PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Salt vendor, 67, passes college entrance exam

Her husband and only child passed away.
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Jun 11, 2024
Senior citizen entrance exam
This photo of Lola Lita Escal, 67, taking the college entrance exam catches attention on social media.
PHOTO/S: URS Angono Campus - University Supreme Student Government

Walang limitasyon ang pag-abot sa mga pangarap.

Kamakailan, nag-viral ang larawan ng isang examinee na masigasig na sinasagutan ang mga tanong sa isang entrance exam.

Hinangaan ng netizens ang examinee na si Lolita “Lita” Escal, isang Grade 12 student mula sa Angono National High School.

Nagnais kasi siyang ipagpapatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo sa edad na 67.

Nito lamang May 20, 2024, ipinost ng URS Angono Campus - University Supreme Student Government sa Facebook page ang resulta ng University of Rizal System Admission Test (URSAT).

Read: Newlyweds "disrespected" by parish priest on wedding day

LOLITA, THE ADMIRABLE STUDENT

Katatapos lamang niya ng elementarya noong nagpasyang tumigil sa pag-aaral si Nanay Lita dahil sa family problems.

Pero noong 2021, nagpasya siyang ipagpatuloy ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

Sa documentary ni Kurt Stephen Cancio para sa We Stan Truth, tampok ang kuwento ni Nanay Lita.

Ang docu ay official entry para sa isang documentary film competition sa paaralan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito, mas nabigyang-kulay ang nakakaantig na life story ni Nanay Lita.

Mag-isa na lang siya sa buhay, kaya sinusuportahan niya ang sarili at pag-aaral sa pamamagitan ng pagtitinda ng asin sa palengke.

Lola Lita walking and Lola Lita sitting
Lola Lita Escal, 67, is a salt vendor who did not give up her studies. She recently graduated from senior high school.
Photo/s: We Stan Truth
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Thief falls asleep during robbery thanks to cool aircon

STUDENT IN THE MORNING, SALT VENDOR IN THE AFTERNOON

Ang kanyang buhay-estudyante ay di pangkaraniwan.

Kuwento ni Nanay Lita, “Galing ako ng school, kakain ako at maghahanda sandali, pupunta na ako ng library.

“Doon ako gagawa ng assignment ko hanggang alas kuwatro. Galing ng library, punta na ako dito sa palengke.”

Matagal nang namayapa ang asawa ni Nanay Lita at sa mahabang panahon ay mag-isa niyang itinaguyod ang kanilang nag-iisang anak.

Ngunit sa kasamaang-palad ay binawian din ito ng buhay.

Kaya ngayon, inilalaan ni Nanay Lita ang kanyang buhay sa pag-aaral.

Pinagsasabay niya ang pagiging estudyante at ang paghahanap-buhay upang tuparin ang kanyang mga pangarap.

Read: Giant python eats woman in Indonesia; 5th case since 2017

MODEL STUDENT

Ang adviser ni Nanay Lita na si Johanna Marie Barabona, humahanga sa kasipagan ng estudyante.

Sabi niya, “Napansin ko bilang adviser niya ngayong Grade 12 na masipag siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sobrang sipag niyang pumasok. Mas masipag pa siya sa iba niyang mga kaklase.”

Pinuri rin ni Teacher Johanna si Nanay Lita sa pagiging aktibo sa kanilang class discussions.

Magaling din daw itong mag-compose ng essays at mag-English.

Dagdag pa guro, “Nakakatuwa na siya pa mismo yung magcha-chat sa iyo.

"Siya pa yung lalapit sa iyo. Siya pa yung magtatanong kung may mga kulang ba siya, kung ano yung dapat niyang gawin.”

Inilarawan ni Teacher Johanna si Nanay Lita bilang isang inspirasyon hindi lang sa mga Grade 12 students kundi maging sa iba pang mga estudyanteng nakakakita sa kanya.

Dahil sa kabila ng kanyang edad, pinili niyang magpatuloy sa pag-aaral.

“Sigurado akong kasama siya sa mga makakapagtapos ngayong taon,” sabi ni Teacher Johanna.

At hindi nga siya nagkamali, dahil noong May 30, 2024, isa si Nanay Lita sa mga nagmartsa at nagtapos ng senior high.

college entrance exam passers
Photo/s: University-Student Admission Unit on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NANAY LITA'S ADVICE FOR THE YOUTH

Nang tanungin kung ano ang plano niya pagkatapos ng Grade 12, nakangiting sinambit ni Nanay Lita, “Patuloy lang ako. Patuloy lang ang buhay ko kasama si God.”

Nananatiling positibo si Nanay Lita sa hangad na makatuntong ng kolehiyo. Ngunit, kung ito ay hindi para sa kanya, tatanggapin daw niya.

Journalism ang kursong napili niya, at noon pa man, pangarap na raw talaga ni Nanay Lita ang maging isang abogado.

Ngunit ang sabi niya, “Kung ano lang maabot ko, ano lang kayanin ko, yun na lang.

"Mahirap yung mag-ambisyon ako na hindi ko naman kakayanin. Mag-ambisyon man ako, yung makakaya ko lang.”

Payo ni Nanay Lita sa mga kabataan: Sikaping makapagtapos ng pag-aaral on time.

Dagdag niya, “Minsan sabi nila, unahin mo ang pamilya mo bago ang sarili mo. Pero ngayon, parang mali yata.

"Unahin mo ang sarili mo bago ang pamilya mo. Pagkatapos ng sarili mo, tulungan mo ang pamilya mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, walang mangyayari kung uunahin ang pamilya. Hindi tulad kung uunahin ang sarili, mas maayos ang magiging hanapbuhay at mas malaki ang maibibigay sa mahal sa buhay.

Sinabi rin niya na walang masama sa paghahangad na magkaroon ng trabaho habang nag-aaral, ngunit huwag pababayaan ang pag-aaral kahit na anong mangyari.

COLLEGE ENTRANCE EXAM PASSER AT 67

Matapos ang paghihintay, lumabas ang resulta ng University of Rizal System Admission Test (URSAT) noong June 8, 2024.

Ang good news, pasado si Nanay Lita sa napili niyang kurso!

Maraming netizens ang humanga sa kanyang tagumpay at nag-alok ng tulong pinansiyal para sa kanyang pag-aaral.

Isa si Nanay Lita sa mga patunay na hindi kailanman magiging huli ang lahat para sa isang taong may ambisyon at pangarap.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This photo of Lola Lita Escal, 67, taking the college entrance exam catches attention on social media.
PHOTO/S: URS Angono Campus - University Supreme Student Government
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results