PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Abigail Cayanan: Cum laude, Top 1 in nursing board exam

“Ito po siguro ang bunga ng tiyaga at pagsusunog ng kilay.”
by KC Cordero
Published Dec 5, 2024
Graduation photo of Abigail Cayanan, and the list of topnotchers
Pagiging focused sa kanyang goal ang naging susi ni Abigail Cayanan sa kanyang tagumpay. “Kapag pagod na ako, I always find ways para ma-motivate ulit ako. I reflect on the sacrifices ng mga magulang ko at mga gusto ko talagang mangyari in life.” (Photos: Gail Cayanan, PRC)

Bata pa lang si Abigail Escueta Cayanan, 23, mas kilala bilang Gail, ng Trece Martirez, Cavite ay pangarap na niyang maging nurse.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing sa St. Jude College, Dasmariñas, Cavite, last February 11, 2024, bilang cum laude.

Top 1 siya sa May 2024 Philippine Nurses Licensure Examination, at may rating na 92.60 percent.

Read: Ian Gabriel Mangulabnan: Top 1 in agriculturists board exam

Abigail Cayanan in nursing uniform
Hindi lang basta natupad ni Abigail Cayanan ang pangarap na maging nurse, Top 1 pa siya sa PNLE. Photo: Gail Cayanan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Andrea Yzabell Cortez: cum laude, nursing board topnotcher

Nakapanayam si Gail ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last November 30, 2024, via Facebook Messenger.

Pagbabahagi niya, “Nursing is the only pathway that I can see sa sarili ko po. Bata pa lang po ako, ito lang ang nakatatak sa isip ko.

"I don’t feel like i’ll enjoy other courses like nursing do.

"I remember, Grade 4 ako, role playing lang namin sa school, pero nagpagawa pa ako ng nursing costume kasi gustung-gusto ko talaga ito.”

Read: Jazzylee Rodriguez: cum laude, Top 10 in board exam

CHILDHOOD DREAM: TO BECOME A NURSE

Habang lumalaki, nagkaroon naman si Gail ng strong desire na maging doktor.

Kaya nung magkokolehiyo na siya, “I even looked for scholarships noon or mga state universities para makapag-aral ako ng medicine.

“Pero I realized na may plano po yata talaga si Lord.

“Mas alam Niya yung para talaga sa akin, hindi lang yung basta gusto ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alam din ni Gail na mahihirapan ang kanyang parents na igapang ang kanyang pag-aaral ng medisina kahit pa may business ang mga ito.

“Considering our situation, mahirap na po talaga na ilaban ko pa ang med school.

“However, I felt like yung mga achievements ko and opportunities ay ibinigay to show na para talaga ako sa nursing.

“Dito ko po natagpuan ang purpose ko in life. In general, super happy naman po ako, and I enjoy the path that I am taking.”

Read: Patrick John Santisidad: UP Diliman summa cum laude, Top 1 in board exam

BIGGEST CHALLENGE During college

Aspetong pinansiyal ang naging pinakamalaking pagsubok na kinaharap ni Gail bilang ewstudyante.

“Both my parents used to have a business. Unfortunately po, last year ko na sa nursing school when tables turned. Wala na po silang work pareho.”

Aniya, “Gapang na lang talaga yung last year ko sa nursing school.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Ang laki pa ng balance ko tapos kailangan pa magbayad ng pang-review center.

“Bankrupt po kasi talaga kami. Puro kami utang para lang maitaguyod yung last battle.”

Inakala ni Gail after nag-graduate siya, baka hindi siya makapag-take ng board exam.

“Halfway ng review, di na po ako nakaka-on-site.

“Nagbahay na lang po ako nang kusa kasi ayoko na pong dumagdag sa gastos sa bahay para sa pambaon ko.”

Sinipagan naman niya ang pagre-review.

“Ayoko ko po kasing masayang yung naging tulong sa amin.”

Read: Filipina in U.S. helps stranger, gets PHP5.8 million in return

UNFAZED BY NEGATIVE COMMENTS

Isa pang challenge kay Gail, may mga time na kailangan niyang maging matibay at hindi magpaapekto sa mga sinasabi ng ibang tao.

“May mga tao po na hindi talaga naniwala sa kakayahan ko.

“Struggle ko na po ito elementary pa lang.”

Dala-dala niya ito hanggang magkolehiyo.

“Noong fourth year po ako, kapag maglalabas ng result sa mga pre-board exams ng school, may mga magsasabing hindi naman daw po totoo yung results at hindi naman po ako magta-top.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hanggang makapasa ako, may mga nagsasabi pa rin na, ‘Madali lang naman ang board exam ngayon kaya naka-top iyan.’”

Malaking tulong naman na generally ay nasa supportive environment kaya na-eclipse ang anumang negativity.

Read: Meet Timothy Armoo, millionaire without real-estate properties

“Mga kaibigan ko po talaga ang nakatulong sa aking ma-enjoy ang college life at maging okey holistically.

“When you have people kasi na nakakaramay and same ng struggles, parang mas magaang lumaban.”

Nag-focus na lang din talaga siya sa kanyang goal.

“Kapag pagod na ako, I always find ways para ma-motivate ulit ako.

“I reflect on the sacrifices ng mga magulang ko at mga gusto ko talagang mangyari in life.”

Read: Meet Jigo Biyoyo, summa cum laude and Top 3 in 2024 Chemists Licensure Exam

BOARD EXAM HICCUP

Sa panahon ng kanyang pagre-review, dumating sa point na pinanghihinaan ng loob si Gail

“Kasi I sometimes compare my abilities to other students. I tend to gauge po kasi yung chances kong makapasa based sa results ng mga exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pakiramdam ko, parang kulang pa rin lalo na kapag ang baba ko sa rankings.”

Pagsapit naman ng board exam, may mga anxious moments pa rin si Gail.

“Yung mga mali ko na shade, and yung nabasa ang answer sheet ko.

“Natapunan po ng tubig at lumambot nang bahagya.”

Ang worry niya, “Puwede po kasing di na basahin ng machine.”

Read: Niele Shem Bañas ranks Top 1 in board exams twice: first in ECE, now in ECT

MOTIVATION AND GOAL

Para kay Gail, hindi siya masyadong nahirapan sa board exam.

“Ito po siguro ang bunga ng tiyaga. Nagsunog po talaga ako ng kilay hindi pa man nagsisimula ang actual review para sa board exam.

“Maraming sacrifices para lang makapag aral. Preparation is the key.”

Read: Meet Alyssa Eliana Bautista, Top 1 in criminologists’ board exam

Abigail Cayanan's review materials
Pinaghandaan ni Abigail Cayanan ang pagkuha ng PNLE. Nag-manifest din siyang maging topnotcher. Photo: Gail Cayanan
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Yuan Masuda's love for Chemistry and review strategy land him Top 5 spot in board exam

Nakatulong din aniya ang mga prayers para magkaroon siya ng magaan na pakiramdam sa oras ng board exam.

At higit sa lahat, “Kasama ko rin po ang nanay ko hanggang sa araw ng exam. Dahil dito, kalmado ang pakiramdam ko.”

Inamin din ni Gail na nangarap talaga siyang maging topnotcher.

“Initial fuel ko po talaga is yung pain na naramdaman ko sa lahat ng pag-a-underestimate sa akin.

“However, when I was exposed to a healthy environment, mas naging maganda ang motivation ko to be a topnotcher.”

Ang tinutukoy niyang healthy environment ay ang mga mga kasamahan niya sa review center.

“Ginusto ko na maging topnotcher dahil gusto kong magbigay-pugay rin sa kanila.

“Genuine ako na maipanalo ito kasama sila, at dahil sa kanila.”

Read: Mindanao students invent fire exterminator using sound waves

PARENTS' REACTION TO BOARD-EXAM RESULT

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag ni Gail ang naramdaman at naging reaction nang malamang siya ang Top 1 sa board exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Natutulog po ako nang lumabas and results. Eksakto pa na naka-silent mode ang phone ko.

“Para po akong nabunutan ng tinik.

“Pero ang priceless po nung nalaman na ni Mama kasi umiyak po talaga siya.

“Doon ko po nakita yung tunay na saya sa milestone ko na ito.”

Read: Old painting in barn sale bought for PHP2,900 sold for PHP12M

Art card congratulating Abigail Cayanan
Ang mapasaya ang kanyang parents ang pinakamalaking milestone ni Abigail Cayanan, at natupad niya iyon ng makapasa at maging topnotcher sa PNLE: Photo: SJCDC Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pinay student wins gold in World Youth STEM Invention Innovation

Inialay ni Gail ang tagumpay sa lahat ng naniwala sa kanya, “Especially po sa parents ko.”

Sa ngayon ay nagtuturo si Gail.

“I promised nung nagdadasal ako before boards, if magkaroon man po ako ng place, itutuloy ko ang teaching.

“Ise-share ko ang knowledge ko to nurture future registered nurses, and to help my family.

“I also plan to work na rin po sa clinical setting, and take my masters for career growth.”

Read: 112-year-old John Tinniswood of the UK is world’s oldest living man

Ang payo ni Gail sa mga gusto ring maging nurse, “Ask yourself, ito ba talaga ang gusto mo?”

Para sa kanya, ang nursing ay masayang propesyon, “But it requires you a lot of effort.”

Paalala niya sa nursing student man o registered nurse na, “Kailangan mo ng passion, mahabang pasensiya, at dedikasyon.

“Malalampasan mo itong mga ito kapag sa puso mo, nursing talaga ang gusto mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagiging focused sa kanyang goal ang naging susi ni Abigail Cayanan sa kanyang tagumpay. “Kapag pagod na ako, I always find ways para ma-motivate ulit ako. I reflect on the sacrifices ng mga magulang ko at mga gusto ko talagang mangyari in life.” (Photos: Gail Cayanan, PRC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results