PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Filipina in U.S. helps stranger, gets PHP5.8 million in return

Her name is Lani Benavidez.
by Bernie V. Franco
Published Nov 21, 2024
crying woman in green t-shirt
In a viral video of an American content creator, a Filipina woman was featured readily helping the content creator who pretended to be in need of money. He then surprised the Filipina with USD1,000, and initiated a fund-raising drive which has so far raise USD98,000 or PHP5.8 million.
PHOTO/S: Jimmy Darts on TikTok

Dahil sa pagiging Good Samaritan ng isang Pilipina, bumalik sa kanya ang biyaya na umabot na sa USD98,510 o higit PHP5.8 million.

Viral ang video ng isang American social media influencer kunsaan ang naitampok niya ay isang U.S.-based Pilipina na may pinagdaraanan.

Read: Mary Jane Veloso to come home to Philippines, says Malacanang

FILIPINA, a GOOD SAMARITAN

Ang nag-viral na video ay ipinost ng American content creator na si Jimmy Darts.

Si Jimmy ay nagsasagawa ng social experiment, kunsaan magpapanggap siyang humihingi ng kaunting tulong sa random people.

Ang sinumang tumulong sa kanya ay susuklian niya ng malaking halaga ng pera bilang regalo.

Sa TikTok video na in-upload noong October 1, 2024, nilapitan ni Jimmy ang isang babae sa grocery store sa Arizona.

Nagpanggap si Jimmy na hindi pa siya kumakain at humingi ng “spare dollar” para makabili ng isang box ng cereal.

Hindi nagdalawang-isip ang babaeng nagpakilala bilang si “Lani” at mabilis siyang kumuha ng isang dolyar mula sa pitaka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-alok pa ito kung nais ni Jimmy na gawin itong two dollars, na malugod na tinanggap ng content creator.

Nagpakilala ang influencer at tinanong si Lani kung bakit niya ito tinulungan.

Sagot ng babae, dahil gusto ni Jimmy ng cereal. Mayroon ding malaking ngiti ang babae, indikasyong bukal sa loob niya ang pagtulong.

Lani
A Filipino was featured in a viral video of an American content creator.
Photo/s: Jimmy Darts on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpasalamat si Jimmy at inalok kay Lani ang cereal box at sinabihang buksan ito.

Nagulat si Lani nang makita ang laman ng box.

Sinabi ni Jimmy na naglalaman ito ng USD1,000 o PHP59,000 bilang regalo.

Hindi na napigilan ni Lani ang maiyak.

It turned out, may pinagdaraanan siya: nasa ospital ang kanyang asawa dahil sa cancer.

“It’s very hard because my husband is the one that makes money for us. I have only part-time job,” sabi ng umiiyak na si Lani.

Sinabi ni Lani na nagtatrabaho siya sa Dollar Tree store, isang discount store sa U.S.

Kasunod nito, gumawa si Jimmy ng fund-raising drive sa GoFundMe, isang U.S.-based crowd-funding website.

Ang fund drive ay may USD20,000 goal para matulungan si Lani sa pagpapagamot sa kanyang asawang may sakit at matustusan ang iba pa nilang gastusin.

Pero sa loob lang ng isang araw, higit USD50,000 (PHP2.9 million) ang inabot ng fund drive.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
crying lady
Filipina Lani Benavidez turns emotional after the content creator offered her USD1,000 as a gift for her kindness.
Photo/s: Jimmy Darts on TikTok

Read: Three good friends build Japanese-inspired deck house in Cavite

UPDATE ON LANI

Gumawa ng follow-up video si Jimmy at binisita kinabukasan si Lani sa kanyang pinagtatrabahuhang discount store.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang makita pa lamang si Jimmy ay emosyunal na agad si Lani.

Lalong napaiyak si Lani nang igawad sa kanya ni Jimmy ang USD50,000 na nalikom sa loob lang ng 24 oras.

Pinakita rin sa follow-up video ang pagbisita ni Jimmy sa mister ni Lani sa ospital.

woman in the hospital
Content creator visits Lani's ailing husband in the hospital
Photo/s: Jimmy Darts on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinakita rin ni Jimmy ang message sa kanya ng anak ni Lani na nagpapasalamat sa malaking tulong.

Binanggit ni Jimmy sa update na umabot na sa USD93,000 (PHP5.4 million) ang na-raise na donation para kay Lani.

At press time, ang fund-raising drive ay umabot na sa USD98,000 o PHP5.8 million.

Sa ulat naman ng ABS-CBN News, sinabi ritong si Lani ay dating taga-Naic, Cavite, na nagtrabaho sa U.S. kasama ang pamilya.

Kinumpirma rin ni Lani na patuloy ang donasyon na pumapasok sa kanya dahil sa fund-raising drive na sinimulan ng American content creator.

"Every day, may pumapasok sa bank account ko hanggang ngayon... I am grateful kasi hindi kami pinababayaan ng Diyos," aniya sa ABS-CBN News.

Sa comment section, bumuhos ang paghanga kay Lani, lalo na ang mga kapwa niya Pilipino. Pinuri nila ang kanilang kababayan sa pagiging matulungin na sumasalamin daw sa katangiang Pinoy.

Naantig at ikinatuwa rin nila ang suwerteng dumapo kay Lani.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a viral video of an American content creator, a Filipina woman was featured readily helping the content creator who pretended to be in need of money. He then surprised the Filipina with USD1,000, and initiated a fund-raising drive which has so far raise USD98,000 or PHP5.8 million.
PHOTO/S: Jimmy Darts on TikTok
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results