Pinuri ng pamahalaan ng Iloilo City ang katapatan ng taxi driver na si Anthony Aguirre nang isauli niya ang naiwang backpack ng kanyang naging pasahero.
Ang laman ng backpack: PHP2.4 million in cash.
Ang 52 anyos na si Anthony ay residente ng bayan ng Pavia.
Nagmamaneho siya sa A&A Marie Taxi.
Read: Pinakbet and eggplant dishes shine at 2025 Talong Festival

Read: Cebu Pacific now offers direct flights to Sapporo, Japan
Noong January 17, 2025, naisakay niya ang isang pasahero mula sa isang hotel at inihatid sa Lapuz roll-on, roll-off wharf papuntang Palawan province.
Ang pasahero ay isang babaeng negosyante.
Kinabukasan, January 18, nakatanggap ang operator ni Anthony ng tawag mula sa Iloilo City Police Office-Lapuz Police Station.
Ipinagbigay-alam umano sa pulisya ng kanyang pasahero ang tungkol sa naiwang backpack.
Read: Baguio City teen saves heart-attack victim through CPR
Nang i-check ni Anthony ang kanyang minamanehong taxi, nakita nga niya ang backpack, na agad dinala sa mga awtoridad para maibalik sa may-ari.
TAXI DRIVER GAGAWARAN NG PARANGAL, CASH REWARD
Dahil sa katapatan ni Anthony, gagawaran siya ng ng pamahalaang lungsod ng parangal bilang “Honorary Citizen of Iloilo City.”
Pagkakalooban din siya ng reward na PHP20,000 cash.
Sa isang pahayag na inilabas ng tanggapan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas noong January 20, sinabi ng alkalde na ang ginawang kabutihan ni Anthony ay nagpapakita ng integridad at pagmamalasakit ng mga Ilonggo.
Ayon pa kay Mayor Treñas: “Tony’s story is an inspiration.”
