PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet 4Ps scholar Khane Cervantes, magna cum laude and topnotcher

“Don’t lose hope.”
by KC Cordero
Published Jul 29, 2024
Photo of Khane Jevie Rose Solante Cervantes and the list of LET topnotchers
Naranasan ni Khane Jevie Rose Solante Cervantes ang laging late sa pagsa-submit ng school projects dahil sa kakapusan sa pera. Naipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pamamagitan ng 4Ps ng DSWD at nagtapos bilang Magna Cum Laude. Top 1 naman siya sa March 2024 Licensure Examination for Teachers. (Photos courtesy of DSWD, PRC)

Tampok si Khane Jevie Rose Solante Cervantes sa “Real Life Stories” sa official Facebook page ng Department of Social Welfare and Development last June 7, 2024.

Top 1 si Khane sa March 2024 Licensure Examination for Teachers (LET) sa elementary level.

Inilabas ang resulta noong May 24.

Ayon sa DSWD, napaiyak ang bagong teacher nang malaman ang balita.

Art card congratulating Khane Jevie Rose Solante Cervantes
Ibinahagi ng DSWD ang naging journey ni Khane Jevie Rose Solante Cervantes bilang isang 4Ps scholar. Photo: DSWD
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sino ba naman ang hindi mapapaluha kung ikaw ang numero uno sa 20,890 mula sa 44,764 individuals na kumuha ng pagsusulit?

Nakakuha si Khane ng 92.40 percent rating.

Aniya, ang kanyang tagumpay ay utang niya sa matinding pagsisikap na makatapos ng pag-aaral at sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD na nagbukas ng maraming oportunidad para sa kanyang pamilya.

Ang 4Ps ng DSWD ay isang national poverty reduction strategy na inilunsad noong 2008 at naisabatas sa ilalim ng Republic Act No. 11310, o “An Act Institutionalizing Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)" noong April 17, 2019.

Pangunahing layunin nito ang mapagkalooban ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino ng pagkakataong makawala sa intergenerational cycle of poverty sa pamamagitan ng human capital investments.

Sa kasalukuyan, halos 4.4 milyong pamilya na ang natulungan ng naturang programa.

Read: Cris Guiral, umangat ang buhay dahil sa 4ps, pagsisikap sa pag-aaral

KHANE'S family of 12

Nagmula si Khane sa malaking pamilya. Pangwalo siya sa 10 magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naninirahan sila sa Cateel, Davao Oriental.

Aniya, masaya ang kanilang pamilya sa kabila ng kahirapan.

Maaga raw siyang napasabak sa reyalidad ng buhay.

Pagbabahagi ni Khane, “As a big family, there are lots of pros and cons.

“Totoo, masaya kami magkakasama kasi marami, hindi boring. Tapos yung gawain sa bahay magaan na lang dahil marami kaming naghahati-hati.”

Pero may isang bagay na sagwil para maging kumpleto ang kaligayahan sa tahanan ng mga Cevantes.

“Sobrang hirap naman po pagdating sa aspetong pinansiyal.”

Read: 4Ps "National Exemplary Child" Shemiah Pineda now an engineer

Isang magsasaka ang ama ni Khane, at caretaker ng isang lupang taniman.

Nag-aalaga naman ng mga hayop ang kanyang ina.

Saksi ang sampung magkakapatid kung gaano kasipag ang kanilang parents sa paghahanapbuhay maitawid lang ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.

Gayunpaman, ang kinikita ng mga ito ay hindi pa rin sapat.

Dahil sa sitwasyong ito, may mga pagkakataong naaapektuhan ang performance ni Khane sa school lalo na kapag may mga kailangang bilhin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nahihiya nga akong humingi sa kanila kasi kitang-kita ko kung gaano kami naghihirap.

“Kaya madaming beses akong nale-late sa pagsa-submit ng projects at ibang gawain sa eskuwela.”

Read: Meet Mark Anthony Arcayan, Top 1 with highest score sa mechanical engineering board exam

HOW THE 4Ps PROGRAM HELPED HER FINISH COLLEGE

Noong 2014, naging beneficiary ang pamilya ni Khane ng 4Ps program.

Naramdaman niya ang bahagyang paggaan ng sitwasyon ng kanilang buhay.

Nakatanggap sila ng education and cash grants.

Dahil doon, nagkaroon ng pandagdag sa kanilang mga gastusin.

Nakatulong din ang programa para mapondohan ang school allowances at iba pang academic-related expenses ni Khane,

Nang maka-graduate sa high school, nag-enroll siya sa Davao Oriental State University–Cateel Extension Campus.

Kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Elementary Education.

Photo of Khane Jevie Rose Solante Cervantes
Sa tulong ng 4Ps ng DSWD, nakapagtapos sa kolehiyo si Khane Jevie Rose Solante Cervantes, na nag-graduate bilang magna cum laude. Photo: Screenshot at Mindanao Times
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At dahil miyembro siya ng 4Ps family, naging eligible beneficiary si Khane ng Commission on Higher Education’s Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (CHED-UniFAST) Tertiary Education Subsidy (TES).

Habang nag-aaral, nakatanggap siya ng educational assistance na nagkakahalaga ng PHP40,000 kada taon bilang scholar ng programa.

“Naging advantage po talaga sa akin bilang isang 4Ps beneficiary dahil po naging scholar po ako ng CHED UniFAST.

“Dahil dito natustusan ang aking pag-aaral hanggang sa nakatapos ako sa kolehiyo.”

Masayang sambit pa ni Khane, “Nagtapos po ako last year [2023] bilang magna cum laude mula sa Davao Oriental State University-Cateel Extension Campus.

“At ngayon nga ay nasungkit ko ang maging topnotcher sa lumabas na resulta ng LET May 2024 Results bilang Top 1 sa Elementary Education.”

Read: Member ng Umayamnon Tribe sa Bukidnon, nagtapos na magna cum laude

INA NAGING BENEPISYARYO RIN NG 4Ps

Bukod kay Khane ay malaki rin ang naging benepisyo ng kanyang ina mula sa 4Ps.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumailalim kasi ito sa orientation tungkol sa responsible financing mula sa Sustainable Livelihood Program Association of 4Ps grantees sa kanilang komunidad sa ilalim ng Family Development Sessions (FDS) na isinagawa ng DSWD.

Bilang isang SLP beneficiary, nabigyan ang ina ni Khane ng livelihood assistance na lalong nakatulong sa araw-araw na gastusin ng pamilya.

Nakapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid ni Khane na mas matanda sa kanya, at nagkaroon na rin ng sariling pamilya.

Gayunpaman, patuloy na sinuportahan ng 4Ps ang kanyang ama’t ina.

Bukod sa maysakitang kanyang ama, may mga kapatid pa siyang nag-aaral.

Khane Jevie Rose Solante Cervantes and other 4Ps scholars during SONA
Tampok din si Khane Jevie Rose Solante Cervantes (dulong kanan) at ang iba pang 4Ps scholars sa ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Marcos Jr.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong July 22, isa si Khane sa mga nabanggit bilang mabuting halimbawa ng resulta ng mga programa ng pamahalaan para sa mga kababayan nating mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

Kasama niyang nabanggit sa SONA ang isa pang 4Ps beneficiary na si Alexis Alegado ng Paoay, Ilocos Norte, na Top 1 naman sa April 2023 Civil Engineering Licensure Examination.

Read: Alexis Alegado, 4Ps beneficiary, Top 1 sa Civil Engineering Licensure Exam

KHANE'S MINDSET

Aminado si Khane na noong una ay hindi siya masyadong naniniwala sa mga rag-to-riches stories.

Pero dahil sa kanyang naging journey, siya mismo ay naging saksi na ang buhay ay puno ng twists and turns.

Aniya, isang magandang nangyari sa kanya ay sinamantala niya ang oportunidad na ipinagkaloob ng gobyerno, at hindi niya iyon sinayang para matupad ang kanyang pangarap.

“Ang mensahe ko sa lahat ng kabataang 4Ps o kahit sa mga kabataang nag-aaral lalo na sa nagmula sa mahihirap na pamilya, I know how it feels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Minsan naiisip mo na imposible. Minsan you think you deserve better at kung bakit kasali ka sa mga naghihirap.

“Ngayon I attest, everything will work out.”

Dagdag pa niya, “Don’t lose hope.

“Mahirap sa ngayon, sometimes you feel you’re stuck. But, I assure you, same as me, all dreams do come true.”

Sinabi rin niya na sa bawat oportunidad na darating, kailangang may bahagi rin ang taong pinagkalooban niyon at dapat magsakripisyo.

“Work on it. Manifest mo ito, ipagdasal at paghirapan. Sabayan mo ng action lahat.

“Magsikap. Mag-manifest, dagdagan ng action o kasipagan, you will get there.”

Sa ngayon, bahagi si Khane ng faculty ng college of education ng kanyang alma mater.

Na-e-enjoy niya ang kanyang pagiging guro.

Inalis naman umano niya sa isip ang anumang distraction tulad ng love life dahil may isa pa siyang pangarap na nais maabot.

Pinaghahandaan na niya ang pagkuha ng law dahil gusto niyang maging abogado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ang kuwento ng pagpupursige ni Marvin Arnoza, 4Ps scholar na isa nang engineer

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naranasan ni Khane Jevie Rose Solante Cervantes ang laging late sa pagsa-submit ng school projects dahil sa kakapusan sa pera. Naipagpatuloy niya ang pag-aaral sa pamamagitan ng 4Ps ng DSWD at nagtapos bilang Magna Cum Laude. Top 1 naman siya sa March 2024 Licensure Examination for Teachers. (Photos courtesy of DSWD, PRC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results