Best in the world.
Ito ang context na nais iparating ng meme video na ipinost ng nurse-content creator na si Lindsey Shelton.
Sa short skit, naka-scrub suit si Lindsey at may hawak na stethoscope.
Sa una ay nakangiti siya habang nakikihalubilo. Pagkatapos, tila may nakita siyang tao at saka siya umambang sisigaw.
Ganito ang text overlay sa video, “Walking into the ‘Best Nurse’ competition just to see a 4’11” Filipina.”
In short, nais ipahiwatig ni Lindsey na pagdating sa nursing industry, standouts ang mga Pilipina sa kabila ng short height nila.
Higit 20 million views ang nakuha ng meme na ito ni Lindsey.
Batay sa kanyang social-media accounts, kaibigan ni Lindsey ang kilalang US-based nurse and content creator na si Nurse John, a.k.a. John dela Cruz.
Read: The life of Peter Ligot as his late father’s caregiver

FOREIGNERS' TESTIMONIALS ON FILIPINO NURSES
Kabilang sa halos 6,000 comments ay mga patotoo ng mga banyaga kung gaano kahusay ang mga Filipino nurses sa kanilang trabaho.
Sabi ni Jennifer, higit pa sa call of duty ang ginawa para sa kanya ng isang Filipina nurse.
Halos dalawang linggo raw siya sa ospital at sa huling gabi ay bisperas ng kanyang kaarawan.
“At midnight my Filipina nurse came in with a balloon and sang me happy birthday,” sabi ni Jennifer.

Saksi rin daw si Morgan sa extra efforts na ginagawa ng Filipino nurses, tulad ng 71-year-old nurse na nag-alaga sa kanya noong nanganak siya.
Sabi ni Morgan, “She’s the only one who helped me with breastfeeding and with general frustrations.”
Bukod dito, prangka raw Pinay nurse na pinagsabihan pa ang mister ni Morgan na kailangan magsalitan silang mag-asawa sa pag-aalaga sa kanilang sanggol.
Sabi ni Morgan, “She made me feel like she was my mother.”

Kuwento naman ni Brooke, muntik na siyang bawian ng buhay dahil sa isang car accident.
Nang ma-ospital siya, naging pasaway siyang pasyente.
Isang Pinay nurse ang nagtiyaga at nag-aruga sa kanya.
Pagbabalik-tanaw niya, “So they sent the older Filipina nurse in and she would NOT take my crap. Made me get up, made me eat healthy and fussed at me.”
Sabi ni Brooke, “I think I had given up and she put that fight back in me. I think about her all the time.”
Read: Man's saliva matches with DNA from a murder 36 years ago

FOREIGN NURSES ON THEIR FILIPINO COLLEAGUES
Pati mga foreign medical workers, bilib na bilib sa mga katrabahong nurses.
Tulad ng kuwento ni Christa na sinabing ang mga Pinoy nurses ay “a different breed.” Sa kabila raw ng pagiging maliit, kayang-kaya nilang gumawa ng mabibigat na trabaho.
Lahad ni Christa, “I was going through clinicals at a nursing home, she lifted a patient with ease, asked me to hold them while she grabbed something and I thought I was going to drop them lol.”

Sang-ayon dito si Jess na tinawag niyang “coolest chicks ever" ang mga nakatrabahong nurses.
Sabi niya pa, “They don’t start drama, they work their assess off. They bring food to work.”

Aside from being competent pagdating sa trabaho, assertive rin daw ang mga Pinay nurses.
Isang netizen ang ipinaglaban ng maliit na Filipina nurse sa mga doktor nang kinailangan niya ng agarang medical attention.
Sabi ni Melissa, “…the nurse that spoke up for me and challenged the Drs when I needed it most, a 4’11” Filipina nurse!
“That was over 23yrs ago and I remember her clear as ever; Grace.”

Ani Angela, “Best nurse I ever had. Literally a tiny Filipina lady. She was an angel.”
Ang kuwento naman ni Misty, inalagaan ng isang Filipina nurse ang kanyang lola bago raw ito mamatay.
Tinawag niyang “best one" ang Pinay nurse, “She read my nana’s cues correctly and responded immediately.
“She was tuned in. And she spoke to us like family.”


Sabi ng isa pang foreigner hindi lang mga nurses ang mahuhusay kundi kahit ang mga Pilipinong nasa ibang larangan.
“Work ethic must be a huge deal in their culture,” sabi ni Kristine.
Samantala, may mga Filipino nurses na nagkomento at nakabasa sa mga comments.
Nagpahayag sila ng pasalamat.

