PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Timothy Armoo, millionaire without real-estate properties

He has an unconventional way of spending his money.
by KC Cordero
Published Nov 19, 2024
Timothy Armoo at a convenience store
Kahit multi-millionaire, simple lang ang buhay niya at ayaw ni Timothy Armoo na mag-invest sa mararangyang bahay at lupa. Mas gusto niyang mag-rent, magpalipat-lipat ng tirahan, mag-travel, at mag-enjoy sa buhay. (Photo: @timarmoo on Instagram)

Isang multi-millionaire si Timothy Armoo.

Siya ang co-founder and former CEO ng influencer marketing firm na Fanbytes.

Pero ang paraan ng pamumuhay o lifestyle ni Timothy ay hindi gaya ng inaasahan sa isang sobra-sobra ang pera.

Wala siyang mararangyang bahay o anumang ari-arian.

Timothy Armoo at a banana plantation
Si Timothy Armoo habang nasa isang banana plantation. Photo: @timarmoo on Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In fact, nangungupahan lang siya.

Ayon sa artikulong nalathala sa news website na CBNC last September 9, 2024, mas gusto niyang inilalaan ang kanyang pera sa iba’t ibang investments.

Kabilang sa mga negosyo ni Timothy ang mga taniman ng exotic fruits sa Africa, at minahan.

Read: Jigo Biyoyo: summa cum laude and Top 3 in Chemists Licensure Exam

WHO IS TIMOTHY ARMOO?

Si Timothy ang itinuturing na “the face of the new school of entrepreneurs.”

Sa edad na 21, at habang nasa second year college, naitatag niya ang Fanbytes, na nakatulong sa Nike, Samsung at sa United Kingdom Government na makuha ang atensiyon ng Gen Z sa pamamagitan ng influencer marketing.

Sa loob ng limang taon, nakapag-empleyo si Timothy ng 75 katao.

Read: Man finds out owner of his favorite bakery is his real mom

Bago ang Fanbytes, noong 17 years old pa lang siya ay naitatag din niya ang Horizon Media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mataas ang awareness ni Timothy kung paano magbuo ng bagong brands at high-performing teams.

Kinilala siya ng Huffington Post bilang “Entrepreneur of The Year;” at ng Times bilang “one of the most influential people in media.”

Bilang thought leader, naging kinatawan siya sa global stages ng iba’t ibang brand gaya ng Goldman Sachs, Adobe, at Dell tungkol sa new world of media and future proofing a multi-generational workplace.

Ang kanyang success story mula sa kanyang mahirap na pinagmulan sa Old Kent Road, isang council estate sa UK, at ang paggamit sa negosyo para umangat ang kalagayan sa buhay ay nagsisilbing inspirasyon sa netizens bilang simbolo ng pagbabago at pag-asa para sa susunod na henerasyon.

Read: Boy with autism slapped by Mercedes-Benz owner receives Ford SUV

HOW DID TIMOTHY ARMOO BECOME A MILLIONAIRE?

Nagsimulang magkapera si Timothy sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanyang naitatag na kumpanyang Fanbytes sa digital marketing agency na Brainlabs noong May 2022.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Fanbytes ang nasa likod ng mga Gen Z-skewed campaigns ng mga brands sa iba’t ibang platforms, gaya ng TikTok, Instagram, at Snapchat.

Timothy Armoo at the beach
Malakas ang radar ni Timothy Armoo kung paano maiimpluwensyahan ang lifestyle ng Gen Z. Photo: @timarmoo on Instagram

Bukod sa social-media campaigns, kabilang sa mga serbisyo nito ang data insights, talent management, at data portal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkakaloob ang Fanbytes ng mga impormasyon para sa mahigit anim na milyong influencers sa TikTok at Instagram.

Itinatag ito ni Timothy noong 2014.

Dahil sa Fanbytes, nakabilang siya sa Forbes 30 Under 30 list noong 2021.

Nasa eight figures (in pounds) ang kanyang napagbentahan, pero hindi na isinapubliko kung magkano.

Read: Bride devastated when only five guests show up at her wedding

TIMOTHY ARMOO's SCARCITY MINDSET

Bagaman at nagkaroon na si Timothy ng malaking pera, wala siyang lakas ng loob ng gastusin iyon at mamuhay nang marangya.

Natakot na kasi siyang mawalang muli ng pera lalo pa at lagi niyang naaalala kung paano siya lumaking mahirap sa kanilang lugar sa southern part ng London.

Dahil namulat siya sa pagiging mahirap at nanirahan sa hindi kagandahang public housing project, ayon kay Timothy, nagkaroon siya ng tinatawag na “scarcity mindset.”

Kumbinsido umano siya na kapag nagsimula siyang bumili ng kung anu-ano, sandali lang at tiyak na mauubos ang kanyang pera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lagi rin siyang may listahan ng kanyang mga pinagkakagastusan.

“I would track it every week, maybe twice a week.”

Mayroon siyang spreadsheet kung saan nalalaman niya kung saan ginamit kahit ang pinakamaliit na sentimo.

Read: Sick man on hospital bed taken to bank for identity verification

TIMOTHY ARMOO's MILLION IN CASH

At para hindi mawala sa kanyang paningin ang pera, nag-withdraw siya ng one million pounds in cash, inilagay sa isang malaking bag, at iniuwi sa kanyang bahay.

Ikinalat niya ang mga pera sa kanyang kama, at minamasdan lang niya silang nakakalat.

Gusto raw niyang itanim sa kanyang instinct na anuman ang mangyari ay may hawak-hawak siyang malaking pera.

Bulong umano niya sa sarili, “If all else fails, if you spend everything on gambling, or you spend it on crypto, or something bad, at the very least, you have a million pounds in cash.”

Read: Diver finds graduation ring lost for 47 years, returns to owner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW TIMOTHY ARMOO GROWS his money

Nang maibenta ang Fanbytes, sinimulan ni Timothy na mag-invest sa index funds.

Naglagay siya ng passive funds sa S&P 500.

Nagmamay-ari rin siya ng iba’t ibang stocks sa Shopify at Cloudflare.

Paliwanag ni Timothy, basically ay mayroon siyang dalawang sistema ng pamumuhunan.

Extremely safe bucket kung tawagin niya ang perang inilaan niya sa index funds, overweight cash, bonds, guilt, and treasuries.

Exotic naman ang tawag niya sa mga kakaibang investments na pinasok niya, gaya ng pataniman ng avocado, soybean, at mangga sa Kenya, Angola, at Tanzania.

Ang mga patanimang ito ang nagsu-supply ng mga naturang produkto sa malalaking pamilihan sa Europe.

Inamin ni Timothy na involved din siya sa “random stuff” at “alternative investments” gaya ng pagbili ng uranium at pagpopondo ng minahan ng lithium.

Aniya, “I enjoy the game of finding different arbitrages and different cool ways to spend, and invest the money, as opposed to ‘we’re just going to put it all in index funds.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: This Pinoy resort has the world's largest chicken-shaped building

TIMOTHY ARMOO'S BUSINESSES

Simple ang paraan ng pamumuhay ni Timothy.

Sa katunayan, wala siyang maituturing na sariling bahay.

“I didn’t get involved in any residential property or any direct commercial property.

“Most people see property as their way of building wealth, but I use businesses as my way of building wealth.”

Paliwanag pa niya, wala siyang pamilya at wala rin siyang karelasyon kaya hindi siya nag-i-invest sa ganito.

Read: Reptile enthusiast tries to keep two-headed turtle alive

Umaasa si Timothy na ang iba pang kabataang milyonaryo ay gagawa rin ng kanilang sariling choice kung paano gagamitin ang pera.

Sa parte niya, sa halip na magkaroon ng properties ay mas gusto niyang magpalipat-lipat ng tirahan at makapamasyal sa buong mundo.

Minimalist kung i-desribe ni Timothy ang sarili at pamumuhay.

Ang natatandaan lang niyang flashy purchase ay ang kanyang first-class flights papuntang Bali, Indonesia, para sa kanila ng kanyang ex-girlfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Timothy Armoo in Egypt
Travel ang nagpapasaya kay Timothy Armoo. Photo: @timarmoo on Instagram

Binigyang-diin din ni Timothy na minsan ay makabubuting iwasan ang mga tradisyunal na paraan kung paano gagawin ang isang bagay—lalo na kung may pera ka.

“I think there’s actually a bigger point here, which is to examine the rules that you live your life by.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You should examine them and say: ’Well, why should I do this? Why should I choose this career? Why should I invest my money in this way?’”

At kung bakit mahalagang pag-aralan ang mga rules na iyon, paalala ni Timothy, “Because if not, you’re going to wake up later on and realize that you’ve lived your life by someone else’s rules.”

Read: "Fart kontrol” signboard in Sweden goes viral

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit multi-millionaire, simple lang ang buhay niya at ayaw ni Timothy Armoo na mag-invest sa mararangyang bahay at lupa. Mas gusto niyang mag-rent, magpalipat-lipat ng tirahan, mag-travel, at mag-enjoy sa buhay. (Photo: @timarmoo on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results