PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alona Canovas: From constant late enrollee to board topnotcher

“I graduated but still had a balance at school.”
by KC Cordero
Published Mar 24, 2025
Photos of Alona Canovas
Laging late enrollee si Alona Canovas dahil kapos sa budget ang kanyang pamilya. “I almost got pulled out sa hospital kung saan po ako naka-assign, dahil sa wala pa po akong pambayad sa tuition fee. I graduated but still had a balance at school.” (Photos: Alona Canovas)

Labis-labis ang pasasalamat ni Alona Tibayan Canovas sa Panginoong Diyos dahil sa magandang kapalaran na natanggap niya.

Top 7 si Alona sa February 2025 Respiratory Therapists Licensure Examination (RTLE) at nakakuha siya ng ratings na 91.25 percent.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Respiratory Therapist sa University of Batangas noong May 2024.

Graduation photo of Alona Canovas
Si Alona Canovas nang magtapos sa kolehiyo. Photo: Alona Canovas
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Alona sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via Facebook Messenger last March 22, 2025: “Kung sa sarili ko lang po ako nagtiwala, alam kong hindi ko po mapagtatagumpayan ang mga bagay na pinagdaanan ko.

“Kaya nanalangin po ako at nagtiwala sa magagawa ng Diyos para sa akin.”

Read: Meet Sara Samaniego: The basurera influencer in Colombia

RESPIRATORY THERAPY COURSE CATCHES ALONA CANOVAS’ INTEREST

Si Alona, 22, ay tubong Lemery, Batangas at bunso sa dalawang magkapatid.

Kuwento niya sa PEP, wala siyang idea noon tungkol sa respiratory therapy course.

“Nung una, hindi ko po talaga alam ang course na ito.

“The only medical programs I was familiar with ay nursing and MedTech.

“Pero after ko pong mag-research about different medical-related fields, doon ko po nakita ang respiratory therapy.”

Naging interesado siya sa naturang kurso "dahil time din po iyon ng pandemic."

Matatandaan na ang shortness of breath ay isa sa symptoms ng COVID-19, at maraming pasyente ang hirap pa rin huminga matapos gumaling sa virus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pinayagan din naman po ako ng aking mga magulang na itong kursong ito ang kunin ko.”

Read: Renair Palabasan: 10 years in college, Top 10 in board exam

ALONA CANOVAS’ NEVERENDING FINANCIAL WOES

Pagbabahagi ni Alona, tulad ng ibang college students ay hindi rin naging madali ang kanyang mga pinagdaanan.

“I also went through a lot of challenges during that time, especially every semester ay nahihirapan po kami sa pagbabayad ng tuition fee.”

Malungkot niyang pagbabalik-tanaw, “Nagsisimula na yung klase pero wala pa rin ang pangalan ko sa list of students—kasi I was always a late enrollee.”

Alona Canovas with her classmates
Kasama ni Alona Canovas (ikalawa mula sa kaliwa) ang ilan sa mga naging kaklase niya sa kolehiyo. Photo: Alona Canovas
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaroon pa siya ng isang masakit na karanasan noong kanyang internship.

“I almost got pulled out sa hospital kung saan po ako naka-assign, dahil sa wala pa po akong pambayad sa tuition fee.”

Para aniyang kadenang magkakadugtong ang mga pagsubok sa kanya na hindi matapus-tapos, maging hanggang noong naghahanda na siya para sa board exam.

“My family and I were still dealing with financial struggles.

“I graduated but still had a balance [to settle] at school.

“It wasn’t until December 2024 that I finally managed to settle it just so I could get the documents I needed to apply for the board exam.”

Read: Kathleen Jane Latimban: no Latin honor, Top 8 in board exam

“PARANG ANG SARAP MAGING TOPNOTCHER”

Aminado si Alona na nahirapan siya sa board exam.

“Opo, nahirapan din po ako dahil sa takot or pangamba na baka hindi ko kaya.”

Hindi naman niya inaasahan na magiging topnotcher siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Alona Canovas during oathtaking ceremony
Unexpected para kay Alona Canovas ang maging topnotcher siya, pero isang patunay ito ng taglay niyang husay at determinasyon. Photo: Alona Canovas

“Naiisip ko lang po noon na, ‘Parang ang sarap maging topnotcher.’”

Pero kung kasama man sa pangarap niya ang maging topnotcher, hindi ito para sa kanyang sarili.

“Kundi para po sa aking mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakita ko po kasi kung papaano nila pinagsikapang makapagtapos ako.

“Naisip ko lang na kung makakasama ako sa topnotcher, napakagandang regalo po ito para sa kanila.”

Read: Meet King: Tattoo artist at age 9

IT’S ALL FOR ALONA CANOVAS’ PARENTS

Kahit na pinangarap ni Alona na maging topnotcher para sa kanyang mga magulang, hindi naman nila pine-pressure ang anak tungkol dito.

“Sa totoo lang po, during my review days, ang iniisip ko na lang ay ang nanay at tatay ko.

“Hindi po nila ako pine-pressure na makapasa sa board exam dahil alam kong kahit ano ang maging resulta ng exam, kasama ko sila.

“Hindi ko lang po maiwasang ma-pressure dahil nakikita ko na tumatanda na rin sila."

Kaya naman noong lumabas na ang resulta ng kanilang board exam at kabilang nga siya sa mga nangunguna, ang naramdaman ni Alona: “Masayang-masaya po ako dahil nakita kong masasaya ang mga magulang ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para sa kanila po talaga ang tagumpay na ito.”

Ang magandang balita pa ni Alona: “Right after the RTLE results were released, I immediately applied for a job.

“I am now working at Metro Lemery Medical Center."

Ang payo niya sa mga gusto ring maging respiratory therapists: “Go for it.

“It won’t be easy, but it will be worth it.”

Dagdag pa ni Alona: “Respiratory therapy is more than just a profession—it is a calling to serve, to heal, and to give hope.

“So, keep your heart in the right place.

“Let your passion to help others guide you—and never stop learning, growing, and caring.”

Read: Rhona Mae Quijano's journey: from OFW to banana chips business owner at 30

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laging late enrollee si Alona Canovas dahil kapos sa budget ang kanyang pamilya. “I almost got pulled out sa hospital kung saan po ako naka-assign, dahil sa wala pa po akong pambayad sa tuition fee. I graduated but still had a balance at school.” (Photos: Alona Canovas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results