Wala sa plano ni Andrea Yzabell Cortez, 24, ng Imus, Cavite ang maging nurse kahit childhood dream niya ito.
Weakness kasi niya ang mga science subjects.
Noong senior high school siya ay Accountancy, Business, and Management ang kanyang kinuhang strand.
Enjoy siya sa mga bagay na related sa business.

Nag-thrive siya sa kanyang strand at nagtapos na valedictorian sa high school.
Nakatanggap din si Andrea ng iba’t ibang scholarship grants na related sa business course noong magkokolehiyo na siya.
Gayunpaman, mas pinili niyang mag-enroll ng Bachelor of Science in Nursing sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
Nagtapos siya noong September 2023 bilang cum laude.
Top 9 naman siya sa May 2024 Nurses Licensure Examination, at may rating na 90.20 percent.
Read: Jazzylee Rodriguez: cum laude, Top 10 in board exam
ANDREA YZABELL CORTEZ ON taking UP BS NURSING
Nakapanayam si Andrea ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last November 27, 2024 via Facebook Messenger.
Kuwento niya kung bakit nursing ang kanyang kinuha, “Lahat po ay nagbago nung Grade 12 ako at na-diagnose pong may cancer yung late grandmother ko na tinatawag kong ‘Mama.’
“Ilang beses po siyang naospital kaya dito ko unang na-appreciate talaga yung role ng nurses.
“Dumating din po yung time na bumabiyahe ako from Cavite to Manila para lang mabisita at alagaan saglit si Mama sa bahay niya, kaya during those times at until mawala po siya, nag-iba na po yung gusto ko.”
Read: Patrick John Santisidad: UP Diliman summa cum laude, Top 1 in board exam
Dahil sa naging karanasan niya sa pag-aalaga sa lola, naging lunggati na ni Andrea na mag-take ng nursing, and later ay maging doctor.
“Para sa susunod na may mahal po ako sa buhay na magkasakit, alam ko na po yung gagawin ko.
“Dream din po kasi ni Mama yun para sa akin kaya ipinangako ko yun sa kanya bago siya mawala.”
Read: Filipina in U.S. helps stranger, gets PHP5.8 million in return
NAHIRAPANG MAGKOLEHIYO
Sa kolehiyo, ayon kay Andrea, napuno siya ng self-doubts.
“And my mental health really suffered a lot as I hit rock bottom.”
Hindi kaya ng kanyang pamilya na umupa siya ng dorm kaya uwian siya from PLM to Imus, Cavite.
“Nung face-to-face classes pa po, around 10 p.m. to 11 p.m. na ako nakakauwi sa bahay.
"‘Tapos 4 a.m. to 5 a.m. ay kailangang nasa biyahe na ulit ako para pumasok sa 7 a.m. class namin.”

Ang nangyayari, pagdating sa bahay ay natutulog na lang si Andrea, at nag-aaral na lang kapag nasa bus.
“Dahil yun lang po yung oras na meron ako. I’ll make sure na makunan ng picture yung notes ko sa phone para pag tayuan sa bus ay makapag-aral pa rin ako.”
Ikatlong araw pa lang sa college ay nagkaroon na siya ng reality check na iba na ito kumpara sa high school.
“Nagpa-surprise quiz po yung professor namin sa AnaPhy at ang nakuha ko nun ay three out of 10.
“First time ko pong bumagsak nun.”
Dahil consistent honor student, akala niya ay may edge na siya sa mga kaklase.
“Pero iba po talaga ang labanan sa college.
“Most, if not all, of my classmates are honor students and mainly from STEM kaya super tatalino po nila.”
Read: Meet Timothy Armoo, millionaire without real-estate properties
Sa tingin ni Andrea, “Parang napag-iiwanan po ako madalas.
“I tried to still push myself through joining organizations, becoming the block president and group leader multiple times.”
Bagaman at fulfilling iyon at nakatutulong siya sa iba, nakaramdam siya ng burnout.
Bukod doon, “Mas tumindi pa po yung struggles nung nagka-pandemic dahil parehong nawalan ng trabaho yung mga magulang ko habang pareho rin po kaming nasa college ng kuya ko.
“Dumating po sa point na wala na kaming makain. Baon rin po na talaga kami sa utang.”
Magastos din ang kanyang course kahit na free tuition sa PLM dahil kailangan niyang magbayad para sa uniforms, materials and equipment for return demonstrations, printouts, thesis, at iba pa.
Read: Meet Jigo Biyoyo, summa cum laude and Top 3 in 2024 Chemists Licensure Exam
PUMANAW RIN ANG ISA PANG LOLA
Noong fourth year college na si Andrea, biglang bumagsak ang health ng isa pa niyang lola na tinatawag naman niyang “Nanay.”
“Si Nanay po yung nagpalaki sa akin kaya super close ako sa kanya.
Nagdadalawang-isip po silang ipa-ospital siya dahil wala talagang pera at pandemic pa noon.
“Using my knowledge about the free services provided by public hospitals, I was able to convince them na isugod na sa ospital si Nanay.
“Like Mama, napunta rin po sa home management si Nanay, and ako yung tumayong parang ‘private nurse’ niya during those times.
“Kung hindi po ako pumapasok o nag-aaral, nasa City Hall ako para humingi ng tulong para kay Nanay, kasama niya sa check-up, o kaya ay inaalagaan ko siya sa bahay nila.”
Pumanaw ang kanyang nanay noong February 2023.
“Which was days after our midterms.”
Hanggang ngayon, nagdadalamhati si Andrea sa pagkawala ng kanyang nanay.
Read: Niele Shem Bañas ranks Top 1 in board exams twice: first in ECE, now in ECT
NAGKANEGOSYO HABANG NAG-AARAL
Sa kabila ng mga pagsubok, nairaos ni Andrea ang buhay-college.
“Si Lord po talaga yung main reason kasi every time na pasuko na ako at dapang dapa na, lagi pong may miracle na nangyayari at magagawaan ng paraan yung financial problems.”
Hindi tumigil ang kanyang parents sa paghahanap ng mapagkakakitan.
May mga kaibigan siyang nagpapahiram sa kanya ng pera.
At dahil sa kanyang business acumen, nailunsad niya noong second year siya ang isang home-based bakery na ang mga produkto ay ibinibenta niya online.
Read: Mindanao students invent fire exterminator using sound waves
“Mommy ko po yung nagbe-bake at ako yung nagpapatakbo—including social media postings, replying to queries, inventory, etc.
“Dito po ako naging thankful na kinuha ko yung ABM strand during SHS dahil binuhay kami ng business na ito during pandemic.
“Everything happens for a reason po talaga.”
Na-survive din ni Andrea ang college dahil sa kanyang greatest stress reliever since elementary.
“Which is watching K-dramas, especially the medical ones, and listening to K-pop.”
Naging inspirasyon niya ang life quote mula kay Key ng Shinee, na kanyang ultimate bias—na nagsasaad na: “My dream isn’t to become the ‘best.’ It’s to be someone who I’m not ashamed to be.”
Ani Andrea, dahil sa quote na ito, kahit perfectionist siya ay napanatili niyang reasonable ang sarili, “As I try not to be too hard on myself.”
Read: Pinay student wins gold in World Youth STEM Invention Innovation
HINDI NAHIRAPAN SA BOARD EXAM
Ang plano sana ni Andrea ay kumuha na ng board exam noong November 2023.
“I decided to push it to May 2024 PNLE mainly due to the struggles that I was dealing with.
“This time, I placed myself first.”
Sinuportahan naman ng kanyang pamilya ang kanyang desisyon.
Pinagbuti niya ang pagre-review at itinanim niya sa isip na: “I will make this delay worth it.”
Ayon kay Andrea, hindi siya nahirapan sa board exam.
“I actually consider it the easiest exam I took since I started my nursing journey because I know that I gave it my all and I was confident in my PNLE preparation.
“Upon entering the testing site, I already surrendered everything to the Lord. I know that He is with me during my board exam, so I pray hard even while answering the board exam.
“In addition, visiting the grave of Mama the day before the boards really boosted my self-esteem and it reminded me of my purpose.”
Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone
NANGARAP MAGING TOP 1
Inamin ni Andrea na pangarap niyang maging topnotcher.
“Ang aim ko po talaga during review ay maging Top 1.
“I got inspired po kasi dahil sa senior namin from PLM na Top 1 last November 2023 PNLE.
“I consider him my mentor during the review and one of my greatest inspirations.”
Naging magkaibigan na sila nito.
“But I believe that the Lord has plans for me, kaya ibinigay Niya po ang Top 9.
“Manifestation works po talaga.”
Read: Loribel Adeser-Bontilao's remarkable journey: from squatter to pastor to doctor
INIALAY ANG TAGUMPAY SA 2 LOLA
Hindi inaasahan ni Andrea na maagang lalabas ang resulta ng kanilang board exam.
“And it coincides pa po sa birthday ng Mommy ko na May 14.
“Busy po ako nun to surprise my Mommy for her birthday, pero ako po yung na-surprise.
“Ginising niya na lang po ako ng around 9 a.m. na may result na raw po.”
Ayaw pang maniwala ni Andrea noong una.
“Pero pagbukas ko po nung Facebook ko, shared post po nung pinsan ko yung una kong nakita na Top 9 nga po ako, kaya super saya na po namin nun.
“Sumasabog na rin po yung inbox ko nun from congratulatory messages from my professors, friends, and relatives.”
Read: A Boy, a Bicycle and a Legacy: Remembering John Gokongwei Jr.—the film
Para kay Andrea, ang kanyang pagiging topnotcher ay answered prayer from the Lord.
“Kaya Siya po talaga ang una kong pinasalamatan at pinag-alayan. And I promised that I'd pay it forward.”

Iniaalay rin ni Andrea ang tagumpay sa kanyang pamilya.
“Na hindi po sumuko during the pandemic.
“And of course to my Mama and Nanay in heaven, who became my constant ‘whys’.
“Mama who became the reason why I chose to start my nursing journey; and Nanay who became the reason why I continued my nursing journey.
“I hope I made you both proud in heaven. I love you both so much!”
Read: SUCCESS STORY: Batang magbubukid Amado Panes now a teacher
PINAG-IIPUNAN ANG PAGIGING DOKTOR
Sa kasalukuyan ay pinaghahandaan ni Andrea ang pagpasok sa medical school para tuparin ang pangarap na maging doktor.
“I’m also working as a lecturer at the review center where I previously studied for the boards.
“I also have been active as a content creator, sharing tips, advice, live lectures, etc. on my Instagram/TikTok page [@withlove__andy].”
Plano niyang mag-post pa ng mas maraming educational videos sa YouTube.
Pinagsisikapan din niyang makaipon para matustusan ang kanyang pag-aaral sa medical school.
“I don’t want to experience the same financial struggles that took a toll on my mental health.
“At the same time, I want to continue teaching and helping other nursing students who aspire to be registered nurses and topnotchers too.”
Read: VIRAL: Teacher climbs flagpole to secure flag knot
REMINDERS SA FUTURE NURSING STUDENTS
May payo naman si Andrea sa mga kabataang gusto ring kumuha ng nursing course.
“Never forget your 'whys' and always make your mental health a priority.”
Paalala niya sa mga ito, “Nursing will be tough, but don’t let the stress, self-doubts, sleepless nights, struggles, or any form of negativity consume you.
“Study not just to pass; instead, study while thinking of giving the best possible care for your future patients.
“Believe in yourself and know that the Lord is always with you, and He gave you that dream because He knows that you can achieve it.”
Dagdag pa niya, “Remember to do everything with love. Everything will be worth it.”
Read: Meet MrBeast, first YouTuber to have 300 million subscribers
