Sa kanyang Facebook post noong June 2024, inihayag ni Kathleen Jane Latimban ang kanyang disappointment nang makumpirma niyang hindi siya qualified para sa Latin Award.
Tubong Polomolok, South Cotabato, pangalawa si Kathleen sa limang magkakapatid.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Criminology sa Holy Trinity College of General Santos City noong June 2024.

Pagbabahagi ni Kathleen sa kanyang Facebook post last March 8, 2025: “I prayed countless times—only God knows how many, asking for a chance.
“But He didn’t answer.
“I cried a lot, thinking that I had failed, until I came across this verse: ‘Now to Him who is able to do exceedingly abundantly above all that we ask or think, according to the power that worketh in us.’” (Ephesians 3:20)
Ang dahilan ng kanyang panibagong hugot—nakapasa siya sa February 2025 Licensure Examination for Criminologists.
At hindi lang siya basta pasado.
Top 8 si Kathleen, at may rating na 91.45 percent.
Read: Rhona Mae Quijano's journey: from OFW to banana chips business owner at 30
KATHLEEN JANE LATIMBAN’S COLLEGE JOURNEY
Nakapanayam si Kathleen ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong March 18, 2025 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.
Pagbahahagi niya, sa kanyang pagkokolehiyo ay numero unong problema niya ang pagkukunan ng para sa mga gastusin.
“Ang pinansyal na kapasidad ng aking mga magulang ay hindi sapat dahil lima kaming pinapaaral.”
Paglalarawan niya sa kanyang parents, “Sila po ay minimum wage earner lamang.”

Maparaan naman si Kathleen kung paano niya na-survive ang challenges ng buhay-college.
“Naging working student ako sa isang fastfood chain.
“Nag-apply din ako sa iba’t ibang scholarship programs sa public at private sectors.”
Sinabayan pa niya ito ng todong sikap sa pag-aaral.
“Pinapanatili ko rin ang pagkakaroon ng matataas na marka upang maging qualified sa scholarship sa aming paaralan.”
Read: Meet Sitti Sahid: Top 3 in respiratory therapists board exam
KATHLEEN JANE LATIMBAN ADMITS BOARD EXAM IS TOUGH
Kuwento ni Kathleen, mula sa pagkokolehiyo hanggang sa pagre-review para sa board exam, ang pinansyal na pangangailangan ang kanyang laging pinuproblema.
Anim na buwan kasi ang itatagal ng kanyang pagre-review.
Gayunpaman, tulad ng kanyang pagkokolehiyo, naitawid din niya ang kanyang review, at sumalang sa board exam mula February 5 hanggang February 7, 2025.
Aminado siyang mahirap ang kanilang board exam.
“Lalo na’t halos lahat ng katanungan ay situational o application type.”

Nang tanungin kung umasa at nangarap ba siyang maging topnotcher, matatas niyang sagot: “Oo naman.
“Umasa, ngunit unexpected pa rin na mapasama sa Top 10.”
Labis-labis naman ang tuwa ni Kathleen nang malaman niyang kasama siya sa topnotchers.
“Kasama ko ang mga magulang ko nang makita ko ang list of topnotchers.
“Napayakap na lang ako kanila sa tuwa.”
Read: Life story of Perlita Ballacillo: security guard turned business owner
KATHLEEN's CAREER PLAN, ADVICE TO WOULD-BE CRIMINOLOGY STUDENTS
Ang kanyang pamilya ang unang pinag-alayan ni Kathleen ng bunga ng kanyang pagpupunyagi.
“At sa mga taong tumulong sa akin upang makamit ang tagumpay na ito.”
Kabilang naman sa kanyang future career plan ang magturo muna sa ngayon.
“At kung papalarin ay papasok sa tri-Bureau.”
Ang payo niya sa mga kabataan na gusto ring mag-aral ng criminology: “Determinasyon ang pinakapuhunan.
“Kung kukuha rin lang ng kagaya kong kurso ay maghanap ng paaralan o institusyon na nagbibigay ng quality education.
“Sa mga graduating naman, maghanap ng quality na review center na tutulong sa kanila upang makapasa.”
Read: Meet Paolo Villas: Average student, Top 4 in board exam
