PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Life story of Romeo Saporno Jr. and his 10-year college journey

“Hindi po ako sumuko kahit hirap na po ako..."
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Aug 28, 2024
Romeo Saporno Jr. graduation photo
It takes 10 years of being a working student, failing many subjects, and shifting his course for Romeo Saporno Jr. to graduate—finally.
PHOTO/S: Romeo Saporno Jr

Walang expiration ang pangarap.

Living testament dito si Romeo “Miong” Saporno Jr., 36, na nag-graduate sa kolehiyo nito lamang August 6, 2024.

Matapos ang 10 years bilang working student, sa wakas, nagkaroon na siya ng college degree.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 11, 2024, ibinahagi ni Miong na bagama’t hindi naging madali ang journey niya, dreams do come true.

“Gusto ko lang po i-share yung experience ko as a working student na nakapag-graduate after 10 years po,” ani Miong.

“Hindi po ako sumuko kahit hirap na po ako, dahil dream ko po na magkaroon ng degree sa college.”

Ipinanganak si Miong sa Pototan, Iloilo City, at lumaki sa Zamboanga City.

Pang-labing-isa siya sa labindalawang magkakapatid.

Parehong magsasaka ang kanyang mga magulang, at bunga ng kahirapan, maaga silang nagkahiwa-hiwalay ng kanyang mga kapatid.

Ang mga nakatatandang kapatid ay nagkaroon ng kanya-kanyang trabaho para makatulong sa mga magulang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil pangalawa siya sa bunso, nabigyan pa si Miong ng pagkakataon na makapag-aral hanggang high school.

Nagtapos siya sa high school noong 2005, ngunit hindi muna siya nagpatuloy sa kolehiyo dahil kinailangan na niyang magtrabaho.

MIONG'S SUPPORT GROUP AT HIS WORKPLACE

Pinasok ni Miong ang iba’t ibang uri ng trabaho—mula sa pagtatrabaho sa isang local bakery hanggang sa samu’t saring fast-food chains.

Sinubok niya ang kanyang kapalaran nang lumipat sa Davao City noong 2012 upang makahanap ng mas magandang trabaho.

Sa kabutihang palad, nakapasok siya sa production line ng isang sikat na bakery shop.

Romeo Saporno Jr. with workmates
Romeo Saporno Jr. (encircled) with teammates at work.
Photo/s: Romeo Saporno Jr.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nahirapan si Miong na mapalayo sa pamilya kaya nakaranas ng lungkot.

Buti na lamang at nakahanap siya ng mga kaibigan sa trabaho.

Isang taon matapos makapag-umpisa sa Davao, pinayuhan siya ng kanyang supervisor na ipagpatuloy ang pag-aaral.

Pinag-isipang mabuti ni Miong ang payo ng supervisor niya.

MIONG PURSUES COLLEGE EDUCATION

Taong 2013, nagdesisyon siyang mag-aral ulit.

Pamilya ang kanyang motivation para ipagpatuloy ang pag-abot sa pangarap.

Sabi ni Miong, “Nakita ko yung hirap ng nanay at tatay ko lalo na financial tapos wala kaming sariling bahay.

“So yung pangarap ko talaga ay mabigyan sila ng bahay at lupa, at, siyempre, yung makita silang masaya sa buhay.

“Naniwala ako na may gagawin si Lord God sa buhay ko at alam ko may plan siya for me at sa pamilya ko.”

Aniya, “Gusto ko maging proud sila na magulang ko sila. Gusto ko nararamdaman nila na kahit mahirap lang kami, mataas ang pangarap ng anak nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Gusto ko din maging isang inspirasyon sa mga taong nangangarap at nahihirapan.

“Gusto kong ipakita sa kanila na laging may pag-asa, basta wag tayong sumuko sa pangarap natin sa buhay.”

Hilig ni Miong ang pagdidisenyo ng mga bahay, kaya ang dream course niya ay architecture. Subalit, tila iba ang plano ng tadhana para sa kanya.

Kuwento niya, “Noong una, gusto ko po talaga kumuha ng architecture dahil mahilig po talaga ako sa structure at bahay po.

“Pero noong nag-enroll na po ako, may advice po sa akin na baka mahirapan daw po ako dahil working student daw po ako.

“Kaya po nag-ask po ako kung ano kaya puwede na related po sa structural o pag-design ng bahay. Tapos yun po, sabi, try ko daw civil engineering.”

Nang makapasok sa napiling kurso, sobra raw ang excitement ni Miong dahil sa wakas ay nakatungtong na siya sa kolehiyo.

Tumaas daw ang kumpiyansa niya sa sarili. Pero hindi naging madali ang naranasan sa pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “Halos wala na akong tulog dahil sa dami po ng kailangan gawin like plates, reviews, and practice solving.

“Ilang beses din po ako bumagsak, pero lagi ko po iniisip na may pangarap po ako at kailangan ko po makapagtapos sa college.”

Dumating rin daw sa puntong bumagsak siya sa lahat ng subjects.

THE BIG SHIFT IN MIONG'S LIFE

Bunga nito, dalawang beses siyang pinayuhang mag-shift na lamang ng kurso sa kanyang ikalimang taon bilang engineering student.

Na-discourage siya sa pag-uudyok na mag-shift ng kurso. Tumigil si Miong ng isang semester.

Paglalarawan niya, “Nawalan ako ng pag-asa, umiyak ako noon. Pero, ‘Never give up’ yung tema ng buhay ko, kaya lalaban ako para sa pangarap.

“Ito rin yung time na feeling ko walang nakakaintindi sa akin. Feeling ko walang nakaka-relate sa hirap na naranasan ko.

“Tapos malayo pa ako sa pamilya. May nagsasabi pa nga na, ‘Nagsasayang ka lang ng pera at oras.’ Pero, sabi ko talaga sa sarili ko, ‘Kaya ko ito.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makalipas ang isang semester—at dahil limang taon na rin siya sa civil engineering—bumalik siya sa pag-aaral. Naisipan niyang mag-shift sa kursong psychology.

Romeo Saporno Jr. in Psychology uniform
Romeo who took up Civil Engineering eventually shifted to Psychology.
Photo/s: Romeo Saporno Jr.

Kuwento ni Miong, pinili niya ang psychology dahil naranasan niya ang pakiramdam na parang walang umiintindi sa kanya, kaya nais niyang maging isang good listener.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “‘Yung B.S. Civil Engineering, part yun ng pangarap ko. At ang B.S. Psychology naman po, I think ito yung kailangan natin ngayon.

“Gusto ko kasi maging isang mahusay na listener. Yung kapag may problema ka, puwede mo ako kausapin, at maramdaman mo na may taong nakikinig sa iyo nang buong puso.

“Sa psychology kasi, mas marami akong natutunan, especially, dealing with people, at mas naiintindihan ko rin ang sarili ko.

“Minsan kasi, naranasan ko din na walang nakakaintindi sa akin dahil sa hirap ng pinagdadaanan ko.”

Read: Customer’s revenge after being 'snubbed' at luxury store

MIONG’S STRUGGLES AND SACRIFICES

Noong nag-uumpisa pa lamang siya sa psychology, sobra raw ang takot ni Miong na baka bumagsak na naman siya.

Hindi nagtagal ay natutunan niyang mag-enjoy sa kursong napili niya.

Ang sabi niya: “During my time as a psychology student, mas naging interesting po yung pag-aaral ko at laking pasasalamat ko na wala akong failed subject.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naging madali din yung buhay ko sa online class dahil hindi ko na kailangan mag-travel para mag-aral. Naabutan na rin po kasi ako ng pandemic.

“Pagbalik ko sa face-to-face class, may nakilala akong mga angels.

"Sila yung mga kaibigan ko, sila yung tumulong sa akin sa mga times na hindi ako makapasok sa school.”

Romeo Saporno Jr. with classmates
Romeo considered his classmates as his "angels".
Photo/s: Romeo Saporno Jr.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking bagay rin na sinuportahan siya ng kumpanyang pinapasukan.

Para mas madali niyang mapagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho, inilipat siya sa logistics bilang isang encoder.

Noong nasa production line siya, naging challenge daw ang kanyang trabaho dahil madalas pagod ang kanyang katawan at isip sa pag-aaral.

Kaya guminhawa kahit papaano ang buhay ni Miong nang malipat siya sa logistics.

Nang tanungin naman tungkol sa struggles niya bilang isang estudyante, ang sabi ni Miong: “Time po talaga ang struggle ko kasi kailangan ko magtrabaho, at the same time, mag-aral din po.

“Ang ginawa ko po, yung naging maingat po ako sa oras. May schedule po ako at sinusunod ko po yun. Bahay, trabaho, at school lang po yung routine ko.

“Hindi rin ako nakakauwi sa amin dahil sa schedule ko.

“Sabi nga ng mga kapatid ko, ‘Nandito ka lang naman sa Mindanao, bakit parang nasa abroad ka?’”

Isa pang naging challenge kay Miong ay ang pag-o-overlap ng oras ng pasok sa trabaho sa On-the-Job training (OJT) niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “Bilang estudyante, may mga time na hindi ako nakakapag-aral dahil sa work schedule ko.

“Nakakahiya nga minsan kapag tinatanong ka sa school at wala kang masagot.

“’Tapos during internship na papasok ako sa OJT nang 8 a.m., tapos 7 a.m., yung out ko sa work. Lagi ko lang sinabi sa sarili ko, ‘Konting tiis na lang, matatapos ka na.’”

Marami rin daw siyang natatanggap na mga negatibong komento sa paligid.

Subalit, tinitibayan niya ang kanyang loob sa ngalan ng pangarap.

Aniya, “Lagi kong sinasabi sa sarili ko, ‘Kailangan mo maging strong dahil hindi lahat maiintindihan ka. Tibayan mo ang iyong sarili at dapat focused ka sa goal mo.

"Huwag mo isipin ang sinasabi ng iba sa iyo dahil ikaw ang nakakaalam kung ano yung kaya mo.

"Gawin mo lang nang maayos ang trabaho mo.’”

Read: Loribel Adeser-Bontilao: from squatter to pastor to doctor

MION'S DREAM, A DECADE IN THE MAKING

Bunga ng pagsisikap, sa wakas, nakamit na ni Miong ang pangarap na makapagtapos ng college.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Psychology sa University of Mindanao noong August 6, 2024.

Romeo Saporno Jr. graduates
Romeo finally graduates after a decade in school.
Photo/s: Romeo Saporno Jr.

Sa ngayon, plano ni Miong na ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa Clinical Psychology.

Payo niya sa mga taong gustong makapagtapos: “Huwag po nating isuko ang pangarap natin sa buhay. Laging isipin na lahat ng problema ay may solusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maging positibo lang po tayo dahil may plan din po si Lord God sa bawat isa sa atin.”

Marami ang aral na matututunan sa kuwento ni Miong.

Una, hindi karera ang buhay. Mayroong tamang panahon na nakalaan upang matupad ng isang tao ang kanyang mga pangarap.

Ikalawa, palaging may magandang sukli ang paghihirap, pagtitiis, at pagsusumikap.

Ang sabi nga ni Miong, “After struggle, palaging may surprise iyan.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
It takes 10 years of being a working student, failing many subjects, and shifting his course for Romeo Saporno Jr. to graduate—finally.
PHOTO/S: Romeo Saporno Jr
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results