Nakapagtala ang 55 -year-old na si Hilde Dosogne ng Belgium ng bagong world record para sa “most consecutive marathons.”
Noong 2024, nakalahok siya sa 366 full marathons.
Kung susumahin, nakatakbo siya ng mahigit 15,000 kilometro.
Dating hawak ni Erchana Murray Bartlett ng Australia ang record na 150 para sa women’s world record for most consecutive marathons.
Pero noong May 30, 2024, naagaw na ito ni Hilde kay Erchana.
Read: Meet Ash Xu: TV commercial director at 22

Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real
Hindi naman tumigil si Hilde sa pagtakbo hanggang noong December 31, 2024.
Noon na niya naitala ang kanyang pambihirang record.
Sa kanyang achievement na ito, napantayan na ni Hilde ang naitalang record ng Brazilian runner na si Hugo Farias noong 2023.
Read: Retiree turns hunting for extinct apple varieties into hobby
HILDE DOSOGNE COMMITTED SA PAGTAKBO ARAW-ARAW
Sa tweet ng Le Média Positif, isang French news website, sa X last January 3, 2025, inamin ni Hilde na sa kabila ng kanyang monumental achievement, hindi madali ang tumakbo ng 42.195 kilometro kada araw.
Ramdam niya ang parusang tinatanggap ng kanyang katawan.
Bukod sa pagod, iniinda rin ni Hilde ang bursitis o pamamaga ng kanyang mga kasu-kasuan sa mga paa.
Read: Rich man Roger Thiberville leaves PHP599M to namesake town

Read: BF recreates The Wedding Singer proposal scene for GF
Pero ang pinakamabigat aniyang challenge at nagbibigay sa kanya ng mental stress ay ang pagpuwesto na niya sa starting line araw-araw.
Pagbabahagi ni Hilde, “Mentally, I underestimated it.
“It’s harder to prepare for that.
“I started each marathon at an agreed time so that people always knew when they could join me running.”
Read: 100-year-old woman thrives alone; still working as cashier
Dahil doon, wala umano siyang choice kundi ang magpakita sa mga tao anuman ang sitwasyon at kung anuman ang kanyang nararamdaman.
“Of course, that doesn’t leave much room for flexibility.
“You always have to be there: in the dark, in the cold, rain, you name it.”
Pakiramdam tuloy niya, “The free feeling of running is completely gone.”
Hindi binibilisan ni Hilde ang kanyang pagtakbo.
Consistent siya sa magaan na 10km/h (6.2mph), para makasabay sa kanya ang mga kaibigan at iba pang gustong makiusyoso.
Read: Woman owns 50 classic cars; buys them for enjoyment, not investment
HILDE DOSOGNE RUNS 8 LAPS A DAY
Nakumpleto ni Hilde ang karamihan sa kanyang marathons sa Watersportbaan, isang large rowing training complex sa Ghent, isnag port city sa north Belgium.
Tumatakbo siya ng walong laps na tiglilimang kilometro.
Para makumpleto niya ang 42.195 kilometro kada araw, nagdadagdag pa siya ng tatakbuhing dalawa at kalahating kilometro.
Read: Man accidentally drops iPhone in donor box; temple not returning
Kapag nag-eensayo naman siya sa labas ng complex, para makasigurado, hindi siya humihinto hangga’t hindi nagrerehistro ng 42.5 kilometro ang kanyang GPS watch.
Tinatayang nakatakbo si Hilde ng halos least 2,000 laps sa Watersportbaan noong isang taon.
Read: Man finds Christmas gift he was supposed to receive in 1978
HILDE DOSOGNE’S DAILY JOB, STRICT DIET
Sa kabila naman ng kanyang araw-araw na pagtakbo, may trabaho si Hilde.
Isa siyang part time bio-engineer sa isang chemical firm.
Maaga siyang gumigising araw-araw para pumasok sa trabaho.
Pagkatapos ng kanyang duty, saka siya tumatakbo sa loob ng apat na oras bago umuwi sa kanyang bahay.
Read: Actor gets fired as beer endorser after getting drunk
Sa isang panayam sa kanya ng Running Magazine, isang Dutch publication, sinabi ni Hilde na dahil sa kanyang mga aktibidades ay nauubos ang kanyang energy.
Pero mayroon siyang dietician na siyang nag-aasikaso ng kanyang pagkain para matiyak na ang kanyang katawan ay may sapat na pagkukunan ng lakas.
Sa almusal, mayroon siyang pancakes na hinaluan ng extra protein powder.
Umiinom din siya ng energy gels kapag tumakbo na siya sa kanyang daily marathons.
Read: TikToker mom’s 2 babies earning millions as child models
Recovery shake naman ang kanyang iniinom pagkatapos niyang tumakbo.
Sa gabi, ang kanyang dinner ay sandwich at warm meal.
Ani Hilde, ang ating katawan ay mabilis na nag-a-adapt sa ating aktibidad.
Noong una siyang tumatakbo, pitong energy gels ang kanyang iniinom.
Ngayon ay napababa na niya iyon sa lima na lang.
Read: Fake supermarket on Google Maps attracts thousands of shoppers
HILDE DOSOGNE’S RUNNING GEARS
Dalawang pares ng running shoes ang gamit ni Hilde kada buwan.
Gumagamit din siya ng compression socks para mapigilan ang lactic acid buildup sa kanyang calf muscles.
May mga pagkakataon na kinakailangang gumapang ni Hilde sa pagod para lang matapos ang pagtakbo.
Madalas din siyang madapa.
Read: Landlord removes doors, windows after tenant fails to pay rent

Read: Pablo Escobar's former private jet now for rent on Airbnb
Ang pinakamahirap niyang naranasan ay nang madapa siya matapos tumakbo ng 25 kilometro at nabalian siya ng mga daliri.
Isinugod siya sa ospital para masuri ang kanyang mga daliri at pagkatapos ay bumalik siya sa pagtakbo at tinapos ang buong 42.195 kilometro para matiyak na valid pa rin ang kanyang record attempt.
Nakatakbo siya ng 69 kilometro nung araw na iyon.
Read: Japanese company launches bag of popcorn as cushioning material
HILDE DOSOGNE’S ADVOCACY FOR RUNNING MARATHONS
Bukod sa pagtatala ng bagong new world record for women, sa kanyang pagtakbo ay nakakalap din si Hilde ng mahigit 65,000 euros o PHP3,924,700.
Mula ito sa iba’t ibang donasyon para sa kanya.
Read: Baguio City teen saves heart-attack victim through CPR
Hindi naman niya iyon ibinubulsa.
Ipinagkakaloob niya iyon sa BIG Against Breast Cancer, isang non-profit organization na tumutulong sa mga babaeng may breast cancer.
Ngayong 2025 ay hindi siya araw-araw tatakbo.
Aasikasuhin muna niya ang pagsusumite ng GPS data, mga larawan at videos, at patotoo ng mga sumaksi sa kanyang araw-araw na pagma-marathon.
Isusumite niya iyon sa Guinness World Records.
Umaasa si Hilde na maaaprubahan ang kanyang aplikasyon sa GWR at opisyal nang kikilalanin ang kanyang naitalang record.
Para kay Hilde, gusto niyang ang kanyang naging accomplishent ay maging isang magandang halimbawa—hindi lang ng isang healthy lifestyle—kundi ng personal na pagpupunyagi para magtagumpay.
Read: Dad forces son to break up with girlfriend; marries her himself
