PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Old painting in barn sale bought for PHP2,900 sold for PHP12M

The painting is 103 years old.
by Bernie V. Franco
Published Dec 4, 2024
Emily Carr and her painting Masset Q.C.I.
An old painting purchased at a barn sale was revealed to be a work by renowned Canadian artist Emily Carr. The artwork, titled Masset Q.C.I., was initially acquired by a New York-based art dealer for just PHP2,900 but later sold for millions at an auction
PHOTO/S: Vancouver Sun / Heffel.com

Minsan talaga ay nagtatago ang yaman sa mga bagay na akala mo ay maliit lang ang halaga.

Tulad na lamang ng isang lumang painting na nabili sa isang sale.

Nadiskubreng ang painting pala na ito ay likha ng isang maestro at naibenta nang milyun-milyong halaga.

Read: Banana artwork duct-taped to a wall sells for PHP365 million

Ang obra na pinamagatang Masset, Q.C.I. ay ipininta ni Emily Carr noong 1912—ibig sabihin, ito ay 103 years old na.

Si Emily ay tanyag na Canadian artist. Isa siya sa mga unang artists na nakilala sa West Coast.

Ang kanyang lumang painting na ibinenta sa isang sale ay binili ng US$50 (o PHP2,900).

Nang isubasta ito ng isang kilalang Canadian auction house, naibenta ito sa halagang 290,000 Canadian dollars o PHP12 million.

Ang painting ay binili ng isang New York-based art dealer sa isang estate sale sa Hamptons Long Island New York noong November 20, 2024, ulat ng Vancouver Sun,

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa iba pang ulat, ang estate sale na ito ay tinawag nilang barn sale o sale sa kamalig.

Read: Old painting of Henry VIII discovered via random post on X

Masset, Q.C.I. by Emily Carr
The 1921 painting by Canadian artist Emily Carr.
Photo/s: Heffel.com

OLD PAINTING AT A BARN SALE

Ang obra ay oil painting ng isang grizzly bear na nasa tuktok ng isang memorial totem pole sa Masset village sa Haida Gwaii o kilala bilang Queen Charlotte Islands sa Canada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hangarin daw ni Emily sa obrang ito na lumikha ng extensive record ng artistic heritage ng First Nations communities sa British Columbia.

Ayon sa report, regalo niya ang obra sa kaibigang si Nell Cozier at sa mister nito noong 1930.

Pinaniniwalaang dinala ng mag-asawa ang painting nang lumipat sila mula sa Canada papuntang Hamptons sa New York, U.S.A., para maging caretakers ng isang malaking estate.

Matapos bilhin ng New York-based art dealer ang painting, ipinasubasta niya ito sa Heffel Fine Art Auction House sa Toronto, Canada.

Ang projected selling price nila rito ay 100,000 -200,000 Canadian dollars (PHP4-PHP8 million).

Naibenta ang painting ng 290,000 Canadian dollars, subalit kung kasama ang commission sa auction house, aabot ito ng 349,250 Canadian dollars o PHP14.5 million.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An old painting purchased at a barn sale was revealed to be a work by renowned Canadian artist Emily Carr. The artwork, titled Masset Q.C.I., was initially acquired by a New York-based art dealer for just PHP2,900 but later sold for millions at an auction
PHOTO/S: Vancouver Sun / Heffel.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results