PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Airport cleaner returns dollars found at NAIA Terminal 3

Pinuri dahil sa kanyang katapatan
by KC Cordero
Published Jun 21, 2024
Photo of Rosalinda Cellero and the US dollars she found
Agad ipinagbigay-alam ni Rosalinda Cellero sa airport authorities ang napulot niyang pares ng medyas na naglalaman ng 202 piraso ng US dollars, na ang katumbas ay halos isang milyong piso. (Photo courtesy of miaa.gov.ph)

Ipinagmamalaki at kinilala ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang katapatan ng isang building attendant na nagsauli ng malaking halaga ng salapi sa authorities.

Photo of Rosalinda Cellero and the US dollars
Si Rosalinda Cellero at ang lamang US dollars ng napulot niyang medyas sa NAIA Terminal 3. Photo: miaa.gov.ph

Noong June 20, 2024, napansin ni Rosalinda Cellero, 41, empleyada ng Dear John Services Incorporated na nakatalaga sa MIAA, ang isang pares ng puting medyas na nasa ilalim ng mga upuan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 south final security checkpoint.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad niyang kinuha ang pares ng medyas at nang mapansing may mga laman iyon sa loob ay agad niyang dinala sa Lost and Found Section.

Read: Surot at NAIA? MIAA confirms receiving complaints; apologizes

MEDYAS MAY LAMANG US DOLLARS

Sa isinagawang pagsusuri sa mga medyas, natuklasang naglalaman sila ng 202 piraso ng US dollar bills na aabot ang halaga sa isang milyong piso.

Ayon sa inilabas na pahayag ng MIAA sa official Facebook account nito, nakumpleto na ang pagre-review sa CCTV footage para ma-establish ang mga pangyayari sa likod ng insidente, at para na rin matukoy kung sino ang may-ari ng medyas at pera.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naghihintay pa rin ang MIAA sa magke-claim.

Ilalagak naman ang pera sa isang designated area na sadyang inilaan para sa mga ganitong insidente.

Hindi pa rin malinaw kung paano naipasok ng hindi pa nakikilalang pasahero ang pera sa airport security X-Ray nang hindi nade-detect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ilalim ng patakaran ng Bangko Sentral, ang isang pasahero ay pinapayagan lang na makapagdala ng maximum na US$10,000 (PHP588,250.00) sa hand-carry luggage.

Read: Airport employee, dalawang beses nagsauli ng napulot na pera, iba pang items

AIRPORT CLEANER PARARANGALAN NG MIAA

Samantala, ayon kay MIAA General Manager Eric Jose Ines, “We are delighted to have individuals like Rosalinda who exemplify strength of character and righteousness in the face of tempting situations.

“Her action is a testament to the values we uphold in NAIA.

“Truly, there are angels in our midst.”

Kikilalanin ang katapatan ni Rosalinda sa July flag-raising ceremony ng MIAA.

Pagkakalooban siya ng certificate of commendation dahil sa kanyang katapatan sa tungkulin.

Mula noong May hanggang sa buwang kasalukuyan, nakapagkaloob na ang MIAA ng kabuuang 21 commendation certificates para sa mga airport workers na nananatiling committed sa highest standards of integrity and honesty.

Samantala, ayon kay Ines, kung walang magke-claim ng perang napulot ni Rosalinda, itu-turn over iyon sa National Treasury matapos ang itinakdang panahon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Jealous husband rips apart OFW wife’s passport and plane ticket at NAIA

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Agad ipinagbigay-alam ni Rosalinda Cellero sa airport authorities ang napulot niyang pares ng medyas na naglalaman ng 202 piraso ng US dollars, na ang katumbas ay halos isang milyong piso. (Photo courtesy of miaa.gov.ph)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results