Tampok si Van Alexander Obejas sa “Humans of Palaro” feature ng official Facebook page ng Department of Education noong June 13, 2024.
Si Van ay produkto ng Palarong Pambansa.
Isa siya sa mga learner-athlete na nangarap makaabot sa national sports competition, dahil bukod sa pagkakataong maging kinatawan ng kanilang rehiyon, marami ring oportunidad ang naghihintay sa kanila lalo na kung makapag-uwi ng medalya.
Si Van ay tubong Tacloban, Leyte. Isa siyang track-and-field player.
Read: Pasaway na estudyante noon, teacher na ngayon

Read: Passion not pressure helps Jerome Formaran graduate magna cum laude, top board exam
Una siyang sumalang sa Palarong Pambansa na ginanap sa Antique noong 2017.
At that time, wala siyang napanalunan at hindi nakapag-uwi ng medalya sa kanyang lalawigan.
Read: High-school student Arnon Guinto of Tarlac, National Geographic Society special awardee
GOLD MEDALIST AFTER 3 YEARS SA PALARONG PAMBANSA
Hindi nawala ang determinasyon ni Van.
Pinaghandaan niya ang mga sumunod pang kumpetisyon.
Sa ginanap na Palarong Pambansa noong 2018 sa Vigan, naiuwi ni Van ang bronze medal sa 110-meter hurdles.
Silver medalist naman siya noong 2019 sa Palarong Pambansa Davao sa 400-meter hurdles, at nasungkit niya ang gold medal sa 110-meter hurdles.
Aniya, ito ang pinaka-memorable experience niya sa Palaro—ang mapanalunan ang unang gintong medalya sa kanyang sports career.
"Yung di ko malilimutan sa Palarong Pambansa, yung naka-gold ako kasi three years in the making yun, e.
“Nung 2018, bronze, tapos 2019‘yung kauna-unahang gold medal.
“Dahil doon, marami nang blessings at opportunities na dumating.”
Read: Meet Arshia Goswami: Female version of Hercules
INALOK NG COLLEGE SCHOLARSHIP
Dagdag pa ni Van, simula nang maging podium finisher siya sa Palarong Pambansa ay nagsimula nang lumapit ang National University sa kanya.
Inalok siya ng NU ng scholarship sa college at ng chance na makapaglaro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Tinanggap niya ang offer.
Read: Meet Fritz Sendrijas, Top 1 in architecture licensure exam and magna cum laude

Read: Meet "average student" Janelle Fauni, Top 1 in midwifery exam
Pagtatapat ni Van, hindi madali ang maging isang student-athlete, pero nakapagbigay ito ng maraming lessons, oportunidad, at biyaya sa kanya.
"Dahil din sa sports, mas natuto akong ibalanse at i-manage yung time ko kasi ayun nga, student-athlete.
“Kailangang ma-manage mo yung time mo sa training at saka sa klase."
Read: 2 boys in Rizal get Batang Bayani Award for 'exceptional bravery in preventing robbery'
Sa kasalukuyan, si Van ay kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering sa NU.
Apat na taon na rin siyang naglalaro sa Athletics Team ng nasabing unibersidad.
Sa katatapos lamang na UAAP Season 86, nagwagi si Van ng dalawang gold medal mula sa 110-meter hurdles at 4x400 meter relay.
Nakasungkit din siya ng dalawang silver medal mula sa 4x100 meter relay at 400-meter hurdle.
Read: "Mapait na paglalakbay" ni Wenn Ricaforte tungo sa "mas matamis na tagumpay"

Read: Meet Carmen Dell’Orefice: World’s oldest working model
Ang kanyang accomplishments ay malaking ambag para tanghaling champion ng Men’s Athletics Division ng UAAP Season 86 ang NU.
Pagbibigay-inspirasyon ni Van sa mga learner-athlete na lumalahok sa Palarong Pambansa, “Dahil sa sports, nabigyan ako ng scholarship dito sa NU.
“Isa ito sa mga pinakamalaking naitulong sa akin ng sports, pati na sa family ko.”
Read: Tricycle driver's son, math genius, set to join international math olympiad
