PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

A Boy, a Bicycle and a Legacy: Remembering John Gokongwei Jr.

Kilalanin si John Gokongwei Jr., ang founder ng JG Summit Holdings
by KC Cordero
Published Aug 21, 2024
Poster of the movie
Nagsimula sa isang lumang bisikleta, nakapagtayo ng mga negosyo si John Gokongwei Jr. at naging isa sa pinakamayaman sa Pilipinas. Itinatag niya ang Gokongwei Brothers Foundation (GBF) na nagkakaloob ng scholarships sa mga kapuspalad na estudyanteng Pilipino. Nasa larawan (L-R): Education Secretary Sonny Angara, JG Summit Holdings head Lance Gokongwei, at James Go, kapatid ni Mr. John at isa sa founders ng GBF. (Photo courtesy of GBF)

Nagkaroon ng screening ang pelikulang A Boy, A Bicycle and A Legacy noong August 14, 2024, sa Cinema 1 ng Opus Mall sa Quezon City.

Ang pelikula ay tungkol sa buhay ni John Gokongwei Jr., ang founder ng JG Summit Holdings Inc..

Prinodyus ito ng Gokongwei Brothers Foundation, sa panulat ng business journalist na si Lala Rimando at sa direksyon ni Troy Bernardo.

Screenshot of the movie
Ang bio-pic ni John Gokongwei Jr. ay sa panulat ni Lala Rimando, at sa direksyon ni Troy Bernardo. Photo: Gokongwei Brothers Foundation
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi rin ito ng paggunita ng pamilya ni John—na mas kilala bilang Mr. John—sa kanyang ika-98 na kaarawan, at sa ika-32 anibersaryo ng Gokongwei Brothers Foundation, o GBF.

Isinilang siya noong August 11, 1926, at sumakabilang buhay noong November 9, 2019, sa edad na 93.

Kabilang sa mga nanood sina Department of Education Secretary Sonny Angara; ang isa sa founders ng GBF na si James Go; Lance Gokongwei, ang head ng Gokongwei Group; iba pang miyembro ng Gokongwei family; GBF Board of Trustees; mga estudyante, educators, miyembro ng media, at iba pang tagapagpalaganap ng misyon ng Foundation.

Ayon kay Rimando, sa libro sana ibabahagi ang life story ni John, pero nagdesisyon ang Gokongwei family na gawing pelikula para maabot ang mas malawak na audience.

Sa pelikula ay ibinahagi ni Mr. John at ng kanyang pamilya ang mga naging pagsisikap nito para maitatag ang naglaon ay naging business empire.

Read: Is business tycoon John Gokongwei Jr. a certified OTWOLista?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NAGTITINDA GAMIT ANG LUMANG BISEKLETA

Sa isang clip ng lumang panayam sa kanya ay ikinuwento ni Mr. John na noon, sa Cebu, ang kanyang ama ay nagmamay-ari ng mga sinehan.

Marami siyang mga kaibigan dahil libre niyang pinapapanood ang mga ito ng sine.

Sa kasamaang palad, pumanaw ang ama sa pagsisimula ng World War II. Noon ay 13 years old pa lang si John.

Natuklasan nilang naisangla pala ng ama ang mga sinehan—at nang lumaon ay naremata nang hindi na nila mahulugan.

Nagdesisyon si John na huminto sa pag-aaral. Sa murang edad, ipinangako na niya sa ina at mga kapatid na siya ang magtataguyod sa mga ito.

Bumili siya ng lumang bisikleta.

Ito ang ginamit sa panininda ng mga tingin niya'y kakailanganin ng tao—sabon, kandila, panahi, at tela—sa panahon ng giyera.

Naglako siya sa mga kalye sa siyudad ng Cebu. Pero umaabot din siya sa labas ng siyudad dahil sa tingin niya'y mas may pangangailan sa kanyang paninda sa mga malalayong lugar.

Tama ang desisyon niya. Laging pagod at naiinitan kakapadyak, pero laging may kita.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong naglalako siya sakay ng bisikleta, ibinahagi ni John na matatag na noon ang ibang kumpanya gaya ng San Miguel Corporation.

Kalaunan, nagluwas na rin siya ng mga produkto sa ibang probinsiya at sa Maynila.

Dahil sa husay niya sa negosyo, naitayo niya ang iba’t ibang kumpanya.

Bandang huli, ang batang sakay lang noon sa bisikleta ay nagkaroon pa ng malaking airline company.

Read: John Gokongwei Jr.: The billionaire who once sold peanuts

UHAW SA EDUKASYON SI MR. JOHN

Bukod sa tagumpay ni Mr. John sa negosyo, tinalakay rin sa pelikula ang pagkauhaw niyang matuto dahil hindi na niya naipagpatuloy ang pag-aaral.

Nakabalik lang siya sa eskuwelahan makalipas ang limang dekada at nang isa na siyang malaking pangalan sa larangan ng pagnenegosyo sa Pilipinas.

Isa siya sa mga hindi nakatapos ng kolehiyo ngunit nakapag-enroll sa isang master’s degree in business administration sa De La Salle University.

Nakakumpleto rin siya ng 14-week Advanced Management Course sa Harvard University.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Photo of John Gokongwei Jr
Kahit marami nang negosyo, nagbalik pa rin sa pag-aaral si John Gokongwei Jr. dahil naniniwala siyang edukasyon ang susi sa pag-unlad. Photo: PEP.ph

Ayon sa kanyang nag-iisang anak na lalaking si Lance Gokongwei, ang JG Summit Holdings Inc. CEO at president, ang kawalan ni Mr. John ng college degree sa kabila ng tagumpay nito sa negosyo ang naging daan para itatag nito ang Gokongwei Brothers Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“He had to work to support his mom and his five siblings. Nonetheless, my dad loved to read and to learn and the idea that he had to stop schooling was such a big disappointment for him.

"Dad always believed that education was the key to nation-building. He wanted to give young people without the gift of college education—something he himself never had a chance to benefit from."

Read: Lance Gokongwei speaks: "Hard work creates luck."

PAGTATAG NG GOKONGWEI BROTHERS FOUNDATION (gbf)

Noong 1992, itinatag ni Mr. John—kasama ang mga kapatid na sina Johnson, Henry, at James ang Gokongwei Brothers Foundation.

Layunin ng GBF na makapaghatid sa Pilipinas ng malaking pagbabago sa sektor ng edukasyon.

Sa ika-30 taon ng GBF, nasuportahan na nito ang 2,191 college, technical-vocational at high-school scholars.

Ang 1,202 dito ay nakapagtapos na.

Sa kasalukuyan, ang GBF ang pinakamalaking private-sector institution na nagkakaloob ng STEM (Science, Technology, Engineering, Mathematics) education scholarships.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtatag din ang Foundation ng GBF Technical Training Center para sa high school graduates at out-of-school youth para makapag-enroll sa TESDA-registered programs.

(Ang TESDA, o Technical Education and Skills Development Authority, ang ahensiya ng gobyerno na, ayon na rin sa kanyang pangalan, ay namamahala sa development ng technical education at skills development ng bansa.)

Bukod sa napagkakalooban ang mga estudyante ng one-year training sa mechatronics, nabibigyan din sila ng oportunidad na makapagtrabaho sa mga planta ng Universal Robina Corporation (URC).

Isa rin ang GBF sa mga unang institusyon sa Pilipinas na nakapagkaloob ng donasyon sa Ateneo de Manila University at sa De La Salle University.

Naging daan ito para maitatag ang De La Salle University Gokongwei College of Engineering, ang John Gokongwei Jr. Innovation Center, gayundin ang Ateneo de Manila John Gokongwei School of Management, at ang Gokongwei Brothers School of Education and Learning Design.

Read: John and Elizabeth Gokongwei: A love story not limited by life on earth

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FOUNDATION SUPORTADO RIN ANG PAGPAPALAWAK SA KAALAMAN NG EDUCATORS

Naniniwala ang GBF na ang STEM education ang isang paraan para mapaunlad ang Pilipinas.

Dahil dito, tumutulong ang Foundation na matugunan ang gaps sa performance ng mga estudyante sa pamamagitan ng pagpapalawak din ng kaalaman ng educators.

Nasa 10,000 teachers na ang naalalayan ng Foundation, na inaasahang makapagpayabong sa kaalaman naman ng isang milyong learners pagsapit ng 2025.

Inilunsad din ng GBF noong 2021 ang TeachSTEM scholarship program para sa mga gustong maging guro.

Staff of Gokongwei Brothers Foundation
Mga estudyante at guro ang benepisyaryo ng scholarship programs ng Gokongwei Brothers Foundation. Photo: GBF
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-o-offer din ng scholarship program sa mga guro na gustong magkaroon ng master’s degree.

Nasa 258 scholars na ang nagbebenepisyo sa naturang programa, at inaasahang masusuportahan ang 1,000 TeachSTEM scholars sa 2025.

Sinusuportahan din ng GBF ang pagyabong ng iba’t ibang learning community ng educators—gaya ng Ka-Science Ka-Math (KaSaMa) Teachers Community ng University of the Philippines National Institute for Science and Mathematics Education Development (UP-NISMED) mula noong 2020.

Sinimulan na rin nito ang capacity-building program para sa mga guro na tinawag na STEM Collab, na mayroon nang mahigit 5,000 members.

Bukod dito, inumpisahan na rin ng Foundation ang class-builder app for teachers bilang flagship program nito para sa professional development ng educators.

Read: Arnon Guinto of Tarlac, National Geographic Society awardee

MR. JOHN IBINIGAY SA FOUNDATION ANG 50 PERCENT NG KANYANG JG SUMMIT SHARES

Isa sa highlights ng pelikulang A Boy, A Bicycle and A Legacy ay nang ihayag ni John sa kanyang pamilya, noong kanyang 80th birthday, na ibibigay niya ang 50 percent ng kanyang JG Summit shares sa Gokongwei Brothers Foundation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Lance, nang sabihin iyon sa kanya ng ama ay “bittersweet” ang kanyang reaksyon dahil alam niyang parte ng kanyang sariling inheritance ang mapupunta sa Foundation.

Gayunpaman, nakaramdam siya ng pagmamalaki dahil gagawin iyon ng kanyang ama para sa edukasyon ng mga Pilipino.

Isa aniyang patunay iyon kung gaano kamahal ni Mr. John ang Pilipinas.

Ganito rin ang nasa damdamin ng iba pa niyang kapatid.

Ang Gokongwei Brothers Foundation Inc. sa kasalukuyan ang may hawak ng pinakamalaking shares sa conglomerate.

Dahil dito, maipagpapatuloy ng Foundation ang legacy ni John na mabigyan ang mga kababayan natin ng pantay na oportunidad sa edukasyon.

Read: John and Elizabeth Gokongwei: A love story not limited by life on earth

ANG SIMBOLO NG BICYCLE

Sa pelikula, ang ilan sa scholars ng GBF noon at ngayon na may mga trabaho na nagpasalamat sa naging papel ng pamilya Gokongwei sa mga malalaking pagbabago sa kanilang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ending ay isa-isang ipinakilala ang kapatid at mga anak ni Mr. John, kasunod ng ilang naging scholars ng Foundation.

Isang pagsasalarawan na maging ang mga scholars ay bahagi na rin ng Gokongwei family ang turing.

Read: Ministop in the Philippines to change its name to Uncle John’s

Nang matapos ang screening, tinanong si Lisa Gokongwei-Cheng—anak ni Mr. John na tumatayong general manager ng Foundation; senior vice president ng conglomerate for digital transformation of corporate services; at presidente ng Summit Media, kunsaan nakapaloob ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)—kung ano ang aral na natutunan sa ama.

Ani Lisa, “I think it's really living with someone who I guess is an icon to many and a hero to me.

“I always think of that symbol of the bicycle. I think it's so perfect. If you think of a boy on a bicycle, you think of constant motion, you think of a journey, and I think all of that came together and really symbolized what Mr. John was about.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa niya, “He always had a plan, he always wanted to go somewhere, he always had a purpose.

“So, I guess I got a bit influenced and I do try to in my life—which is nowhere as heroic as his is—I try to have purpose in the things that I do to inspire me.”

Ang A Boy, A Bicycle and A Legacy ay Rated G, at punung-puno ng puso at inspirasyon.

Mapapanood ito sa YouTube channel ng Gokongwei Brothers Foundation.

Panoorin at ma-inspire sa buhay ni Mr. John.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagsimula sa isang lumang bisikleta, nakapagtayo ng mga negosyo si John Gokongwei Jr. at naging isa sa pinakamayaman sa Pilipinas. Itinatag niya ang Gokongwei Brothers Foundation (GBF) na nagkakaloob ng scholarships sa mga kapuspalad na estudyanteng Pilipino. Nasa larawan (L-R): Education Secretary Sonny Angara, JG Summit Holdings head Lance Gokongwei, at James Go, kapatid ni Mr. John at isa sa founders ng GBF. (Photo courtesy of GBF)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results