Si Jorenz Obiedo, 26, ay winner in life.
Ginalingan niya sa pagraraket para matustusan ang sarili habang nag-aaral.
Ginalingan din niya sa bilang estudyante kaya valedictorian siya ng batch sa University of Caloocan City (UCC) College of Law.
“Ayokong maging part yung buhay ko ng cycle ng poverty,” saad niya sa interview ni Mariz Umali para sa GMA Integrated News.
“Ayoko rin pong maranasan ng magiging anak ko yung naranasan ko po.”
Read: Twins separated as babies reunite; both valedictorians
KARGADOR, SORBETERO AND A LOT MORE
Isang construction worker ang ama ni Jorenz at housewife naman ang kanyang ina.
Isang dosena silang magkakapatid.
At para makatulong sa gastos, maagang nagbanat ng buto si Jorenz.
“Yung tatay ko po, sinama ako na magbenta po nung dirty ice cream. Yun yung una ko pong trabaho,” pagbabalik-tanaw ni Jorenz.
Nakangiti pa niyang sabi, “Mas mabigat pa po yung dinadala ko na styrobox kesa po sa bigat ko po.”
Lahat ng trabahong puwedeng pasukan para kumita ng pera, sinunggabahan ni Jorenz, basta’t marangal.
“Nag-dishwasher po ako, lugawan. Tapos nagkargador din po ng softdrinks. Naging boy ng hardware store.
“Suma-sideline po ako sa papa ko na nagko-construction.”

Read: Beauty and brains Laica Pauline Uy, top 9 at May 2024 nursing board exam
JORENZ NEVER STOPPED SCHOOLING; NEVER STOPPED DREAMING
Alam ni Jorenz ang pakiramdam nang walang baon at walang makain.
Nagkaroon pa ng pagkakataong tumigil sa pag-aaral ang lahat ng kanyang kapatid. Maliban siya.
Dahil sa sipag at tiyaga, nasuportahan niya ang sarili sa kolehiyo.
Nagtrabaho rin siya bilang stenographer noong siya'y nasa law school.
Ang susunod na paghahandaan ni Jorenz ay ang bar exams.
Kapag ganap na siyang abogado, hangad niyang makapagtrabaho sa Public Attorneys Office.
Aniya, “Gusto ko rin pong makatulong sa ibang tao, mga kagaya ko po na wala pong means na maka-access sa justice.”
