Noon pa man, pangarap na ni Ian Gabriel Ramos Mangulabnan ang mag-aral ng tungkol sa agrikultura.
Namulat sa importansya nito noong senior high school, at sa murang edad ay nagkaroon na siya ng inisyatiba na makatulong sa farming communities at sa ating bansa.
Twenty-four years old na si Ian at nakatira ang kanyang pamilya sa Sta. Rosa, Laguna.
Accountant ang kanyang ama sa isang private company, at ang kanyang ina ay may small home-based food business na tinawag na “Ibette Ibang Sarap.”
May isa siyang nakababatang kapatid.

Last August 2023, natupad ni Ian ang kanyang pangarap nang magtapos siya ng Bachelor of Science in Agriculture, major in Agricultural Extension sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) bilang magna cum laude.
Top 1 naman siya sa November 2024 Licensure Examination for Agriculturists.
May rating siya na 89.67 percent.
Read: Andrea Yzabell Cortez: cum laude, nursing board topnotcher
MAHIHIRAP ANG SUBJECTS, NAKULANGAN SA EXPERIENCE SA FIELD
Nakapanayam si Ian ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last November 28, 2024, via Facebook Messenger.
Aniya, mahirap ang naging pagkokolehiyo niya sa UPLB, “lalo na noong freshman year.”
Partikular niyang tinukoy ang Chemistry 18 na isa sa mga subjects na nahirapan siya.
Dagdag pa niya, “Kakulangan din ng experience sa field dahil sa pandemic.
“Yung feeling na ‘hilaw’ pa kahit pagka-graduate.
“Ito po kasi talaga yung naging isang major limitation sa amin.”
Malaking tulong naman sa college life niya ang pagkakaroon ng magandang support system.
“Tiwala rin po sa sarili, preserving and maintaining momentum.”
Read: Jazzylee Rodriguez: cum laude, Top 10 in board exam
IAN GABRIEL MANGULABNAN NAG-FOCUS SA REVIEW, NAG-AIM NA MAGING TOPNOTCHER
Nang maghanda na para kumuha ng board exam, naging challenge para kay Ian ang preparasyon, ang mga kailangan niyang i-review, at time management.
“Tumigil po muna ako sa work para makapag-focus sa review.”
Para sa kanya, mahirap ang board exam.
“Napakalawak po ng scope ng agriculture board exam.
“Six subjects, then iko-compress lang into 100 items each subject.
“Malaki ang chance na hindi lumabas ang inaral.”
Inamin naman niyang nangarap siyang maging topnotcher.
Ani Ian, “Ang perspective ko po rito ay magte-take na lang din naman, aim for the top na rin.
“Pero hindi naman ako masasaktan kung hindi umabot—ang pinaka-importante ay makapasa.”
Read: Patrick John Santisidad: summa cum laude, Top 1 in board exam
MANONOOD SANA NG SINE NANG LUMABAS ANG RESULT
May magandang kuwento si Ian nang lumabas na ang resulta ng kanilang board exam.
“Manonood kami ng Wicked for 8:30 P.M. kaso hindi agad kami nakapasok ng sinehan dahil may dala kaming ice cream.”
Kasama niya noon ang kanyang mga kapamilya at nobya.
“Pinilit naming ubusin muna.
“Habang inuubos ang ice cream, nag-iingay ang cellphone ng girlfriend ko sa dami ng notifs [notification].
“Yun pala ay lumabas na ang results ng LEA.”
Nang buksan ng kanyang girlfriend ang Messenger nito, “Napatili at napaupo na lang siya habang umiiyak.
“Dun niya na nakita ang pangalan ko sa listahan ng topnotchers, at Top 1 pa nga.
“Kasama rin namin ang nanay ko nun, at siya rin ay napasigaw at umiiyak sa tuwa.
“Ako naman ay di makapaniwala at tuwang tuwa rin.”
Kuwento pa ni Ian, nagtaka ang mga tao sa paligid noon kung ano ang nangyayari.
“Pati si Ate Guard na nagpaubos muna ng ice cream sa amin ay nag-congratulate.
“’Tapos pumasok na kami sa loob ng sinehan para manood at doon ko sinabi sa aking kapatid at tatay dahil nauna na silang pumasok.”
Read: Meet Timothy Armoo, millionaire without real-estate properties
IAN GABRIEL MANGULABNAN’S REFLECTIONS AFTER THE RESULT WAS OUT
Sa kanyang Facebook post last November 30 ay naghayag si Ian ng kanyang reflections isang linggo matapos lumabas ang resulta ng kanilang board exam.
Pagbabahagi niya, “Having a solid family/foundation/support system is really the most underrated privilege one could have.
“Saw this before sa isang post, and I really have to agree. Nabanggit ko na rin ito sa aking naunang post.
“I acknowledge my privilege at nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-focus muna sa review nang ilang buwan.
“Kaya’t saludo talaga ako sa mga nag-take at pumasa habang nagtatrabaho, nag-aaral, nag-aalaga ng pamilya, at ang mga may iba pang inaasikaso sa buhay.”
Para kay Ian, ang resulta ng board exam ay hindi nagdedetermina sa overall worth o value ng isang kumuha nito.

Pagbibigay-diin niya, “Ang resulta ng LEA ay galing lamang sa pagsagot natin sa 600 items.
“Six hundred items is very miniscule compared to the plethora of concepts and knowledge found in the field of agriculture.”
Dagdag pa niya, “Hindi kasama rito ang kaalaman natin sa field at sa iba pang konsepto na hindi lumabas sa exam.
“Alam ko rin sa sarili ko na marami pa akong kailangang matutunan mula sa research, sa practice, at sa ating mga magsasaka at farming communities.”
Sinabi rin niyang higit sa lahat, ang board exam results ay “just the tip of the iceberg.”
“Ito ang nakikita ng ibang tao, pero alam natin sa sarili natin ang ating mga paghihirap na pinagdaanan habang naghahanda para sa exam.
“Kaya regardless of the results, we should be proud of ourselves. We need to stay grounded while also keeping our heads up.”
Read: Jigo Biyoyo: summa cum laude and Top 3 in Chemists Licensure Exam
ANG KABA AT TAKOT AY GINAWANG EXCITEMENT AT ANTICIPATION
Sabi pa ni Ian sa kanyang reflections: “Enjoying and being in the moment is key.”
Ito aniya ang isang prinsipyo na natutunan niya mula sa The Book of Ichigo Ichie: The Art of Making the Most of Every Moment, the Japanese Way na sinulat nina Héctor García at Francesc Miralles.

Ani Ian, patuloy niyang isinasabuhay ang mga prinsipyong nakuha niya sa naturang libro, lalo nang kumuha siya ng board exam.
“Ang kaba at takot ay ginawa kong excitement at anticipation.
“I enjoyed reviewing. I enjoyed the dull moments waiting at the testing room/center.”
Mahaba aniya ang ginawa niyang paghihintay noon.
“I enjoyed taking the exam. Hindi ko hinayaang ma-consume at pangunahan ako ng takot at kaba.
“And I believe this has also led to my success in the exam.
“Chill lang talaga. Be in the moment. Nandun na tayo, eh.”
Ang mga binanggit umano niya ang kanyang naging mindset.
“My co-takers can attest to this.
“Pero ayun, we just have to trust ourselves and what we know.”
Sinabi rin ni Ian na plano niyang mag-share ng iba pang tips para sa mga kukuha ng board exams.
Read: Man finds out owner of his favorite bakery is his real mom
KAILANGAN NG PILIPINAS NG MGA AGRICULTURIST
Matatas naman ang naging sagot ni Ian nang tanungin kung para kanino niya iniaalay ang tagumpay: “Pamilya, magsasaka, at bayan.”
Ibinahagi rin niya na bago siya kumuha ng board exam ay nagturo muna siya sa kanyang high school alma mater, ang Caritas Don Bosco School.
“Ang future career plans ko po ay maging involved sa development work for rural/farming communities talaga.”
Ang payo ni Ian sa mga kabataang gusto ring maging agriculturist: “Pagpursigihin ang pag-aaral ng agrikultura dahil kailangan kayo nito—at kailangan din natin ito.”
Read: Meet Alyssa Eliana Bautista, Top 1 in criminologists’ board exam
