asawa mo na parang grabe yung responsibility mo. Hindi kasi, ano, hindi lang kasi, 'Ano ba, may pamilya ka na. Hindi lang pamilya mo, dapat kami na.'

"Kumbaga, medyo doon kami nag-ano, kasi nga hindi ko maiwan ang pamilya ko. Kaya sabi ko sa sarili ko, I'm willing to give up kung basta pamilya ko, pamilya ko.”

In the end, naging isang single mom si Apple at mag-isang itinaguyod ang kanyang tatlong anak na sina Miguel, Huey, at Raven—o tinatawag niyang Tres Miguelitos.

Kuwento ni Apple, hindi naman daw gaanong mahirap ang pagiging single mom dahil naisasama niya ang kanyang mga anak saan man siya magpunta.

Tumutulong pa nga raw ang mga ito noong nagtatrabaho siya bilang loan agent.

“Hindi naman ako masyadong nahirapan kasi nung mga time na yun, nandun na yung mga anak ko, tumutulong na sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tuwing mag-fa-flyering kami sa labas, kasama sila. Nag-fa-flyers sila, nagbibigay, pati sa mga parking, nag-iipit sila ng flyers.

"Kaya bata pa lang sila, namulat na sila na ganito pala yung pagnenegosyo,” aniya.

Overall, ang kuwento ni Apple ay patunay na ang tiyaga, sipag, at determinasyon ay may magandang patutunguhan.

Mahalaga rin na matutong maghintay dahil ang tagumpay ay hindi basta-bastang dumarating, ito ay pinaghihirapan.

Sa kanyang mga salita: “Pag mabilisan, madaling mawawala.”

May payo rin siya sa mga tulad niyang single moms:

“Sa mga single moms na katulad ko, wag kayong matakot.

"Kasi unang-una, nakikita naman ng Nasa Itaas iyan, e, kung gaano ka magsusumikap e. Wag na wag matatakot.

"Try lang, subok lang nang subok. Kasi once na gumive up ka, wala, hanggang doon ka na lang, e. Dapat subok lang.

"Ilang beses ka mang madapa pa, bangon lang. Ano naman kung madapa ka? E, di, bumangon. Kasi pag hindi ka bumabangon, wala, doon ka na lang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Evelyn Apple Certeza, daughter of a struggling laundrywoman, overcame immense hardships to become a successful businesswoman and improve the life of her family.
PHOTO/S: Evelyn Apple Certeza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results