PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Tinniswood, 112, of the UK is world’s oldest living man

“I don’t feel that age.”
by KC Cordero
Published Aug 30, 2024
John Tinniswood then and now
Ipinanganak si John Tinniswood noong 1912 ilang buwan matapos lumubog ng Titanic. Nasaksihan niya ang napakaraming technological advancements at ilang giyera sa mundo. (Photos courtesy of Guinness World Records)

Nag-celebrate ang “world’s oldest living man” na si John Alfred Tinniswood ng kanyang 112th birthday last August 26, 2024.

Residente siya ng Liverpool, United Kingdom.

Bago ang kanyang kaarawan ay kinilala na siya ng Guinness World Records (GWR) noong August 25, 2024 bilang pinakamakatandang lalaking nabubuhay sa mundo.

Ipinagdiwang ni John ang kanyang espesyal na okasyon sa home for the aged na nasa Southport, England, kung saan siya nananatili sa ngayon.

Personal siyang binati ng kanyang mga kapamilya at kaibigan.

John Tinniswood with his GWR certificate
Para kay John ay wala namang espesyal na pakiramdam sa pagsapit niya ng ika-112 taon. Photo: Guinness World Records
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naroroon din ang mga kinatawan ng GWR at kinapanayam siya, partikular sa kung ano ang kanyang nararamdaman ngayong siya na ang nakatalang oldest man sa buong mundo.

Pagtatapat ni John, “It didn’t affect me in any way really, to be honest with you.

“Personally, it doesn’t mean a thing.”

Read: Fil-Am cop Austin Machitar killed in car crash

Nang tanungin naman kung ano ang pakiramdam ng isang 112 years old, sagot niya, “In all honesty, no different.

“I don’t feel that age. I don’t get excited over it.”

Sambit pa niya, ang pagbalewala niya sa kanyang edad ang dahilan kaya nagtatagal pa siya sa mundo.

“That’s probably why I’ve reached it. I just take it in my stride like anything else.”

Wala rin umano siyang sikreto sa kanyang mahabang buhay at kagaya rin lang siya ng ibang tao.

“I can’t think of any special secrets I have.”

Pero dagdag niya, “I was quite active as a youngster; I did a lot of walking.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But to me, I’m no different to anyone. No different at all.”

Read: Teen goes on hunger strike to force mom into buying him an iPhone

IPINANGANAK SA PANAHON NG PAGLUBOG NG TITANIC

Ipinanganak si John noong August 26, 1912, halos mahigit apat na buwan pa lang matapos lumubog ang Titanic noong April 14-15, 1912.

Noong panahong iyon ay anim na buwan pa lang din na naging U.S. state ang Arizona, at nagwakas naman ang 268 na taong paghahari ng Qing dynasty ng China.

Sa buong buhay ni John ay napakaraming kamangha-manghang pag-unlad sa teknolohiya ang kanyang nasaksihan.

Marami rin siyang naranasan na digmaan.

Siya rin ang oldest surviving male World War II veteran.

Naglingkod siya sa Royal Army Pay Corps. Bukod sa pag-aasikaso sa suweldo ng mga kapwa sundalo, bahagi ng trabaho niya ang hanapin ang mga nawawalang sundalo, at mag-organisa ng pagsu-supply ng pagkain sa mga sumasabak sa giyera.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Soldier becomes influencer amidst chaos of war

Nagpakawala naman siya ng masiglang tawa nang tanungin ng GWR kung ang masasabi niya sa nasaksihang mga pagbabago sa mundo sa hinaha-haba na ng kanyang buhay.

Sagot ni John, “It’s no better in my opinion, or hardly any better, than it was then.

"Probably in some places it is, but in other places it’s worse.”

Obserbasyon pa niya, “The world has gone smaller because of modern travel, principally caused by the airplane.

“But since then, I can’t think of anything else that’s made the world much different.

"That’s only my opinion. Otherwise, it’s about the same.”

Read: Nokia superfan may collection ng 3,615 cellphones

LAGING INIISIP BATA PA SIYA AT MALAKAS

Walang sinusunod na partikular na diet si John.

Tuwing Biyernes ay kumakain siya ng piraso ng laman ng isda at mga chips. Sa ibang araw, kung ano ang i-serve sa tinutuluyan niya ay iyon ang kanyang kinakain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng kanyang edad ay nagagawa pa niya ang kanyang pang-araw-araw na mga aktibidad nang hindi siya nangangailangan ng tulong.

Photo of John Tinniswood while eating
Hindi pihikan sa pagkain si John Tinniswood at kahit ano ay kinakain niya—pero in moderation. Photo: Guinness World Records

Nakakabangon at nakakababa pa siya sa kanyang tinutulugang kama nang walang umaalalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya pa rin ang nag-aasikaso sa kanyang finances.

Nalalaman naman niya ang mga nagaganap sa mundo lalo na sa larangan ng pulitika sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo.

Read: Photographer nanalo sa photo contest gamit ang lumang iPhone

Kung ang pagbabatayan naman ay ang kanyang pag-iisip, ani John ay lagi niyang itinatanim sa kanyang utak na bata pa siya.

Pinapanatili umano niya na aktibo ang kanyang isipan at hindi niya iniisip ang kanyang edad.

Natatawang biro niya, “I’m not 112 years old. Well, I’m getting on, aren’t I?”

Paglalarawan naman niya sa mangyayari sa mundo sa susunod na 112 taon, hiling niya ay mawala na ang tunggalian sa pagitan ng mga bansa.

“I want to say more honesty between the various countries.

“They all put, including our own, all put on a bit of show now and again.”

Read: Beauty clinic scams young man to get boob job

SUPER FAN NG FOOTBALL SI JOHN TINNISWOOD

Ang asawa ni John na si Blodwen ay pumanaw na noong 1986.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, masaya at na-enjoy niya ang 44 ng pagiging mag-asawa nila ni Blodwen.

Nagkaroon sila ng isang anak na babae, si Susan.

May apat na apo siya kay Susan. Mayroon na rin siyang tatlong apo sa tuhod.

Photo of John Tinniswood
Masaya ang naging marriage ni John Tinniswood, at marami na rin siyang apo at great grandchildren. Photo: Guinness World Record
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang panonood ng football ang paboritong libangan ni John.

Super fan siya ng Liverpool Football Club, na ang koponan ay itinatag 20 taon bago pa siya isinilang.

Nasubaybayan niya ang walong FA Cup wins at ang 17 sa 19 na league title wins ng Liverpool Football Club.

Aniya, “Most people looked upon Liverpool as the football team.

“Everton were looked upon as the smaller one—very nice, mind you—but Liverpool Football Club was looked at as the football club.”

Read: Jobseeker feels off when asked about “sexual orientation”

LAGING MAY BIRTHDAY CARD MULA KAY QUEEN ELIZABETH II

Nang mag-celebrate si John ng kanyang 100th birthday ay nakatanggap siya ng birthday card mula kay late Queen Elizabeth II.

Mula noon, tuwing magbi-birthday siya ay lagi na siyang pinadadalhan ng reyna ng birthday card—at nahinto na lang nang pumanaw ito.

Mas matanda siya ng halos 14 na taon kay Queen Elizabeth II.

Si John din ang ikaapat na oldest man in recorded history sa kasaysayan ng Great Britain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa November ay malalampasan na niya ang record ni Bob Weighton na ipinanganak noong March 29, 1908 at pumanaw noong May 28, 2020.

Kailangan naman niya ng 13 months para makuha ang top spot at malampasan ang record ni Henry Allingham na ipinanganak noong June 6, 1896 at pumanaw noong July 18, 2009.

Matagal-tagal pa bago naman niya makuha ang record na “world’s oldest man ever.”

Ang titulo ay hawak ni Jiroemon Kimura (1897-2013) ng Japan na nabuhay sa loob ng 116 years.

Ang kasalukuyang record para sa oldest living woman–and oldest living person overall–ay hawak ng 116 years old na si Tomiko Itooka ng Japan.

Hawak naman ni Jeanne Calment (1875–1997) ng France ang record para sa “oldest person ever with a fully authenticated age” na nabuhay sa loob ng 122 years.

Sa huli, sinabi ni John na ang pangunahin niyang payo para manatiling malusog ang isang tao ay “to practice moderation” sa lahat nang bagay na ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: 95-year-old groom weds 90-year-old bride

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinanganak si John Tinniswood noong 1912 ilang buwan matapos lumubog ng Titanic. Nasaksihan niya ang napakaraming technological advancements at ilang giyera sa mundo. (Photos courtesy of Guinness World Records)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results